Deanna pov
Nandito na kami sa hapag kainan dahil hapon na din.Nilagyan naman ni jema ng kanin at ulam yung plate ko kaya ngiting ngiti ako
"ikaw ba'y may jowa na deanna?" tanong ni nanay habang nakangiti ng nakakaloko sabay kain
"wala pa ho nay" sabi ko sabay ngiti
"sakto diba dito ka matutulog deanns pupunta dito yung pinsan namin maganda yun ilalakad ka namin" sabi ni ate jovi kinurot naman ako ni jema sa legs ko buti nalang hindi ako napasigaw
"ate kung dito man matutulog si deanna matutulog yan ng maaga kasi pagod yan" singit ni jema kaya napangiti sila mafe awww selos ambebe
Ilang minuto ay tapos na kami kumain si mafe na ang nagpresentang mag hugas.Kaya nandito kami sa sala.At hindi pa din ako pinapansin ni jema
"huyy" sabi ko kay jema habang sinusondot ang tagiliran niya pero tinaasan niya lang ako ng kilay
"dun ako sa room mo matutulog" dagdag ko pa at pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya nakita ko namang nakangisi sila mafe
"Hi tito hi tita" bati ng kung sino
"oh nandyan kana pala Ana halika at maupo" aya ni nanay fe
"Siya nga pala ate ana si ate deanna lodicakes ko yan" sabi ni mafe sabay tingin kay jema ng nakaka asar
"Hi deanna nice to meet you" sabi nung ana sabay lahad ng kamay niya syempre inabot ko din naramdaman kong humawak si jema sa bewang ko sabay kurot dibaaa mapanaket ang bb ko
"tama nga yung sinabi ni mafe cute mo at ang papi sa personal" pabebe na sabi ni ana kaya ngumiti lang ako kasi patuloy parin sa pag kurot si jema
"ahh thankyou ana ikaw din maganda" puri ko din sakanya kaya lumawak ang ngiti niya
"labas din tayo minsan chill lang" maarteng sabi niya magsasalita pa sana ako ay biglang nag salita si jema
"nay tay sa kwarto ko nalang matutulog si deanna,inaantok na kasi siya e" sabi ni jema sabay hila saken.Pagpasok namin sa kwarto niya ay agad niya akong piningot kawawa ako ditooo
"ouchhh jessica stopp aray" sabi ko habang hawak hawak ang tenga ko huhu
"ikaw deanna ha,nakikipaglandian na nga sayo si Ana gustong gusto mo naman" sabi niya habang naka taas ang kilay niya sungit naman ng misis ko
"bb hindi yun nakikipaglandian,nakikipag kilala lang yung tao e" sabi ko nang nakangiti
"nakikipagkilala e kung makahawak nga sa kamay mo kanina parang ayaw nang bumitaw" reklamo niya ang selosa naman po
"huwag mo akong nginingiti ngitian dyan ha,punta kana dun kay ana tutal parang gustong gusto mo din naman" sabi niya habang nakapamewang pa.At kunyareng lalabas na sana ako ay nag salita
"sige subukan mong lumabas at tatamaan ka saken" masungit na sabi niya sabay taas ng kamao niya
Nung pagkatapos na namin magtoothbrush ay niyaya niya na akong matulog
"Deanna Wong bilisan mo dyan sa phone mo higa kana dito" sabi niya habang tinatapik yung space ng kama niya
"bb naman excited ka naman masyadong katabi ako" asar ko sakanya
"eh ilang araw kaya di kita nakasama"reklamo niya kaya napatawa ko sabay higa.Hindi ko alam kung paano ang higa ko nahihiya kasi ako e HAHAHAH (suss nagyayakapan nga kayo habang natutulog e) e iba dito kasi bahay nila HAHAHHA
"Deanna Wong sa braso mo ako hihiga iunat mo yang kamay mo" sabi niya kaya inunat ko ang kamay ko nahiga naman siya sa braso ko.Hay sana ganito nalang lagi masaya lang
"bakit di kana nag sasalita siguro iniisip mo yung babae mo no?" masungit na sabi jema kaya napatawa ako
"kung ano ano iniisip mo bb matulog na nga tayo" sabi ko sabay kiss sa forehead niya
Jema pov
Sa ilang araw na pag sstay namin sa Laguna ay masasabi kong sobrang saya lalo na at kasama ko si Deanna.Nandito ako sa coffee shop ngayon habang naka upo ako ay tumunog naman ang phone ko pagtingin ko ay text ni deanna kaya napangiti akoFrom:Deanna Wong
"I miss you already☹️" awwww wawa naman ambebeTo:Deanna Wong
"kakakita lang natin kanina boss HAHAHAHA" reply koFrom:Deann Wong
"Ihhh kahit na gusto na kitang ikishhhh😘" anak ka ng namula pa ata ako sa reply ng batang to.Mag rereply na sana ako namg biglang may nagsalita sa likuran"kaya naman pala antahimik kasi may katext"sabi ni jho
"nakikipaglandian naman palaaa" sabi ni ced kaya inirapan ko sila
"ate jema kiss mo daw si ate deanns" sabi ni yumi anak ka ng mama mo yumi pati ba naman ikaww
"so nagkikiss na kayo mare?" tanong ni kyla habang nagtataas baba ang kilay
"dun na nga kayo mga chismosa talaga" sabi sabay inikutan ko sila ng mata.Tinuloy ko nalang ang pagtratrabaho.Alas sais na kaya nagsidatingan naman sila bea.At syempre humalik naman sila sa mga jowa nila at itong si Deanna hindi ako pinansin
"huyyy" sabi ko habang hawak ang pisngi niya pero hindi niya parin ako pinapansin
"Deanna Wong may problema ba" tanong ko pero di niya ako pinansin
"hindi mo ko papansin?" tanong ko sakanya ng seryoso kaya napalunok siya HAHAHAH takot naman pala
"papansinin" sabi niya tapos pinalobo ang pisngi niya shitttt cute naman ng bebe ko kaya natawa sila bea
"Oh bakit hindi ka nakangiti" sabi ko pero imbis na magsalita siya ay niyakap niya ako ng pa side tabi kasi kami ng upuan at sinisiksik niya ang ulo niya sa leeg ko
"bakit ang clingy mo ngayon may kasalanan ka saken no" sabi ko pero umiling lang siya
"ate diba nga hindi mo siya nireplyan, tapos nagsumbong siya sa amin,tapos sabi kasi nila ate bea at ate tots ay may katext at may kasama ka daw na iba kaya hindi ka nag rereply" sabi ni jaycel at itong si deanna lalo pa niyang siniksik ang ulo niya nahiya ata.Tinignan ko naman ng masama sila bea at tots kaya nag piece sign lang sila
"nako tama naman sila bea bebe deanns,may bisita nga kanina dito na pogi si jema" sabi ni jho kaya nagtawan naman sila hay bully talaga tong mga to .Kaya eto tuloy naka simangot na si deanna
"huwag ka maniwala sa mga yan,mga bully sila" sabi ko kay deanna sabay himas ng buhok.Nagmeryenda lang kami bago umuwi.Sasabay nalang ako kay deanna kasi wala yung car ko
BINABASA MO ANG
PALAGING IKAW
FanficHindi man perpekto ang relasyon natin,lagi mong iisipin na kahit na anong mangyari PALAGING IKAW❤️ A JEDEAN/GAWONG FANFICTION STORY💓💙 GODBLESS💛