Chapter 01
Have you ever spent your day without knowing that you already spent that day? I mean, hindi mo nalang namamalayan na lumilipas na pala yung oras sa araw na 'yon and before you know it, kinabukasan na pala? Does that even make any sense? 'Yung lutang ka kaya hindi mo alam nangyayari.
Bakit ba tayo nalulutang? I mean, we're busy talking to ourselves that we didn't realize na para na tayong tanga.
"Jorge, are you listening?" I was snapped back at my thoughts when Gabbi spoke.
"Uhm.. what?" Wala sa tuliro kong sagot habang tinitigan ang mukha niya.
The girl beside me let out a sigh.
"Girl, lutang ka na naman. Why are you always like that, ha? Kainis ka," she said and rolled her eyes. Pinalo ko naman ito sa braso saka tumawa.
"Ouch!" Maarteng sabi nito at sinamaan ako ng tingin.
"So, as I was saying.. " putol na sabi ni Gabbi kaya naman nakatingin lang kami sa kaniya at nag-aabang ng sunod niyang sasabihin.
Kumunot ang mga noo niya at tumingin sa taas na para bang may tinitignan kaya sinundan din namin kung saan siya nakatingin. But she was looking at no where.
"Girl, ano na?" inip na saad ni Jen.
Tumingin ulit siya sa amin na nakakunot pa rin ang noo. She look confused. Okay, what's with her?
"Girls, ano nga yung sinasabi ko?" I facepalmed myself because of what she said. 'Yung katabi ko naman ay halatang nainis.
"Really, Gabbi? Nakakainis ka rin," sabi nito at nagtaray ulit ang kaniyang mata.
"You know what, girls, nevermind. Alis na tayo, male-late na tayo sa class eh," sabi nito sabay tayo at kuha ng bag niya. 'Yung isa naman, dabog na tumayo at naka crossed arms pa.
Tatlo kaming magkakasama ngayong break time.
Me, Gabbi, and Jen.
We've been best friends since elementary. May isa pa kaming kaibigan pero hindi ko alam kung nasaan ngayon. Lagi kasi 'yon sumusulpot nalang and sanay naman na kami.
--
Our classes ended kaya naman magkakasama na kaming tatlo. We're planning to go to our favorite cafe. Malapit lang ito sa campus. If you have wheels, less than five minutes drive lang and kung lalakarin mo naman siguro mga five or more, pero I think less than ten minutes kasi nasa kanto lang naman ito.
Naglalakad lang kami papunta sa parking nang maalala ko ang pinsan ko.
"Wait, where's Chearra?" tanong ko sa kanilang dalawa at nagkatinginan naman kaming tatlo. Jen rolled her eyes.
"Hayaan mo na 'yon. 'Di ka pa ba sanay kay Chearra, Jorge? Magpapakita naman 'yon. Before you know it, kumakaway na 'yon sa atin mamaya," sabi ni Jen at pinaikot ulit ang dalawang mata niya. Sumangayon naman kaming dalawa ni Gabbi.
After a while, may narinig kaming tawag kaya naman lumingon kami kung saan nanggagaling 'yung boses. At tama nga ang hinala naming tatlo. We saw Chearra walking towards us at nakangiti ito habang kumakaway sa amin. Ngumiti nalang din kami sa kaniya at sabay-sabay na kaming apat na naglakad habang nagkukwentuhan.
Malapit na kami sa pinag parkingan ng mga sasakyan namin when suddenly, someone bumped into me causing the things that I'm holding to fall.
"Sorry po, sorry po," sabi nito na parang natataranta.
"No, it's okay, hindi rin naman ako nakatingin eh," sabi ko habang nakatingin sa kaniya. I can't see his face kahit na mas matangkad pa siya sa akin. Hindi niya rin naman ako tiningnan, malikot ang ulo na niya na para bang may hinahanap at maya maya naman ay yuyuko. Nakasuot pa ito ng cap kaya malabong makita ang mukha nito. He's tapping his thighs na para bang nagmamadali.
BINABASA MO ANG
That Sticky Note
Novela JuvenilDalawang taong magkaiba ang pinagdadaanan, maaari kayang mapag-isa? "It lightened my dark world.. but you made me shine like I'm the brightest star in the sky." Written by: lockespade