CHAPTER 3

5.5K 121 5
                                    

|EXPECT WRONG GRAMMAR AND TYPO|





|RESPECT|



"Andito na po ako" sigaw ko pagka pasok ko sa mansyon namin tsk as expected wala yung magaling kong parents.

"Ohh iha andito ka na pala. Kamusta ang eskwela?" tanong ni Nanay Linda

Nanay Linda sya yung mayordoma ng mansion namin at sya rin ang nanay ko simula pagkabata maliban kay daddy-ninong ko sya ang kasama ko lumaki.

Kulang man ako sa pag mamahal ng isang magulang atlease naramdaman ko din namang nagmamahal sa akin sobrang laki ng RESPETO ko kay nanay dahil sya ang kauna unahang taong nakasama ko simula nung mag karoon ako ng isip respeto na sa palagay ko hindi ko mabibigay sa magulang ko nirerespeto ko parents ko pero di kasing laki ng respeto ko kay nanay minsan naiisip ko sana, sana sya nalang ang naging nanay ko ok lang kahit mahirap kami basta mahal nya ako at mahal ko sya. And that's all matter to me. Love and care

"Ok lang po masaya po sa eskwela kaso nakakapagod po eh—HAYYY" sagot ko kay nanay habang umuupo sa  couch hayyy kapagod

"Muka ngang pagod na pagod ka sabi ko naman sayo wag kang mag papagod diba teka kuhaan kita ng juice" sabi nya sabay kuha ng juice sa kusina medjo natagalan sya sa layo ba naman ng kusina sa salas

"Talagang nakakapagod po talagang mag aral kahit anong gawin ko po"

Tumabi ng upo sa akin si Nanay sabay yakap sa akin ng mahigpit kaya ginantihan ko rin ito ng yakap kaya mahal na mahal ko si nanay eh napakalambing nya, ni minsan di ginawa sa akin to ni mommy

"Sigurado ka bang sa pag aaral ka napagod?" sabi nya na para bang may ibig syang sabihin dun kilalang kilala talaga nya ako

"Hehehehe galing po kasi akong mission kaya pagod po ako" sabi ko habang umiinom ng juice, actually si nanay lang ang nakakaalam na sumali ako bilang isang Secret Agent may tiwala ako sa kanya.

"Hayy nakong bata ka alam kong di kita mapipigilan dahil gusto mo yan basta lagi mong siguraduhing mag iingat ka nawala na ang anak ko ayokong pati ikaw mawala rin sa akin alam mo namang napamahal ka na sakin eh" malungkot sa saad ni nanay habang pinipigilang umiyak kaya niyakap ko sya at sinabing

"Nay mag iingat po ako di ko pa po natutupad yung pangako kay daddy-ninong na ipaghihiganti ko sya kaya wag po kayo mag alala sa akin ang alalahanin nyo eh kayo po di na po ba masakit yang puso nyo"

Hinihimas ko ang likod nya, yung anak nya na si ate Lori namatay dahil sa sakit sa puso namana ni ate Lori yung sakit ni nanay, pero sa kasamaang palad naunang pumanaw si ate.

"Wag mo kong alalahanin dahil naalagaan ko ang sarili ko umiinom ako ng gamot ko sa tamang oras di na naman sumasakit" sabi nya nung himiwalay sya ng yakap sa akin habang hinihimas ang pisngi ko

"Sabihin nyo lang po kung sumasakit ahh bat ayaw nyo po kasing mag pa heart transplant para gumaling na po talaga kayo" 

Matagal ko nang suhesyon to kay nanay pero lagi nyang sinasabi

'Ang heart transplant pinapahaba lang ng konti ang buhay mo hindi pinapagaling mamatay din namn din ako kahit ayaw ko'

yan ang lagi nyang sinasabi sa akin na nagpapaiyak sa akin kung pwede ko lang akuin yung sakit na nararamdaman nya ginawa ko mas gusto kong ako yung nasasaktan kesa ang nanay ko

"Hayy ikaw talagang bata ka pag tatalunan na naman ba natin tohh sige na mag half bath kana at dadalhan kita ng dinner mo sa kwarto mo" sabi ni nanay habang tinataboy ako kaya ako heto no choice mag ha-half bath

THAT COLD PROFESSOR IS MY HUSBAND Where stories live. Discover now