CHAPTER 49

3.2K 107 9
                                    

-Drake POV-

Nitong makalipas na isang buwan hindi ko na nakita si Kiara dahil pa minsan minsan nalang akong umuuwi sa bahay dahil palagi akong nasa bahay ni Melissa dahil napakaselan ng pagbubuntis nito kahit labag man sa kalooban ko na hindi makita si Kiara ay tiniis ko parin alang alang sa anak ko.

__________

Nandito kami ngayon sa mall dahil nag -aya si Melissa kaya pinagbigyan ko na.

"Babe? Pakibili naman ako ng ice cream pls"saad nito 

Tumango lang ako sa kanya at tinungo na ang tindahan ng ice cream sa mall.

-Kiara POV-

Nandito ako ngayon sa mall kasama ko si Tyron nabobored na kasi ako sa bahay eh isang buwan na ang lumilipas pero hindi ko parin nakikita si Drake siguro nandun sya sa haliparot na yun.

Hindi pa naman kalakihan ang tiyan ko at hindi pa naman nakakahalata si Tyron.

"Kiara gusto mo ng ice cream?"tanong nito sa akin

"Mmm"saad ko sabay tango

Ngumiti naman ito at sabay sabing...

"Dito ka lang wag kang aalis jan ok"saad nito na ikinangiti ko

Dali dali naman itong nagtungo sa bibilhan nyang ice cream at naki upo na rin ako sa isang bench ng mall na ito dahil masakit na ang mga paa ko.

"Nandito ka rin pala"mataray na saad nito na ikinatingin ko sa kanya dahil kilalang kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na ito.

"Hindi pa ba halata syempre nakita mo na ako diba so nandito nga ako"mataray ko ring saad

"Aba't ako ba binubwisit mo?"inis na saad nito

"Bakit na bwishit ba kita? Sorry ha pero wag kang mag-alala dahil mas nabwisit ako ng makita ang pagmumukha mo"pang iinsulto ko sa kanya

"Aba't gaga ka pala eh"saad nito 

"Mas gaga ka pa sa gaga mang-aagaw"sigaw ko naman na ikinakuha namin ng atensyon sa mga tao na nandito sa mall

Naikuyom naman nito ang kamay nya at agad na kinuha ang buhok ko at sinabunutan ako syempre hindi magpapatalo ang lola nya kasi kinuha ko rin ang buhok nito at sinabunutan din sya.

Nagsabunutan lang kaming dalawa hanggang sa may biglang dumating na may hawak hawak na ice cream at galit na galit na nakatingin sa akin.

"Hindi ka pa ba titigil Kiara sa ginagawa mo?"galit na saad nito

Nagulat naman ako sa inasta nya 

"Te-teka sya naman ang nauna suma-"bigla naman itong magsalita

"Pwede ba tigilan na natin to Kiara magdevorse na tayo"saad nito na ikinagulat ko ng sobra

"Te-teka nagbibiro ka lang di-diba?"naiiyak kung saad

"Totoo yun"saad nito habang sa ibang direksyon nakatingin

"Pe-per-"bigla namang sumabat si Melissa 

"Hindi ka naman siguro bingi eh no narinig mo rin naman siguro yung sinabi nya"masayang saad nito

"Wag kang sumabat ditong kabit ka kung ayaw mong ingud ngud ko sa putikan yang pangit mong mukha"galit kung saad

"What? See babe?"pagsusumbong nito kay Drake 

"Melissa halika na"saad nito sabay hila kay Melissa 

Ako naman itong naiwan na napa upo sa sahig dahil sa mga narinig ko na sinabi nito

"Te-teka anong ginagawa m-"hindi natuloy ni Tyron ang sasabihin nya ng makita ako nitong umiiyak "what's wrong?"takang tanong naman nito

"Wala na"saad ko kay Tyron habang umiiyak

"A-anong ibig mong sabihin?"taka namang tanong nito

"Wala na-"hindi ko na natuloy ang sasabohin ko ng bigla akong nahimatay

"Kiara! Kiara! Kiara! Wake up"yang lang ang huling narinig ko bago pa mandilim ang paningin ko.
___________

-Kiara POV-

Nang magising ako puti ang bumungad sa akin teka patay na ba ako? Inilibot ko naman ang paningin ko pero agad ko namang nakita si Tyron na naka upo habang malalim ang iniisip.

"Na-nasan ako?"taka kung tanong sabay upo 

"Wag kang mag-alala nasa hospital ka"saad nito na ikinakaba ko paano kung...

"Bakit hindi mo sinabi na buntis ka"seryosong saad nito

"Teka paan-"bigla naman itong nagsalita

"Nasa hospital tayo kaya malamang malalaman ko talaga at magdadalawang buwan na yang dinadala mo"saad naman nito

"Sorry"saad ko habang sa baba nakatingin

"Sya ba ang ama ng dinadala mo?"tanong naman nito.

"Sinong tinutukoy mo"pagpapainosente ko

"Si Drake ba? At ito ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako kayang sagutin?"saad naman nito

"...O-oo sya nga ang da-dahilan at yung din ang dahila kung bakit hindi kita sinagot dahil ayaw kitang masaktan"saad ko

"Bwishit pala ang lalaking yun eh dalawa talaga kayo ang binuntis"galit na saad nito sabay suntok ng pader

"Kung pwede lang sana wala ng maka alam na buntis ako"malungkot kung saad..

"Hindi pwede yun dapat ka nyang panagutan dahil anak nya rin yang nasa sinapupunan m-"bigla ko namang pinutol ang sasabihin nya

"Nakipagdevorse na sya sa akin kaya wala na syang dapat na malaman at kaya ko rin namang palakihin ang anak ko ng mag-isa"saad ko sa kanya habang hinihimas himas ang tiyan ko

"Gago pala yun eh"galit na saad nito

"Sorry talaga tyron"paghihingi ko ng sorry

____________

Ng makalabas ako ng hospital ay agad akong pumunta ng bahay namin ni Drake si Tyron wala na sya dito at pagkapasok ko palang annulment paper na ang sumalubong agad ko namang kinuha ito at pinermahan na at nagtungo na sa kwarto ko at inimpake na lahat ng mga gamit ko.

______________

"Hindi na ba magbabago ang isip mo nak?"tanong ni Mama

"Kahit naman po magbago ang isip ko Ma wala rin namang silbi kung magstastay pa ako dito mas mabuti ng magpakalayo layo na ako pati na rin ang anak ko"saad ko naman

"Bakit kasi hindi mo pa sabihin kay Drake na buntis ka baka sakaling magbago pa ang isip nya"saad naman ni Mama

"Magkakababy rin naman sya kay Melissa kaya mas mabuti ng wala syang alam"saad ko naman

"Ok kung yan ang desisyon mo rerespetuhin ko yan nak basta lagi kang mag-iingat dun nak ah at alagaan mo ng mabuti ang apo ko dahil wala ako sa tabi nyo para alagaan kayo"saad ni Mama

"Wag kang mag-alala Ma aalagaan ko sya ng mabuti at ipapadama ko sa kanya na kahit wala syang ama ay nandito parin ako na mamahalin sya ng buo"saad ko naman na ikinapatak ng luha ni Mama "ano ba Ma wag ka ngang umiyak jan"saad ko sa kanya

"Masaya lang ako nak dahil magkaka-anak na ang baby ko"saad nito na ikinangiti naming dalawa.

Ang Manyak Kong Asawa (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon