Chapter 7

490 25 0
                                    

Deanna pov

Nandito kami nila ate bei dito sa isang table na circle at umiinom.Hindi pa naman ako tipsy kasi unti unti lang naman iniinom ko nakakahiya naman kay jema kung maglalasing ako.Alas diyes na nang gabi kaya konti nalang kaming natitira.Nauna na din sila ate jia ate ly at ate maddie dahil gabi na

"Guys una na ako ha,ingat kayo pag uwi"sabi ni kyla.Kaya tumango nalang kami at nag goodbye sakanya.Dumating naman ang mga jowa ng mga mokong at tumabi sakanila.Tumabi naman sakin si jema

"huy lasing kana ba?"tanong niya

"no,hindi ako umiinom masyado" sabi ko.At iinumin ko na sana yung alak na nakalagay sa baso nang bigla niyang kunin

"sabi mo dika umiinom masyado" pag susungit niya saken.Tskk dragon talaga

"konti konti lang naman"angal ko pero inirapan niya pa ako.Kaya wala akong nagawa kundi itapon sa tabi yung alak.Kaya napangiti siya

"Deanns wala ka ng alak oh,kunin mo na to" sabi ni tots habang binibigay saken yung bote.Kukunin kona sana nang bigla akong kinurot ni jema sa tagiliran.Tinignan ko naman siya at nakatingin din siya saken na parang sinasabi na HUWAG.MONG.KUKUNIN.
LOOK. shitt nag dradragon nanaman

"ah sainyo nalang tots nagagalit si jema e" sabi kaya kinurot ulit ako ni jema

" nako jema pagbigyan mo na shi deanna behave lang naman yan" lasing na sabi ni ate bei kaya kinurot siya ni ate jho
Wala naman akong nagawa kaya kinuha ko yung alak at ininom.Nakita ko si jema na umirap pa saken kaya lagot akooo

" ate bei under ka pala ke ate jho" sabi ni jaycel kaya binatukan siya ni yumi

"parang ikaw hindi under jheyshel a" sabi ni tots na lasing na talaga

" ikaw diana mae tumigil ka kung ayaw mong matulog sa sofa ha" sabi ni ced kaya natawa ako.Kinurot naman ako ng katabi ko kaya napatahimik ako.Medyo tipsy na din ako pero hindi lasing.Kaya nag paalam na din kami ni jema.Hindi parin ako pinapansin ni jema hanggang nakapasok na kami sa kotse

"huyyy,pansinin moko"sabi ko sabay pout.Tinignan niya lang ako tas umirap

"jemalynn pleaseee,hindi naman ako lasing ihh" pag iinarte ko

"huwag kang magsalita nag dadrive ka!"suway niya kaya sinunod ko nalang siya

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa condo namin.Hanggang nakarating kami sa harap ng condo niya ay hindi niya ako kinibo

"Dito nalang ako, mag shower ka pagdating mo sa condo mo,matulog ka ng maaga.Goodnighttt" sabi niya kaya napangiti ako.Hayss kakiliggggg

Kaya may ngiti ako sa labi habang naglalakad patungo sa condo ko.Pagkarating ko ay nag shower na ako.Itetext ko sana si jema nang maalala kong wala pala akong number niya.Kaya natulog nalang ako

Jema pov

Nainis lang ako kay Deanna kanina kasi ang payat na nga umiinom pa.Pero ayos lang saken basta kumaen.Buti nakikinig siya saken  kanina

Kinabukasan maaga akong nagising para ako ang magbukas sa coffee shop.Alas syete na nang makarating ako sa coffee shop tama ako dahil ako ang nauna siguradong puyat pa yung mga babae dahil sa party kagabi.Napapangiti nalang ako habang iniisip si deanna cute cute naman kase nung batang yun

"Goodmorning mare, Goodmorning ate" bati ng mga babaita

"Goodmorning" bati ko din habang nakangiti

"Saya natin jemalyn a"sabi ni jho

"tseee, magtrabaho nalang tayo"sabi ko

Nagpadeliver nalang kami ng pananghalian namin para hindi na kami lalabas ng coffee shop.Pagkatapos namin kumain ay bumalik na din kami sa trabaho

Habang naglilista ako ng order ay biglang may pumasok na nagtatawanan kaya napatingin ako doon.At pagtingin ko ay sila Deanna pala.Tinignan ko naman ang oras alas tres palang ng hapon a.

"Hii jema, hi babe"bati ni tots at humalik kay ced

"Hi love" bati din ni bea kay jho

"Bat ang aga niyo ngayon?" tanong ni yumi habang nakikipag beso kay jaycel

Tinignan ko naman si Deanna at kumindat ito sa akin.Pilit kong hindi ngumiti dahil paniguradong aasarin ako neto.Kaya inirapan ko siya

"ahm nag early out kasi kami.Yayayain sana namin kayo mag mall" sabi ni jaycel

"Oo nga matagal na din tayong hindi nakakapag bonding"sabi ni bea.Aba ano tawag niya sa birthday niya kagabi kumpleto naman kami lahat a

"I think kailangan natin yan, mag sara din kaya tayo ng maaga"sabi ni ced kaya naman sobrang saya nila jho at yumi.Wala pala si kyla kasi nagkasakit daw dahil siguro kagabi

Wala na akong nagawa pumunta na kami sa loob ng office namin para kunin ang mga gamit namin at para na din mag ayos.Nagpolbo at liptint lang ako para naman mukhang fresh nakakahiya sa mga tao(weh sa mga tao nga ba o kay deanna?) pwede both?HAHAHAHA

"jema pwede bang isabay mo nalang si deanna wala kasi yung car e" sabi ni tots

"sige okay lang"sagot ko

"ate jema,alam mo ba pinaghandaan ni ate deanna yung outfit niya ngayon.Tignan mo ang gandang gwapo niya ngayon no?"sabi ni jaycel habang naglalakad kami palabas.Tinignan ko naman si deanna,oo nga ang papi niya ngayon este always pala.Nag iwas naman siya ng tingin at binatukan niya si jaycel

"pinahirapan pa kami niyan jema, kami pa nga pinagpili niya ng damit niya HAHAHA" sabi ni bea kaya natawa naman kami

Kinuha ni deanna yung susi ng car ko dahil siya nalang daw mag dridrive

"Talagang pinag handaan mo talaga outfit mo a" pang aasar ko sakanya ng makapasok kami sa kotse saka niya pinatakbo

"tskkk hindi ko pinag handaan no bagay lang talaga sakin lahat ng suot ko" sabi niya

" ang hangin namannnn" asar ko

" oo nga, can u hold my hand nilalamig kasi e" sabi niya habang inaabot saken ang right hand niya and yung left niya ay naka hawak sa manubela.

" huyyy umayos ka nga mahuli at mabangga lang tayo lagot ka saken" suway ko sakanya

" tinted naman tong car mo e,and sanay na ako mag one hand so pwede mo nang i hold yung hand ko" sabi niya pa.

"jema shigii naa, nilalamig na yung hand ko oh" pag iinarte niya hindi naman malamig yung loob ng car ko at hindi naman naka open yung aircon niya.

"Ako wag mo akong pinag loloko Deanna Wong ha, hindi naman naka open yung aircon ng car ko" sabi ko sakanya kaya napa simangot siya at nilagay ulit yung right hand niya sa manubela at hindi na ako pinapansinn

Nakarating na kami sa mall at hindi padin ako kinikibo nito.Hala nag tatampo yung bebe kooo

Magkatabi parin kami Deanna ng makarating sa Restaurant na kakainan namin.Habang nag oorder siya ay pansin kong puro karne yung order niya tskk lagot nanaman to saken

PALAGING IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon