Chapter 1

5 0 0
                                    

Kalmado akong naupo sa pinaglumaang tumba-tumba na nakaharap sa bintana dito sa ikalawang palapag ng bahay. Tanaw mula dito ang napakagandang tanawin, mistulang litrato na nakasilid sa picture frame. Ang punong niyog sa kanan ay mistulang tao na dumudungaw sa bintana, wari ay iniimbita akong sungkitin ang mga niyog into. Ang mga ibong maya naman ay lumilipad-lipad sa alapaap. Kaygandang pagmasdan.

Ang puwestong ito ang pinakapaborito ko sa lahat sapagkat nagpapagaan ito ng aking kalooban. Mula pa noong kabataan ko ay dito na ako nagagawi upang makapagpahinga sa mga bagay-bagay.

"Anyanita! Ang sinaing mong bata ka!"

Agad akong napatayo sa tumba-tumba at kumaripas ng takbo papuntang kusina. Hala may sinaing pala ako.

"Nagpipiling matanda ka na naman riyan sa tumba-tumba! Ano? Kapehin natin sinaing mo?"

Muntik pa akong malaglag sa hagdan sa pagmamadali. Pagdating sa kusina ay nadatnan ko si Mama Goring sa harap ng kalan. Nang makalapit ako kay Mama ay kinurot niya ako ng pagkasakit-sakit sa singit.

"Ano ka ba naman Anya, malaki ka na dapat alam mong binabantayan itong kanin. Dose ka na susmaryosep. Paano nalang kung wala kami ng Papa mo? Paano ka makakakain? Mahiya ka naman, wala ka paring alam samantalang ma buhok ka na dyan sa-

Oops censored. Oo alam ko yun. Kung tutuusin ay pwede naman akong tumakbo palayo kay Mama para hindi na ako makurot sa singit pero naku, hindi magiging kumpleto ang sermon ng walang kurot sa singit kaya lapit nalang para tapos na agad.

Peaceful naman naming kumakain ng agahan sa kabila ng sunog na kanin. Hindi nagreklamo si Papa Isong at hindi na kumuda si Mama Goring. Ayaw kasi ni Papa ng mga hindi magandang diskusyon sa harap ng pagkain, ibig sabihin daw kasi nun wala kang respeto sa pagkain.

Dahil Sabado ngayon, ako ang pinaghugas ng pinggan. Bandang ala una ng hapon ay nagpaalam ako kay Mama na gagala. Syempre saan pa ba, eh di sa sentro!

Dahan-dahan akong naglakad papuntang gymnasium. Nadaanan ko naman ang tropa nina Palm, Thor, Thai at Max na naglalaro ng basketball na binati naman ako.

" Hello second honors!"- Thor

"Hi baby!"- Thai

"Anya, kamusta? Nakakabighani pa rin ang iyong ganda." Palm

Tango naman ang bati ni Max sa akin. Nginitian ko lamang sila.

Tanaw ko mula dito ang stage kung saan nakatayo ang nakasimangot na si Bokbok, ang kaibigan kong matangkad at sexy. Sya ang maganda sa aming magkakaibigan.

"Bokata!"

Napalingon sandali ang lahat ng tao sa gym sa kanya. Nakita kong lumaki ang mga mata nya at yung pisngi at tenga nya naman ay namumula.

Nang makaakyat na ako sa stage ay hinila ni Bokbok ang buhok ko.

"Aray! Ayaw mo nun napansin ka ni Max?Hahaha."

Inirapan lang nya ako. Mukhang hindi ko naman sya makakausap ng maayos ay lumapit ako kay Chinggay na may hawak na papel. Si Chinggay naman ang matalino sa amin. As in sobrang talino nya. Yun nga lang, kinulang sa height, 4'11 lang ang kinaya.

"Ano ba yang binabasa mo? Patingin."

"Bagong kanta ni Jessie J, Price Tag. Pinapraktis ko lang."

Ay kumakanta pala sya.

"Frenshikels, matagal ko nang napapansin na hindi ako pinapansin ng Max na yan," ani Bokbok nang makalapit sa amin.

"Anong gagawin natin?"

"It's not about the money money money."

"Mamaya na yang pagbabasa Chinggay."

Hinila ni Bokbok ang kopya. Nahagip ng paningin ko na umirap si Chinggay. Sige basa ka pa.

"Girls I'm so worried na. Paano namin sisimulan ang aming love story by Taylor Swift nito," reklamo ni Bokbok habang nakatingin kay Max.

"Akala ko ba maganda ka?"

"Chinggay alam ko yun. I know, okay? Madaming manliligaw. Alam nyo naman yun diba?" aniya at tinignan pa kami ni Chinggay upang kumpirmahin na sumasang-ayon kami.

Halos lahat ng lalaki sa school ay nagpapapansin kay Bokbok. Kahit nga mga guards at maintenances eh. Kami ni Chinggay ang tagakain sa mga chocolates na binibigay sa kanya.

Muli na naman syang bumalik sa panonood kay Max na di naishoot ang bola.

" There's ano."
"There's something off in him?" pagpapatuloy ko.
" Yun nga."
"Ganito nalang Bok. Make the first move. Make him fall in love with you. Uso na yan ngayon" saad ni Chinggay na ginawa nang pamaypay ang copy ng kanta nya.

Isang minutong katahimikan. Dumaan ang Panginoon.

"Aha! Alam ko na."

Nagulat kami ni Chinggay nang biglang tumayo si Bokbok.

"Anong alam mo na?" tanong ko.

" Alam ko na kung paano mahuhulog ang tigre na yan sa aking bitag."
Si Max? Sus mukha nga yung unggoy eh.

Sa huli naglaro kami ng kabilugan ng buwan. Ito pala yung naisip nya. Para kaming mga tanga na sumasayaw sa stage at nakaharap pa talaga sa tropa nina Palm. Being supportive friends that we are, naglaro kami kahit na matatanda na kami.

"Lakasan pa natin boses natin."

Todo hataw kami sa itlog na pabilog at pinyang pataray. Kapag kay Bokbok na ay doble ang hataw nito. Mukha syang kiti-kiti na binudburan ng asin. Nang turn ko na upang sayawin ang katawan ni Luningning ay tinawag ako ni Papa.

"Anak, ang selpon kanina pa tumutunog."

Agad akong nagpaalam na uuwi.
Ako lang kasi ang marunog magselpon sa bahay. Di alam nina Mama kung anong pipindutin kasi nakakalito daw. Umakyat ako sa ikalawang palapag. Wala kasing signal sa baba, dito sa taas lang meron, sa may bintana.
Rumehistro ang pangalan ni Papa Ben sa screen, ang biological father ko.

"Hello Pa! Kamusta po?"
"Hello. Okay naman. Pakibigay kay Mama."
Agad kog namang tinawag si Mama Goring. Nang mag-usap na sila ay bumaba na ako. Hindi ko naman ugali ang makinig ng usapan ano.

Maya-maya pa ay tinawag din si Papa Isong, gusto rin daw sya makausap. Makaraan ang sampung minuto ay bumalik si Mama at Papa na may seryosong mga mukha.

"Ano daw po sabi Ma?"
Tinignan ako ni Mama. Tingin na hindi ko maintindihan. Malamlam ang mga mata nya. Si Papa naman ay nakadungo, parang umiiwas.
"Hindi na makapagpapadala ang papa mo ng pera mula ngayon."
"Bakit daw po?"
"Magpapakasal na sya."

Hindi ako nakasagot agad kasi sa totoo lang hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi naman yun tanong para sagutin. Ano ba ang dapat kong maging reaksyon?

Umakyat ako sa hagdan at dumiretso sa paborito kong pwesto, ang tumba-tumba.








Feel free to vote and leave a comment everyone. This is my first time to share my piece. Sana po you'll like it.

Anya, Anyare?Where stories live. Discover now