-Someone POV-
"Bakit naman kaya hindi sinasagot ni Drake qng tawag ko? Nakaka ilang tawag na ako pero wala paring sumasagot, hindi naman ganito dati ah. Hindi kaya may nangyaring masama sa kanya? Wag naman sana"nag aalalang saad ni Kiara
-Drake POV-
Mag titen pm na pero nandito parin ako sa bahay ni Melissa, hindi ko maiwan dahil natatakot ito na baka balikan sya ng magnanakaw na yun. Syempre ayaw ko naman syang iwan baka ikapahamak nya pa ang pag iwan ko sa kanya
"teka si Kiara nga pala wala syang kasama sa bahay"biglang saad ko nalang
Hindi ko naman sya matawagan para sabihin sa kanya na uuwi ako dahil deadbat ang phone ko
-Someone POV-
"Drake hindi ka pa ba matutulog?"malanding saad ni Melissa
"Mauna kana"saad nito habang nakatanaw sa labas
Nasa terrace ito kaya kitang kita nito ang magagandang tanawin na nagmumula sa labas
"Gusto mo uminom tayo?"saad ni Melissa
"Wag na matulog kana"pag aayaw ni Drake sa alok ni Melissa
"Tinutulungan lang naman kita eh, mukha kasing hindi ka makatulog kaya inaalok kitang uminom para makatulog ka. Alam ko naman kasing may work ka pa bukas, wag mong sabihin na kaya ka nag aayaw dahil ayaw mo talagang matulog dito at napipilitan ka lang. Mas mabuting sabihin mo na sa akin kung ayaw mong matulog dito papayag din naman ako na umuwi ka ayoko namang pumilit ng tao na ayaw sa akin"pagdadrama nito na kunwaring malungkot
"Hindi naman sa ganon"pagpapaliwanag ni Drake
"Kung ganon si Kiara?"tanong ni Melissa na ikinagulat ni Drake
"Hindi"pagtatanggi ni Drake
"Magtapat ka nga sa akin Drake mahal mo na ba yung fake wife mo na yun?"seryosong tanong ni Melissa kay Drake
"Ano bang klaseng tanong yan?"hindi alam ni Drake kung ano ang sasabihin kaya ito nalang ang nasabi nito
"Sagutin mo nalang kasi"saad ni Melissa
Pero hindi nakapagsalita si Drake sa tanong ni Melissa sa kanya
"Ok, kung ayaw mong sagutin yung tanong ko hindi na kita pipilitin"saad ni Melissa
"Uminom nalang tayo?"pag iiba ni Drake ng topic
"Mabuti pa nga"masayang saad ni Melissa
At yun na nga uminom silang dalawa ah mali, dahil si Drake lang pala ang umiinom dahil itinatapon ni Melissa ang inuming isinasalin ni Drake sa kanya
Makalipas ang ilang minuto ay lasing na lasing na si Drake kaya bigla syang dinala ni Melissa sa kwarto nito upang simulan na ang binabalak nitong gawin
"Kahit kailan talaga ang gwapo mo parin"saad nito habang inilalakbay ang kamay sa katawan ni Drake "paano ko kaya sisimulan ang binabalak ko mm?"saad nito na parang tinatanong pa si Drake "pero mas masaya kung makita ni Kiara diba?"masayang saad nito habang hindi parin tinitigil ang paglalakbay ng kanyang mga kamay
___________________
K I N A U MA G A H A N
-Kiara POV-
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na dumadapo sa maganda kung mukha, agad naman akong nagtungo sa cr at ginawa na ang aking morning routine at pagkatapos kung gawin yun ay bumaba na ako upang magtungo sa silid ni Drake para tingnan kung umuwi na ba si Drake
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Asawa (ON GOING)
Romantik𝗧𝗜𝗧𝗧𝗟𝗘: 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗬𝗔𝗞 𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔 𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥: 𝑴𝒓𝒔.𝑱𝒆𝒐𝒏 𝗚𝗘𝗡𝗥𝗘: 𝗦𝗣𝗚, 𝗥𝗢𝗠𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗗𝗬 𝓣𝓮𝓪𝓼𝓮𝓻 "Hi wifey"bungad ng lalaking ito sa akin na agad na ikina inis ko "Hoy lalaki kilabutan ka nga s...