Chapter 02

10 3 0
                                    

Chapter 02

Naglalakad ako sa corridor papunta sa canteen. The girls said doon nalang kami magkita-kita dahil may mga inaasikaso pa daw sila. Maagang na-dismiss ang klase ko ngayong umaga kaya papunta na ako doon.

I was just walking in peace nang may biglang sumulpot sa tabi ko.

"Hi, Miss Ungol!" sigaw nito. Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat at napatigil ako sa paglalakad. "I didn't know na you will pass by here."

Tinignan ko siya ng masama.

"Oh bakit galit, Miss Ungol?"

"Stop calling me that!" Inis akong suminghal at bumalik sa paglalakad.

"Bakit naman? Cute kaya," sabi nito.

"Ugh, you think it's cute?! Are you out of your mind?"

"Maybe yes, maybe no," natatawang sambit niya.

"Bahala ka nga diyan," binilisan ko ang paglalakad para iwan siya ngunit sunod parin ito ng sunod.

"So, saan ka pupunta?" Tanong niya habang sumasabay sa akin sa paglalakad.

"None of your business, just leave me alone."

Nakarating na ako sa canteen pero wala pa ang mga kasama ko kaya lumapit ako sa isang circular table na nasa labas ng canteen at umupo.

"Bakit mo ba ako sinusundan, ha?" Tanong ko sa kaniya kasi sinundan niya pa rin ako hanggang dito.

"Uh, kasi gusto ko?" Sarkastikong saad nito kaya tinarayan ko lang ito.

"Umalis ka na nga."

"Pinagtatabuyan mo na ba ako, Miss Ungol? Nasasaktan ako. Ouch," sabi nito habang nakahawak sa puso niya at umaarte na parang nasasaktan nga siya at umaarte na umiiyak.

Baliw ba 'tong lalaking 'to? Sino ba 'to? Eh hindi ko nga siya kilala.

"Sino ka ba, ha?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi ako sinuka, inere ako," sabi nito at natatawa pa.

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya kaya tinignan ko lang siya nang nakakunot ang noo.

"Ano?" Tanong ko.

"Wala, ang sabi ko, Ako si —" hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang may sumigaw.

Lumingon kami kung saan nanggaling at nakita ko ang mga kaibigan ko na magkakasabay na naglalakad papunta sa amin. Tumayo ako sa kina uupuan ko nang makalapit na sila.

"Sige, Miss Ungol, una na ako ha? Bye, Miss Ungol," sabi nito at kumaway pa siya sa akin nang may ngiti sa kaniyang mga labi. Tinignan ko siya nang nakakunot ang noo. Hindi ko naman siya kilala pero tumango nalang din ako.

"Sino 'yun?" Tanong ni Chearra at nagkibit-balikat lang ako dahil hindi ko naman talaga siya kilala.

"Familiar ng mukha niya," sabi ni Gab habang nakatingin doon sa lalaki na umalis at nagkibit-balikat nalang din ako ulit.

Familiar naman kasi talaga siya pero I can't recall where or when ko siya nakita pero nevermind.

"Let's go," pag-aya ko sa kanila.

We drove to the mall. Kay Jen ang ginamit naming car kasi kung gagamit pa kami ng sarili namin ay ma-hassle na. Kaya isang kotse nalang ang ginamit naming apat.

We ate at the restaurant and after that, we roamed around the mall for a couple of minutes. Bumalik din naman kami sa campus dahil may mga classes pa kami this afternoon.

That Sticky NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon