"Good bye Ma'am Chulala, see you tomorrow afternoon!"
Kanya-kanyang ligpitan ng gamit ang lahat. Ang mga chikadings na sina Ellie, Tiana, Abby, at Janina ay nagpupulbo at lipstick. Uuwi nalang eh.
Ang mga lalake naman di pa nakakalabas ng classroom may pustahan na sa DOTA.
Ang mga religious naman ay nangungumbinsi sa mga kaklase namin na sumama sa kanilang prayer meeting.
Ang mga athlete, ayun lipad agad. May practice kasi sila tuwing uwian.
At ako na walang ganap sa buhay, mabilis nagligpit ng gamit. Pursigido akong isauli ang wallet ni Max, paano sya makakauwi nito.
Plano kong isama si Chinggay at Bokbok kaya minadali ko rin sila. Sa gym ko planong pumunta kasi doon ko madalas na makita sina Max kada hapon, naglalaro ng basketball. Hindi ko naman kasi alam kung anong section nya. Ang alam ko lang, pareho kaming Grade 7.
"Ano ba kasi yon?"
Si Bokbok ay naiirita na. Kung alam mo lang Bok, para sayo tong loka ka."Sandali lang ba to? Pinapauwi ako ng maaga ni mama eh."
Si Chinggay naman stressed na talaga."Guys, trust me okay?"
Walking distance lang naman ang school at gym kaya nakarating kami agad. Pagdating sa gym ay umakyat kami sa stage at nagsiupo.
"Spill," saad ni Chinggay.
Nilabas ko ang wallet ni Max na nakangiti.
"Anya! Masama ang magnakaw!" saad ni Chinggay na nanlalaki ang mga mata.
"Anya? Tsk tsk tsk." saad naman ni Bokbok na nakasad face. Mukha syang butiki sa pagtsk tsk nya.
Hay nako.
"Kay Max to."
"OMG!"
Hinablot ni Bokbok sa kamay ko ang wallet pagkadinig nya na si Max ang may-ari non. Kita mo to, sya nga ang mukhang snatcher eh."Ito ba yung kanina sa karinderya?"
Tumango ako.
"Omg thank you so much Anyanita frenshikel," sabi nya kasabay ng yakap nyang para akong pinipiga. Gigil na gigil teh?
"Tignan natin ang laman!" excited na saad ni Bokbok.
Pareho kaming lahat na curious sa laman kaya walang pumalag. Pagkabukas, as expected, madaming pera. Isa si Max sa mga well-off sa school kaya expected na madaming salapi sa wallet.
"Kuha akong isang asul na papel ah," ani Chinggay. Kita mo to, sya pala ang magnanakaw.
Pinalo naman ni Bokbok ang kamay nya.
"Wag ganun frenshikel."
Ang sunod na pinakealaman namin ay ang mga cards. May ATM card, credit card, membership ID's.
Consolasion Martial Arts Club
"Alam ko kung saan to. Magawi nga rito," kinikilig na sabi ni Bokbok.
Ang sumunod naman ay ang litrato.
"Wait, ang cute nya dito," at niyakap nya na ang wallet. Ito talaga, parang tanga.
Tumigil naman sya sa kakayakap at pinakita sa amin ng maayos ang picture.
Picture ito ng isang months old baby na kandong ng late 20's na babae, ang nanay ni Max. Sa picture na to, batang-bata pa ang nanay nya.
"Patingin ng maayos, di ko maklaro," sabi ni Chinggay na nanliliit ang mga mata.
"Nasaan kasi ang eyeglasses mo?" sabi ko. Kabibili lang nito ng salamin para sa 25-75 na grado ng mga mata.

YOU ARE READING
Anya, Anyare?
Fiksi RemajaThis is Anyanita Corpus' story. A teen who went through depression because of the twist of fate. Will she regain herself? Or will she create another version of herself? Let's discover her story.