Prologue

130 6 1
                                    

Prologue

"Sabi ko noong nasa high school pa lang ako, gustong-gusto ko na mag-college kasi napaka-cool tingnan nang mga college students wearing their clean uniform." Humalukipkip s'ya sa mesa at tumingin sa aming lahat, "Pero ngayon," sinampal n'ya ang sarili at tumingin sa mga paper works sa harap naming lahat, "I--"

"Can you just shut your mouth and do your job?" Alexis, the moron in our circle.

"Correct! Myla, puro reklamo ka gagawin mo din naman eh." nalipat ang tingin ko kay Elsa na nginangatngat ang dulo ng lapis n'ya habang nakatingin sa makapal niyang libro.

"Pero girls, nakakatamad naman talaga minsan mag-aral, 'di ba?" si Jeth na nakapatong pa ang paa sa upuan niya habang may lollipop sa bibig.

"Agree, minsan gusto ko na lang talaga matulog eh." si Naldo na kakaangat lang ng ulo mula sa pagkakaidlip.

Sila ang aking mga kaibigan, lahat kami ay Education students, I love teaching kids pero hindi ko alam sa mga'to kung napilitan lang ba sila kasi puro na lang reklamo.

Nakangiti na inabot ko ang ginagawang research paper para sa huling taon namin sa college. Sila ang mga kagrupo ko at hindi ako natutuwa. Tama nga ang sinabi nila kapag mga kaibigan mo ang nakasama sa mga gawain sa school ang tendency ay wala kayong matatapos dahil sa mga daldalan na walang tigil. Reklamo doon, reklamo dito, nakakairita.

"Si Milan, hindi ko pa narinig magreklamo 'yan sa buong pagsasama natin." Ngumiti ako kay Naldo at mabilis na hinila ang buhok n'ya na nagpasigaw sa kaniya.

"Who am I to tell those words if I am just a student? Kung magrereklamo lang din naman ako, edi hindi na ako mag-aaral." Umakto si Naldo na parang nag-zipper s'ya ng bibig, ngumiti naman si Jeth at hinawakan ang buhok n'ya.

"That mindset talaga, Milan." Natatawang sinabi ni Elsa at kumuha din nang papel sa harap para magsimula na din sa research namin.

Ngumiti ako at pinagmasdan sila. Ang mga taong ito ang matatawag mong kaibigan, mga tarantado nga minsan pero alam nila ang kanilang limitasyon at responsibilidad. Family and studies that's the most important for us. Maririnig man kami nang karamihan na halos lahat negative ang lumalabas sa bibig, we might curse our teachers for giving us so many tasks to do, we may cry our stress for not knowing where to start, still at the end of the day when we finish all of that we will silently say sorry for all the words we've said because that's our only way to encourage ourselves. Saying negative words are not always mean to down ourselves, it is our defense mechanism during those hard times.

"This is our last year in college tapos makakapag-trabaho na din tayo!" excited na sinabi ni Myla. S'ya iyong tipo na jolly pero marami din ibinabalik sa present na naaalala n'ya. I'm worried baka maalala na naman niya ang ex niyang pinagpalit s'ya sa mas sexy, maganda at mas malapit.

"At hanggang ngayon wala pa rin tayong mga jowa! Buti pa 'to si Alexis tirador nang mga bata." Naexcite ako sa narinig lalo na nang seryosong umangat ng tingin si Alexis at binitawan ang ballpen, tumingin s'ya kay Naldo at tinaasan niya ito ng kilay.

"Atleast hindi matanda."

Malakas na umubo si Elsa kaya nagtawanan kami dahil nabuhos sa damit niya ang iniinom na tubig. Mabuti na lang at naiwas niya ang mga papel dahil kung hindi ay baka nagka-world war 3 na dito.

Umiling ako at tumayo para pumunta ng wash room. Masyado akong busy sa paghahanap ng lipstick ko sa bag ng may nabunggo ako at nagkalat iyon sa sahig.

"Goodness!" wala sa sariling sinabi ko at lumuhod agad para pulutin ang mga gamit ko. Mabuti na lang at hindi gaano karami ang tao dito ngayon sa coffee shop. Tinulungan ako nang nakabungo sa akin sa pagpulot ng mga gamit ko, nang makuha na ang lahat ay tumayo ako at humarap sa kaniya.

"Sorry tala--, M-Milan?" sabi nang lalaki at nanginginig na inabot sa akin ang pulang lipstick na hinahanap ko pa kanina. Kinuha ko iyon at ngumiti.

"Oo bro, si Milan 'yan! Swerte naman!" napatingin ako sa grupo ng mga kalalakihan na nakaupo hindi malayo sa amin napatingin din ako sa mga kaibigan ko na walang kamalay-malay sa nangyayari dito dahil masyadong busy sa mga ginagawa. Huminga ako ng malalim at lalampasan na sana sila pero may nagsalita pa rin.

"Ikaw si Milan hindi ba?" tanong noong lalaking nakasuot ng blue shirt, ngumiti ako at tumango. They were six in total. May dalawang lalaking nakasuot ng uniform ng maritime students at ang tatlo ay uniform na ng university namin.

"Wooaahh! S'ya iyong sikat sa university n'yo?" Kumunot ang noo ko at napatingin sa isang lalaki na maritime student it seems like he's not interested to what's happening titig na titig lang s'ya sa cellphone n'ya, tumikhim ako para magpaalam.

"I'm sorry, nice to meet you all." ngumiti muli ako at tinalikuran na sila. Nang makarating sa wash room ay naghugas agad ako ng kamay at napatingin sa repleksyon ko sa salamin.

Kilala ako ng karamihan dahil sa mukhang ito, pinakatitigan ko ang sarili sa salamin. Maikli ang buhok, matangos ang ilong, manipis na lapi at mapupungay na mga mata. Nakakapagod din minsan na dalhin ang mukhang ito, nakakapagod din minsan na kunin ang atensyon ng karamihan. Kung ang iba ay gusto ang atensyon ng karamihan ako ay hindi. I rather remain silent in one side.

Pinunasan ko ang kamay ng tissue at naglagay ng kaunting lipstick sa labi dahil nawala na ang inilagay ko doon kanina. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili bago lumabas.

Nakasalubong ko iyong maritime student na seryosong nakatingin sa kaniyang cellphone kanina, nagkatinginan lang kami pero umirap s'ya sa akin at nilampasan ako. Umawang ang labi ko sa gulat ng ginawa niya at pinagmasdan lang s'yang pumasok sa wash room ng lalaki.

Wala sa sariling ngumiti ako at bumalik sa mesa namin. Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko kanina.

"I'm happy." lahat sila ay napaangat ang tingin ng magsalita ako.

"What?" nagtatakang tanong ni Elsa, ngumiti ako sa kaniya.

"Kasi, for the first time," Hindi sila kumurap at nakatingin lang sa akin ganoon din si Alexis. "May isang lalaki na hindi pumansin sa akin, iyon bang ngumiti or what like the usual?" ngumuso si Elsa at bumalik sa pagsusulat.

"That simple thing excites her." bulong iyon pero narinig kong sinabi ni Jeth.

"Milan, panget ka kasi sa paningin no'n kaya di natuwa sa'yo." mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ko.

"Yeah, and I like it."

Timeless Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon