Chapter 04

8 1 0
                                    

Chapter 04

"Hoy! Bakit ka naman sumigaw Chearra?" Tanong ko sa kaniya.

"Tingnan niyo oh," sabi nito na nakaturo pa sa kotse ko. "May note na naman, omg!"

Halatang halata ang kilig nito.

"Ano ba 'yan, Chearra. Akala ko naman kung ano na," saad ko.

Bigla-bigla ba namang sumigaw. Akala ko naman kung may nangyari na, 'yung note lang pala. It's not really surprising to see a note from him, pero nakakagulat lang din naman na umabot siya hanggang ngayon.

Ano ba 'yan nakakalito naman.

Ngumiti lang ito at nag peace sign sa amin. Tumakbo siya papunta sa kotse ko at kinuha ang papel.

"I hope you had a great day today. Don't forget to smile, beautitul. With smiley face emoji by Axco," pagbasa niya sa nakasulat. Tumili pa ito pagkatapos and I face palmed myself because of that.

"Ayan, pinaalalahanan ka na. Lagi ka kasi nakabusangot," natatawang saad naman ni Gabbi.

Tinarayan ko lang ito at sinamaan ng tingin na ikinatawa na naman niya.

"Alam mo, bawas bawasan mo 'yung pagsama kay Jen, nahahawa ka na eh," saad nito na ikinalingon naman ni Jen sa kaniya.

Tinarayan siya nito.

"Oh, ayan na sinasabi ko," hindi pa rin nawawala ang tawa niya.

Kinuha ko ang note sa kamay ni Chearra. "Tara na nga, iwan na natin 'yang si Gabbi dito."

Natatawang saad ko.

"Hoy, wala namang ganiyanan. Magkakaibigan tayo dito," sumeryoso ang mukha niya. Gusto kong matawa sa mukha niya dahil sa seryoso ito pero hindi ko nalang ginawa. pft!

"Tanga, may kotse ka," sabi ni Jen habang pumapasok sa kotse niya. Si Chearra naman ay pumasok sa passenger seat ni Jen.

Bakit kasi hindi nagdadala ng sasakyan 'to? Laging nakiki-angkas kay Jen.

"Ay, oo nga pala," napakamot ng ulo si Gabbi at pumunta sa sasakyan niya. Napailing- iling nalang ako ng ulo bago pumasok sa sasakyan ko.

---

I was just lying on my bed, thinking of you again.

Joke, move on na tayo. I don't want to think about him, pero minsan bigla-bigla nalang pumapasok sa isip ko. Ni hindi ko nga alam if i'm fully moved on from him. Inaamin ko 'yon.

Nakatingin lang ako sa kisame ng aking silid nang biglang tumunog ang phone ko. I checked who messaged me but it's from an unknown number.

Unknown: hiiii :)

I knit my brows. Sino naman kaya 'to? I don't remember giving my number to someone.

I was contemplating whether I will answer back or not kasi hindi ko naman siya kilala when a notification from the same number popped up on my screen again.

Unknown: uy, uso reply.

I decided to just reply to whoever this is.

Me: hi, who's this?

Wala pang ilang segundo ay nakatanggap na ako ng reply galing sa kaniya.

Unknown: ay grabe, nalimutan na agad ang ka cute-an ko.

Nangunot ang noo ko. Medyo mahangin 'tong tao na 'to ah.

Me: okay? But who r u?

Unknown: grabe ka talaga hayst. I'm hurt huhuhu

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Sticky NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon