Three

92 17 19
                                    


PAGPAPATULOY

(GININTUANG MEMORYA)

Masayang maging bata at iyon ang totoo.Maraming mga bagay na magagawa mo lamang kung bata ka... tulad na lamang ng paglalaro sa kalsada,mag-amoy pawis dahil sa tirik ng araw,magkaroon ng away bata at matutong tumakas sa tanghali kapag pinapatulog ni nanay.

Tunay ngang masarap balikan ang mga ala-ala ng nakaraan...

Hapon no'n ng sinundo ako nila Talya at Yaden sa bahay,oras dapat ng siesta namin ni nanay.Nakalatag sa maliit na espasyo ng aming sala ang manipis na kutchon na nagsisilbi naming higaan.

Wala akong magawa noong mga oras na iyon kung hindi ang maglaro ng lutu-lutuan ng mag-isa gamit ang mga takip ng bote,dahon at ilang karton na pinagdikit-dikit ko.

Hindi rin kase ako madapuan ng antok kung kaya't kung ano na lang ang ginagawa ko,mabuti na lang talaga at dumating sila Talya upang ayain akong mag-laro.

Tulog na tulog si nanay at bahagya pang naghihilik kung kaya't hindi niya rin ako namalayang tumakas sa kaniyang tabi upang puntahan sila na noon ay naghihintay sa labas ng aming bakuran.

" Pinayagan ka ni tita o tumakas ka tulad namin?'Yong una o pangalawa?" tanong ni Talya sakin habang bumubungisngis.

"Iyong pangalawa sa sinabi mo hahaha"

"Marunong ka na ring tumakas ngayon,Astrid!Lagot tayo kila mama pag-uwi natin mamaya."wika naman ni Yaden sabay tawa rin.Ilang buwan na rin simula ng maging magkakaibigan kaming tatlo.Lagi kaming magkasama sa lahat ng bagay kaya hindi na nakakapagtaka na kapag pinagalitan ang isa,damay ang dalawa pa.

"Sanay naman sakin si nanay at saka kayo naman ang kasama ko!Teka,saan tayo maglalaro ngayon?Sa palaruan ba ulit tayo?"may palaruan kase na ginawa.Proyekto ito ng SK Chairman ng aming barangay,pinagtulong-tulungan ito ng grupo sa Sangguniang Kabataan.

Marami ang natuwa kasama na kaming magkakaibigan.Ang palaruan ang nagsilbing mga mata na nakakita sa mga nagawa naming memorya ng magkakasama.

Laro. Takbo. Tago. Dapa. Iyak. Bangon. Tawa.

Mga salita na kung bubuoin ay magandang pangungusap ang malilikha.Mga bagay o pangyayari na gusto mo mang balikan ay hindi na maari dahil hindi umiikot pabaliktad ang orasan....

"May bunga na ang puno ng bayabas sa likod ng bahay nila Mang Ernesto!Tulungan niyo akong kumuha!"nakangising sabi ni Talya samin ni Yaden.

Hindi ko maiwasang mapakamot ng ulo sa naisip ni Talya.Unang-una,hindi naman talaga siya marunong umakyat ng puno,pangalawa ay hindi sa amin ang puno ng bayabas kaya baka masita lang kami ni Mang Ernesto.

"Sigurado ka ba sa naiisip mo?Ilang buwan ko na kayong nakakalaro pero ni isang beses ay hindi pa kita nakitang umakyat ng kahit na anong puno at saka... takot ka sa mataas na lugar,hindi ba?"sumang-ayon ako sa sinabi ni Yaden.

"Edi ngayon mo ako makikita!Napapag-aaralan din naman ang pag-akyat sa puno at isa pa,madali lang umakyat base sa nakikita ko sa ibang mga bata."dagdag pa ni Talya kaya wala na kaming nagawa pa ni Yaden kung hindi ang sumama sa kaniya.

"Siguraduhin mo lang na makaka-akyat ka at may makukuha kung hindi ay iiwanan ka talaga namin ni Astrid na mag-isa. "panakot ng pinsan niya sa kaniya.

"Ayst!Idadamay mo pa si Astrid sa pag-iwan sakin,insan!Wala ka bang tiwala?"ipinakita niya pa ang patpatin niyang mga braso bago nagsimulang mag-lakad patungo sa likod ng bahay nila Mang Ernesto na siya ring bakuran nila.

Traces of YesterdayWhere stories live. Discover now