Chapter 03

10 3 1
                                    

Chapter 03

"Ay oh, umiyak na naman si ineng mo," bungad sa akin ni Gabbi at itinuro niya pa ang mga mata ko.

At dahil doon ay tinignan din ako ng dalawa. Sinamaan ko si Gabbi ng tingin at tinabig ang daliri niyang nakaturo sa akin.

Nagbuntong hininga naman si Chearra. Bigla akong nakaramdam ng takot. Knowing these two, Jen and Chearra, pangangaral na naman ang matatanggap ko. It's not that I'm complaining, thankful pa nga ako eh. Nakakatakot kasi kapag nagsama ang dalawang 'to.

"Hoy, hindi naman ako umiyak," sabi ko.

"Hindi daw umiyak pero nakasuot ng salamin," sabi ulit ni Gabbi.

They all know na nagsusuot lang ako ng salamin if there's something wrong with my eye and especially, when I cried para matakpan ang mga mata ko kahit papaano.

"Bakit bawal ba magsuot ng salamin, ha?" sabi ko at pinandilatan ko pa siya ng mata.

Nanliliit na mata ni Jen ang tumitig sa mga mata ko na para bang sinusuri ito. Bigla ko namang iniwas ang ulo ko sa kaniya.

"Hindi nga sabi ako umiyak."

"Hay nako, J-two, magsisinungaling ka pa. Kita ko mata mo, ang puffy, halatang umiyak," Jen said while crossing her arms.

"Anong puffy ba, Jen? Tumatahol ba 'yan?" I chuckled at what Gabbi said. Siraulo talaga 'tong si Gabbi.

Tinignan naman siya ni Jen ng masama kaya tinikom naman niya ang bibig niya at isinara pa niya ito na parang zipper.

"Ikaw, Jorgina Reign Moanne, tumatawa ka pa," pagsita niya sa akin. Buong pangalan na 'yon kaya itinikom ko kaagad ang bibig ko. "Bakit ka ba umiyak ha?! Dahil na naman sa kaniya?"

"Stop thinking about him. You're just hurting yourself," dagdag pa ni Chearra sa sinabi ni Jen.

"Bakit sumisigaw ka?" I said and pouted my lips. I acted na parang iiyak kaya naman biglang na-alarma ang dalawa. Hinawakan ni Jen ang balikat ko.

"Hey, don't cry. It's okay, we're here. Okay lang naman kung iiyak ka kapag naalala mo siya," sabi ni Jen at hinahaplos niya pa ang likod ko. Bigla naman akong natawa dahil doon. Tinignan naman niya akong nagtataka.

"Akala ko ba stop crying na over him tapos okay lang umiyak kapag naaalala?" natatawang sabi ko. Bigla naman niyang narealize ang sinabi niyan.

"Ikaw kasi eh," sagot niya. Aba't sinisi pa ako nito. "Basta 'wag ka na umiyak. Alam mo, he doesn't deserve you."

"Jen's right, ang dapat sa kaniya, binabaon sa limot," dagdag ni Chearra. "Basta we're always here for you when you need us, don't hesitate to come to us, okay?"

"Ayoko, nakakatakot kayo eh, mabuti nalang hindi kayo naging tigre ngayon," pagbibiro ko. Napatawa naman silang tatlo.

"Hay nako, sinabi mo pa, Jorge. Ready na sana ako tumakbo palayo," pagsakay ni Gabbi sa sinabi ko.

"Ikaw din kaya, Gabbi, para sa inyo talaga 'tong dalawa eh," pagbaling ni Jen sa kaniya. Nabigla si Gabbi at hinawakan niya pa ang dibdib niya.

"Oh bakit napunta sa akin?" Natatawang tanong naman ni Gabbi.

The two uttered a 'tsss' at sabay pa talaga silang dalawa. Napailing nalang din sila ng kanilang ulo.

"Thank you," I sincerely said to them and smiled at them.

They engulfed me with a tight hug.

Whenever I'm feeling down, sila palagi 'yung nandiyan.  Para ko na nga silang magulang eh. Pinapagalitan nila ako, inaaway nila ako (in a joke way), pinapatawa nila ako, kino-comfort — everything that a family do.

That Sticky NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon