-Drake POV-
Paulit ulit sumagagi sa isipan ko ang mga katagang sinabi nya kanina lalo nung maconfirm ko talaga na sila nga ni Tyron. Hindi ko naman sya masisisi dahil ako naman ang dapat na sisihin dahil ako naman ang unang sumira sa relation naming dalawa.
"Ang saya saya mo kanina tapos ngayon para kang kambing na hindi maipinta ang itsura mo sa kalungkutan"seryosong saad ni Felixon na ikinatawa ni Daniel
Inis naman na tumingin ako kay Felixon at dun sa kay Daniel na grabe kung makatawa si Clark naman ayon seryoso lang sya habang nakatingin sa amin.
"Hahahah kambing?"saad ni Daniel habang nakahawak sa tiyan dahil sa sobrang tawa nito
"Hoy tigilan mo nga si Drake"pagsusuway ni Clark kay Daniel dahil hindi parin ito tumitigil sa kakatawa
Hay salamat naman at may kakampi pa ako dahil hindi yata sira ulo si Clark ngayon kaya YES!.
"Tigilan mo na ang kakatawa kay Drake dahil nagagalit sya kaya mas nagmumukha syang kambing HAHAHHAHAHA"binabawi ko na yung sinasabi ko kanina tungkol kay Clark kasi sira ulo pa rin pala sya
"Pwede ba wala ako sa mood para dyan sa mga kalokohan nyo kaya umalis na kayo"inis kung saad sa kanila
"Grabe ka naman sa amin Drake ang sama mo"kunwaring umiiyak nyang saad kaya takang napatingin naman ako kay Daniel
-Daniel POV-
"Teka Daniel anong ginagawa mo?"tanong ni Clark kaya agad ko syang sinenyasan na umarte ka din
Kaya ng magets nito ang senyas ko ay umarte din ito.
"Oo nga Drake, bakit hindi mo na ba kami mahal?"pag iinarte ni Clark gusto ko sanang matawa sa itsura ni Clark pero hindi pwede dahil hindi magtatagumpay ang drama namin.
Agad naman akong tumingin kay Felixon at sinenyasan din sya pero ayon ang mokong hindi daw sya sasali sa amin dahil nagmumukha lang daw kaming baliw.
"Pinagsasabi nyo jan?"takang tanong ni Drake
"Sabihin mo nga Drake Ice Montefalcon mahal mo pa ba kami bilang kaibigan mo?"sinadya ko talagang banggitin ang buong pangalan nya dahil hindi nya talaga gusto na binabanggit ang buong pangalan nya.
Gulat naman na napatingin sa akin ang dalawa at si Drake? Ayon nag aapoy na ang mata sa galit.
"Umalis na kayo"galit na saad nito pero nagpipigil
"Yan kasi bat mo pa binanggit yung buong pangalan nya"bulong sa akin ni Clark
"Lagot"saad naman ni Felixon
-Drake POV-
Ayaw ko sa lahat ay yung binabanggit yung buong pangalan ko dahil naiirita ako dahil gusto ko si Kiara lang ang tumatawag sa akin sa buong pangalan ko.
"Narinig nyo ba yung sinabi ko?"galit kung saad
Dali dali namang tumakbo papalabas ang dalawa at si Felixon ayon seryosong naka upo at nakatingin sa akin.
"Bakit hindi ka pa umaalis?"inis kung saad
Tumayo naman ito at lumakad papunta sa kinaroroona ko
"Suyuin mo kasi hindi yung nagmumukmuk ka jan"saad nito habang tinatapik ang balikat ko
Ng matapos nyang sabihin yun ay nag lakad na pero bigla rin itong huminto.
"Mapalad ka nga nakita mo sya ulit, kaya wag kang susuko bro were here for you"seryosong saad nito at tuluyan ng umalis.
____________
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Asawa (ON GOING)
Romance𝗧𝗜𝗧𝗧𝗟𝗘: 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗬𝗔𝗞 𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔 𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥: 𝑴𝒓𝒔.𝑱𝒆𝒐𝒏 𝗚𝗘𝗡𝗥𝗘: 𝗦𝗣𝗚, 𝗥𝗢𝗠𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗗𝗬 𝓣𝓮𝓪𝓼𝓮𝓻 "Hi wifey"bungad ng lalaking ito sa akin na agad na ikina inis ko "Hoy lalaki kilabutan ka nga s...