Chapter 5

26 2 0
                                    

Chapter 5

We were laughing nang tumunog ang tiyan ni Jeth kaya ang tawanan ay mas lalo pang lumakas. Doon lang namin narealize na hindi pala kami nag-lunch kanina dahil masyadong nag-focus sa research.

"Kung nakita lang ninyo ang mukha ni sir nang iabot ko ang research sa kaniya." si Jeth, hindi na kasi kami nakapasok sa office dahil nang dumating kami doon palabas na si Jeth with his wide smile. "Akala siguro niya we can't do it."

"Kain tayo sa labas." aniyaya ni Myla, I badly wanted to join them pero kailangan ko nang umuwi.

"Next time na lang ako sasama." nakakunot na tumingin sila sa akin, itinuro ko ang nakaparadang sasakyan, sasakyan ni Daddy.

Nagbuntong hininga sila at saka nagpaalam, lumapit ako sa sasakyan at ang driver lang ang andoon.

"Biglaan naman po ata ang pagsundo sa akin?" tanong ko kay Kuya Berto.

"Eh kasi, may bisita kayo, kailangan ka ata doon." Sumakay ako sa backseat at nanlulumong ipinikit ang mata. Sobrang pagod na pagod ako ngayong araw.

Nang makarating sa bahay ay agad na sinalubong ako nang maid, kinuha niya ang mga gamit ko kaya nangunot ang noo ko.

"Sorry Ma'am. Kailangan niyo na pong pumunta sa kusina," tinuro niya ang daan, I sigh heavily. Hindi man lang ako makakapagbihis.

"Here she go." si Mommy at iginiya ako para makaupo, in ront of her is an old woman. Wala si Daddy pati ang mga kapatid ko. Kaming tatlo lang ang naririto.

"Woah, she's stunning." an old woman complemented kaya ngumiti ako sa kaniya.

"Where are they?" tanong ko kay Mommy, she smiled and gestured her hand na nasa labas kaya napunta ang tingin ko sa may garden.

"Pareho tayong late dumating hija, kaya tayo ang naiwan dito sa mesa." sabi ng bisita.

"Okay lang po," nagtatakang tumingin ako kay Mommy.

"Oh, yes. She's my friend." masayang sinabi ni Mommy, "medyo hindi halata kasi sa age gap pero she is really a good friend, anak."

Alanganin na ngumiti ulit ako.

"She's taking education, very far from our profession but I am so proud of her." she hold my hand, I can see the admiration in the old woman eyes. "She's graduating, few months from now." I just wish na sana proud din sa akin si Daddy at ganiyan din ako tingnan ni Lola at Lolo.

"You know, my grandson is taking the profession he wants too, hindi niya rin sinunod kung ano ang profession ng pamilya."

"Really?" agad na sagot ko.

"Yes, but he is too-- I don't know, mailap sa tao pero sabi nila may girlfriend naman pero hindi pa namin nakikilala."

"Are you disappointed?"

"Hmmm?"

"Kasi hindi niya sinunod ang profession ng pamilya ninyo?"

"Why would I be? That's his life, I don't want to meddle to that, I just need to support him through out his journey."

Tumikhim si Mommy at niyaya na kami lumabas ng garden, hindi na ako sumama dahil gusto kong maligo na lang muna.

Pakapasok ko sa kwarto ay agad na naupo ako sa kama remembering the words of the old woman, sana ganoon din ang pamilya ko sa akin, kasi kahit lumihis ako nang profession I am still doing my best.

Naligo lang ako at nagbihis ng short and I partnered it with my plane blue shirt. I let my hair down dahil medyo basa pa iyon. Lumabas ako nang kwarto at pupuntahan sana sila sa garden pero nakita ko ang maid namin struggling with the glasses of juice. Nilapitan ko siya at kinuha iyon sa kaniya.

"Let me, papunta din ako doon."

"Naku po,"

"It's okay," saka ko siya nilampasan.

Madilim sa labas dahil dim ang kulay ng ilaw namin dito. Nilapag ko ang mga baso ng juice sa mesa I was about to go inside again when I saw a familiar face. Nagtatakang mas tinitigan ko iyon, he is talking to Mommy.

Nagpasya akong lumapit, "Mommy."

"Oh Darling," she hold my wrist, "Rey this is Milan my daughter."

Nakatitig lang ako sa kaniya pero siya hindi nga nagtagal ang tingin sa akin, tinaasan ko siya ng kilay akala mo naman hindi kami nagkausap kanina ng dahil sa immature niyang girlfriend.

"This is the grandson of your Lola Arabela." nagulat ako, that's for real.

"Maiwan ko muna kayo anak." I don't know kung anong mayroon ngayon, wala namang ibang bisita ang pamilya lang namin at itong pamilya nila Reyzon. Umalis si Mommy kaya natahimik kami pareho.

Tumalikod siya at iniwan ako doon na nagpanganga sa akin sa sobrang inis. "Hey!"

Hindi niya ako pinansin at naglakad lang siya papasok sa bahay, O my goodness alam kung natutuwa ako noon kasi first time na walang pumansin sa'kin but oh god! We knew each other sana naman kahit hi lang diba?

Sumunod ako sa kaniya papasok at nakita ko siya umupo sa sofa at binuksan ang cellphone niya.

"Hey!"

He didn't response, kunot noo lang siyang nakatingin sa cellphone niya. Naupo ako sa mesang nasa harap niya kaya nagmukang intimate ang pwesto namin pero wala akong pake. Tiningnan niya ang tuhod kong tumatama sa tuhod niya.

"Hey?" muli kong pagtawag sa atensyon niya kaya umangat ang tingin niya sa akin, naiinis.

"What are you doing?" may inis pa rin sa boses niya.

"Sitting?"

"I mean, bakit ka d'yan umupo? Mesa 'yan, may upuan dito." hindi ko siya pinansin at tinitigan lang s'ya. "Doon ka na." cold na sinabi niya tumingin ulit sa cellphone niya.

"You two broke up? Or sinusuyo mo?" natigil siya sa pag-type at tumingin ulit sa tuhod ko, hinawakan niya iyon na nagpagulat sa akin.

"Ginamot mo ba 'to?" hindi, iyon sana ang isasagot ko pero masyado akong naging apektado sa paghawak niya sa akin kaya tumayo ako.

"Oo," sagot ko at naupo sa tabing sofa, bumalik ulit ang tingin niya sa cellphone niya. Is he really like that? He won't even look at me?

"Sabihin mo sa girlfriend mo na it was not me." nakita kong tumaas ang kilay niya, "Ginulo kasi niya ako kanina sa coffee shop in front of my friends." Hindi siya kumibo at nagkibit-balikat lang.

"I think, you should tell her because I have a feeling that she--"

"I told you to wait." matigas na sinabi niya.

"What?" nagtatakang tanong ko.

"I told you to wait dahil mag-e-exam lang ako."  

Timeless Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon