-Drake POV-
"Ang saya mo yata, dahil ba kay Kiara yan?"bungad na tanong ni Clark na ikinagulat ko naman
"Teka ba't nandito parin kayo sa office ko?"taka kung tanong
"Ano pa ba syempre hinihintay ka"cold na saad naman ni Felixon
Hayst kahit kailan talaga tung lalaking to napaka cold talaga.
"Teka bakit nyo naman ako hinihintay?"taka ko namang tanong
"Syempre dahil may meeting tayo ngayon"saad naman ni Clark
"Pwede naman sa meeting room na kayo maghintay eh bat dito pa kayo naghintay at teka nasaan si Daniel bakit wala dito?"tanong ko pa
"Ano pa ba eh di na under na naman ng girlfriend nya, hindi sya makakadalo ng meeting ngayon kasi tinawagan sya ni Trixie"paliwanag naman ni Clark
Napatango nalang ako kasi alam naman naming tatlo na si Trixie ang kahinaan ng hinayupak na yun.
"Teka nga pala ba't ang saya saya mo yata kanina?"biglang tanong ni Clark na ikinatingin nilang dalawa sa akin ni Felixon
"Talaga? Ako masaya?"masayang tanong ko
Tumango naman sila.
"Ewan ko ba pero siguro dahil dun sa bata"saad ko habang hindi parin maialis ang ngiti sa mga labi
"Bata?"takang tanong ni Felixon
"May nakita kasi akong bata kanina sa mall umiiyak sya kaya nilapitan ko sya..."napahinto naman ako sa pagsasalita dahil bigla akong napangiti
"Eh ba't ka nakangiti?"biglang tanong nilang dalawa
"Natatawa kasi ako, kasi akala ko umiiyak sya dahil sa nawalay sya sa Mommy nya. Kasi habang umiiyak sya mommy nya ang tinatawag nya pero mali pala ako kasi kaya pala sya umiiyak dahil papaubos na yung binili ng mommy nya sa kanya na ice cream"saad ko habang nakangiti
Nagkatinginan naman ang dalawa na parabang hindi makapaniwala sa inaasta ko.
"Teka hindi kayo natatawa?"taka ko namng tanong sa kanila, agad naman silang umiling na tanda na hindi sila natatawa. "Pero promise nakakatawa sya ang cute-cute nya at hindi ko ba alam kung bakit ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya kahit nang mga sandali lang yun ang pagkikita namin"saad ko naman habang ang mga kamay ay nasa dibdib
"Congrats bro"saad ni Clark sabay tapik sa balikat ko na ikinagulat ko
"Anong ibig mong sabihin?"taka ko namang tanong
"Isa lang naman ang sign nun bro...gusto mo ng magkababy"saad naman ni Felixon sabay tayo at sabay tapik na din ng balikat ko
"Ano-"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang kumanta ang mga mokong
'Gusto ng magkababy ni Drake🎶 gusto ng magkababy ni Drake🎶 ang mokong ay gusto ng magkababy🎶
Bigla namang napakunot ang noo ko dahil sa kanta nila kaya dali dali naman silang tumakbo papalabas.
Bigla namang pumasok si Shella.
"Hi po sir"magalang na saad nito sabay yuko "gusto ko lang po sana sabihin na may meeting kayong dalawa ni Ms. Perez mga 10:00 in the morning"saad nito habang hindi makatingin sa akin.
Siguro dahil sa natatakot ito sa akin.
"Shella?"tawag ko sa pangalan nya
"Sir?"sagot nya
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Asawa (ON GOING)
Romance𝗧𝗜𝗧𝗧𝗟𝗘: 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗬𝗔𝗞 𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔 𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥: 𝑴𝒓𝒔.𝑱𝒆𝒐𝒏 𝗚𝗘𝗡𝗥𝗘: 𝗦𝗣𝗚, 𝗥𝗢𝗠𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗗𝗬 𝓣𝓮𝓪𝓼𝓮𝓻 "Hi wifey"bungad ng lalaking ito sa akin na agad na ikina inis ko "Hoy lalaki kilabutan ka nga s...