Deanna pov
Maaga akong umuwi galing trabaho dahil birthday nga ni ate bea at wala pa akong regalo,halos lahat naman kasi nasakanya na.May pakiusap nga pala si ate jho na isasabay ko nalang daw si jema.So heto ako ngayon nakabihis na naka polo lang ako and short plus naka vans na hshoes.Nang makarating na ako sa condo ni jema ay kinakabahan na ako diko alam kung hihintayin ko nalang ba siya or mag dodoorbell.At ayon nag doorbell nalang ako ilang minuto palang lumabas na siya.Shittt diko alam kung bakit parang nag slowmotion yung paningin ko sakanya.Simple lang naman suot niya V neck na kulay yellow tapos naka short ng maikli plus nike na puti.Simple lang pero anlakas ng dating saken.
"hi" bati niya saken.At dun lang din ako bumalik sa sa ulirat
"hello"bati ko naman sa kanya.Pero hindi parin nawala yung tingin ko sa outfit niya.Tsk ganyan lang ba siya pumunta sa birthday ni ate bei.Tsk baka mamaya mabastos lang siya dahil sa suot niya
"Lets go" aya niya.Pero nakakunot noo lang ako
"huyyy ayusin mo nga yang mukha mo,kunot noo nanaman"dagdag niya pa"wala ka na bang ibang damit?bat ganyan lang suot mo?Baka mamaya mabastos ka lang don"sunod sunod na sabi ko,pero siya ngumiti lang
"tsk concern ba yan?HAHAAHA okay lang po ito boss,tsaka hindi naman ako iinum"sabi niya
"kahit na,magpalit ka ng masmahaba pambaba mo" sabi ko sakanya at tinulak tulak pa papasok sa condo niya.Ilang minuto lang ay nakapagpalit na siya,yung short niya lang ang pinalitab niya ng leggings,okay na yan no kesa naman yung kanina
"better.Lets go"sabi ko sakanya kaya sumunod nalang siya saken
"sungit"sabi niya pa saken kaya tinignan ko siya pero ngumisi lang siya
Nang makarating kami sa kotse ko ay pinagbuksan ko siya ng pinto
"ahm pwede bang daan muna tayo saglet sa mall,wala kasi akong gift e" paki usap niya
"sure ako din naman walang gift"
Nang nakabili na kami ng regalo ay dumiretso na kami sa bahay nila ate bei.Rinig na rinig na yung tugtugan kahit nasa labas ka palang
"Oh buti dumating na kayo kanina pa namin kayo hinihintay"sabi ni ate jho na nakikipag beso sa amin.At ganon din ang ginawa namin sa ibang barkada
"Happy birthday bei"bati ni jema habang inaabot yung gift niya
"Happy birthday ate beaaa"sabi ko habang niyayakap siya bago ko binigay yung gift
"Nako thankyou nag abala pa talaga kayo" sabi ni ate bei habang tinitgnan niya yung gift namin
"hoyy bat ngayon lang kayong dalawa ha"sabi ni kyla.Kaya nagkatinginan kami ni jema
"E si Jema kasi ang igsi ba naman yuny short kanina.Kaya ayon pinagpalit ko"paliwanag ko nakita ko namang ngumisi silang lahat tskkk
"possesive naman masyado ni bodd D" asar ni tots kaya inikutan ko ng mata
"oh lika na kayo nagugutom na ako kain na tayo"aya ni ced tsk patay gutom talaga
Kaya sumunod nalang kami.Andaming handa may pinakbet may mga karne at kung ano ano pa
Nakita ko namang may lumapit na lalaki kay jema kaya parang nawala ako sa mood.At nakipagkamayan pa.Tsk kaya imbis na kumuha ako ng makakain ko ay naupo nalang ako sa mga upuan at naglaro ng ML
Jema pov
Nagulat ako nang may kumalabit sakin si jhon vic pala kaklase ko dati.Ininvite din pala siya ni bea.Tinignan ko naman si Deanna sa likuran ko dahil alam kong nakasunod lang ito sa amin.Pero nagtaka ako nang hindi ko siya makita,kaya tinignan ko kung nasan siya.And ayon prenteng nakaupo sa isang upuan,akala ko ba kakain na to.
"nako jema,hindi pa kumakain hanggang kaninang tanghalian yang si Deanna.Tapos ngayon parang wala ulit siyang balak kumain"sabi ni bea kaya pinuntahan kona si deanna
"hindi kaba kakain?"tanong ko pero parang wala siyang naririnig at naglalaro lang siya nang cellphone niya tsk
"Deanna Wong!!! hindi kaba kakain?"sigaw ko kaya napatingin siya saken.Tsk ano ba problema neto
"No,Im full pa"sabi niya
"Ako,huwag mo akong pinagloloko ha!? sabi ni bea hindi ka pa daw kumakain hanggang kaninang tanghali" sermon ko sakanya
"Busog pa nga ako ihhh"pag iinarte niya habang pindot ng pindot sa cellphone niya
Nakita ko ding umupo sila ate jia sa tapat namin.Lahat nang barkada nandito sa tapat naminnn.Nakakahiya nakita pa atang nag aaway pa kamiii
"Deanna kuha kana ng pagkain mo don"utos ko sakanya.Pero sumimangot lang siyaa.Ang cuteee potekk
"ihhh tinatamad na ako,share nalang tayo dyan sa pagkain mo,subuan mo ako po"sabi niya na parang bata.
"ahhh"sabi niya sabang open ng mouth niya para subuan ko siya.Kaya ayon sinubuan ko siya hihi.Pagkatapos ko siyang subuan ako naman ang sumubo.Shockssss diba indirect kiss yun!!!
"ihhh puro naman gulay sinusubo mo saken eh"maktol niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.Sabay subo ng gulay.Wala naman siyang magawa kaya sumubo nalang din.Pagtingin ko sa harap namin mga nakangising mukha ang tumambad saminnn shitttt Deanna naman kasiiii
"gusto ko paaa, isa paa"sabi niya sabay nganga.Kaya sinubuan ko
"ayos yan bebe deanns ha,parang baby lang" asar ni ate jia samin
"sakto para konti lang ang hugasin"dagdag ni bea kaya ikinatawa namin
"Deanna Wong ayusin mo nangang kumain ang kalat naman e,tignan mo nga yang gilid ng labi mo daming kanin"suway ko sakanya.Paano parang bata kung kumain ang kalat
"edi tanggalin mo,yun lang pala e"sabi niya kaya inirapan ko siya sabay tanggal ng kanin sa gilid ng labi niya
Pagkatapos namin kumain ay uminom na sila.Hindi ako umiinom kaya juice lang
"hoy mare ano yung naganap na pagsubo kanina ha"asar ni ced sakin
"ginawa mo namang baby si deanna jemalyn" dagdag ni kyla tskkk
"shipper nako ng Gawong"sabi ni yumi
"anong gawong sinasabi mo yums?" tanong ni jho
"Galanza plus Wong edi gawong" sabi ni kuya kaya nagtilian naman ang mga babaita dito
"baka mamaya malaman naming kayo na ha" asar ni jho
"magsitahimik nga kayo dyan"suway ko sakanila sabay irap
BINABASA MO ANG
PALAGING IKAW
Hayran KurguHindi man perpekto ang relasyon natin,lagi mong iisipin na kahit na anong mangyari PALAGING IKAW❤️ A JEDEAN/GAWONG FANFICTION STORY💓💙 GODBLESS💛