Lutang na lutang akong pumasok sa school. Natapos na ang dalawang lectures nang hindi ko man lang namamalayan. Ngayon ay ang ikatlong period namin sa umaga, ang English. Wala si ma'am, ewan ko kung saan, hindi pa pumapasok.
"Mas matagal akong wattpader kesa sayo."
"Mas madami naman akong nabasa kesa sayo."
"Let me be the one, Secretly Married, Diary ng Panget, My FB Boyfriend."
"Yan lang ba? So konti. Nabasa ko na yan lahat plus He's into her, TBYD, She's Dating the Gangster blah blah blah..."
"Pre nganong naay pahak imong buhok?"
"Pambihira pre. Nag-abang si Sir Maisog kanina sa gate. Gipahakan ming mga laki nga wala pa nakapagpagupit."
"Tagam nimo, gaya-gaya ka pa kay Justin Bieber, di naman bagay sayo."
Hindi makontrol ng class president naming si Lizzie ang kaguluhan. Sobrang maingay ang buong classroom pero heto ako, nakasuksok sa gilid, walang kinakausap. Wala sa tabi ko si Bokbok at Chinggay, ewan ko kung saan. Kahit maingay ang paligid ay wala akong maintindihan sa pinagsasabi nila. Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang nangyari noong Sabado.
"Magpapakasal na sya."
Paulit-ulit ang mga salitang yan sa utak ko, paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Mama Goring sa aking utak. Para itong kanta sa player na nakarepeat.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. Dapat maging masaya ako kasi sa wakas nakahanap na si Papa ng taong makakasama nya habang-buhay. May mag-aalaga na sa kanya sa araw-araw at sa tuwing may sakit sya. Masaya ako pero nalilito rin.
Di nagtagal ay may napansin akong presensya sa tabi ko. Umupo si Bokbok sa kanan ko at si Chinggay naman sa kaliwa.
"May bago akong eBook dito, gusto mo ibluetooth ko sayo?" ani Bokbok
Tumango ako.
"I can lend you my newly bought books," saad ni Chinggay.
Tumango ulit ako.
"Gago ka ba?" tanong uli ni Bokbok.
Tumango ako sa pangatlong beses. Bumuntong-hininga silang dalawa.
"Gago nga." segunda naman ni Chinggay.
"Frenshikel, alam kong may problem ka. Nandito lang kami ni Chinggay palagi para sayo. Gusto mo kami dito o gusto mo mapag-isa?"
Nagpakawala ako ng buntong-hininga at sinabi sa kanila ang desisyon ni Papa na pagpapakasal.
"Ha? Is it real? Sabihin mo gawin kaming flower girls."
"Bok, sa tangkad mong yan."
"Basta invited kami ha. Daming chibog dun."
Hinila ni Chinggay ang baby hair ni Bokbok.
"Aray ano ba," saad ni Bokbok habang inaayos ang buhok nya saka humarap sa akin.
"Wait lang ha." Pinag-ekis nya ang dalawa nyang kamay. Wait tapos nakaekis, kakalito talaga ang babaeng to kahit kailan.
"Bakit ka malungkot? Madadagdagan ang family member nyo. Madami ka ng nanay. Dapat happy ka kasi happy din ang Papa mo."
Bakit nga ba? Ang gulo-gulo ng utak ko. Kahit saang anggulo isipin ay dapat masaya ako. Gusto kong kausapin si Papa pero hindi ko alam anong sasabihin. Meron akong mga bagay na nais itanong pero hindi ko alam kung ano.
Sa mga bagay na nalilito ako, ang makakatulong sa akin ay si Chinggay. Sya kasi ang matino kausap, si Bokbok kasi puro kalokohan ang alam.
"Chinnie Grace" saad ko at niyakap sya.
YOU ARE READING
Anya, Anyare?
Teen FictionThis is Anyanita Corpus' story. A teen who went through depression because of the twist of fate. Will she regain herself? Or will she create another version of herself? Let's discover her story.