𝑻𝒂𝒈𝒍𝒂𝒚 𝑴𝒐𝒏𝒈 𝑮𝒂𝒏𝒅𝒂 ✍️
❀❀❀
Tula ng isang makata,
bulaklak sa kaniyang salita,
Bawat daho'y may kasaysayan,
Bawat kulay may kahulugan.Rosas man ay may kapintasan,
Tangkay man nito'y may kahinaan,
May taglay din itong kalakasan,
Bawat tusok ay siyang kapakinabangan.Salita na minsan ay nagpatibay,
Pangungutya na sayo ay pumilay,
Ikintal ang pakinig nang sabay,
Upang 'di na muling manglupaypay.Taglay mong ganda ang siyang nakikita,
Malayo man o malapit sa 'king mga mata,
Namumukadkad ang iyong mga salita,
Bulaklak na sumasagisag sa bawat kataga.Walang lihim na hindi nabubunyag,
Mga sikreto na ngayo'y ihahayag,
Kapintasan mo'y iyo nang itanyag,
Taglay na kagandaha'y siyang ilayag.❀❀❀
Sa bawat kapintasan natin ay may tinatago din tayong kagandahan, isang bagay na di kailanman ay mabibili nang sinoman; isang pusong dakila at busilak na di mananakaw ninuman.
YOU ARE READING
Poetry Collection
PoetryPoetry is the literary work in which special intensity is given to the expression of feelings and ideas by the use of distinctive style and rhythm; poems collectively or as a genre of literature.