Chapter 4

72 2 0
                                    

Chapter 4

Tumigil ang sasakyan sa harap nang school nila. Mabilis na tinanggal niya ang seat belt at humarap sa akin at tinignan ang tuhod ko kaya tinakpan ko iyon.

"Dito ka lang, mag-take lang ako." pakasabi niya no'n ay lumabas agad s'ya. Kumaway pa sa akin ang mga kaibigan niya.

Natataranta na kinuha ko ang cellphone at minura ang sarili nang makita na malabo na makapasok pa ako dahil late na. Ito ang unang pagkakataon na hindi ako nakapasok at dahil pa dito.

Sa inis ko ay nagpasya akong lumabas nang sasakyan at nagsisi din pakatapos dahil puro lalaki ang nandito. Nakalimutan ko na halos lahat pala lalaki ang estudyante dito. Mga nagmamadaling estudyante ang nakikita ko wearing their clean white uniform. Ang ilan ay tumatakbong inaayos pa ang buhok at napapamura dahil siguro late na.

"May naligaw ata dito." rinig kong usapan ng mga kalalakihan malapit sa akin, nagbuntong-hininga ako at kinuha ang cellphone para tawagan si Myla. Agad naman niya iyon na sinagot.

"Girl, buti naman tumawag ka!" I can hear the panic in her voice.

"Bakit?" naalarma kong sagot.

"Si Sir kasi, pinalitan ang deadline ng resarch natin. Asan ka ba kasi?" nilibot ko ulit ang paningin ko at tinignan kung saan pumasok si Reyzon kanina, "Sorry, nagka-problema lang. Papunta na ako."

"Sige, bilisan mo." hindi ko na inisip na magpaalam pa sa kaniya, kaya tumakbo na ako palabas ng school nila. Naiinis din ako kung bakit biglang nagbago ang deadline, hindi pa rin kasi kami tapos dahil seryoso namin iyong ginagawa at gusto namin isahang pasa na lang para hindi kami umulit kung sakali katulad ng ibang grupo.

Paika-ika ang takbo ko at tumigil sa harap ng waiting shed, I convinced myself to stay calm kahit sobrang hapdi ng sugat sa tuhod ko. Nang makitang may jeep na dadaan agad na pinara ko iyon para makasakay.

Nang makarating sa school ay agad na bumaba ako ng jeep at tumakbo, narinig kong nagsigawan ang pasahero ng jeep at doon ko lang narealize na hindi ako nakapag-bayad. Nahihiyang bumalik ako at inabot ang bente pesos at hindi na kinuha ang sukli noon at muling tumakbo para makaabot sa room. Hinihingal na naupo ako sa gitna ni Alexis at Elsa na nag-papanic na tumingin sa akin.

"Bwesit!" bulalas ni Naldo at nilapag ang mga papel sa harap ko, "Binigla tayo, maaga ata si sir magbabakasyon kaya pati deadline ngayon agad!" pumikit ako at binabawi pa rin ang paghinga, naramdaman kong hinaplos ni Alexis ang likod ko.

"Hinga, makakapagpasa tayo." Minulat ko ang mata at masamang tumingin kay Alexis.

"Hinahabol ko ang pag-hinga ko dahil tumakbo ako papunta dito." Itinaas niya ang dalawang kamay at natatawang tumingin sa akin.

"Okay okay, calm down." iritadong tumayo ako at lumapit kay sir na busy sa laptop niya. Andoon sa harap niya ang isa naming kaklase mangiyak-ngiyak na nakikiusap na i-adjust ang deadline.

"Please Sir, mag-stick naman po kayo sa na-set na deadline." Pinapadyak niya ang mga paa at kinakamot ang ulo sa pagkakataranta. Umangat ang tingin ni sir kay Joana.

"Bakit hindi n'yo na taposin ngayon kaysa tumayo ka d'yan at magreklamo?" Sa journey sa college o pag-aaral hindi maaalis ang ganitong mga klase ng guro, kaya pasensya ang kinakailangan. Iritadong umalis si Joana kaya ako ang pumalit sa pwesto niya.

Iritado pa rin ako sa sugat sa tuhod ko at nakadagdag pa ito sa inis ko ngayon.

"Late ka, Miss Milan."

"Na-aksidente sir." maikling sagot ko na ikinatango niya, nandilim ang paningin ko dahil halos wala s'yang pakialam, I badly wanted to shout in front of his face pero hindi ko kayang gawin dahil may respeto pa rin naman ako. "Sir, In behalf of our class, I wanted to ask you to stick for the set deadline."

Timeless Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon