PAGPAPATULOY(BITUIN SA ALAPAAP)
N
asa banyo pa ako ng aking kwarto ng marinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumigaw si Talya.Hindi ko na lamang siya sinagot dahil paniguradong rinig niya naman ang lagaspas ng tubig dito sa banyo.
Napag-isipan naming magtungo sa dalamapasigan ngayon araw dahil wala narin naman kaming gagawin pa.Mabuti na rin iyon upang masilayan kong muli ang pag-alpas ng alon sa tabing dagat.Ang amoy ng maalat na tubig at ang pino't puting buhangin na nagbibigay sa akin ng kapayapaan.
Matapos kong maligo ay isinuot ko na ang damit na napili ko kanina.Ibinili ako ni nanay kahapon sa may tiange ng isang bestida na maari ko raw umanong magamit bilang pangaraw-araw.Kulay krema ito at hanggang ilalim ng aking tuhod.Maganda at maari itong gawing pang-alis kung nanaisin ko lamang.
"Ang tagal mo namang maligo!"pagkabukas ko pa lang ng pihitan ng banyo ay narinig ko na agad ang reklamo ni Talya sa akin na ikina-iling ko na lamang.
"Matagal naman talaga akong maligo noon pa."
"Hindi ba tayo maliligo sa dagat,Astrid?Ang ganda ng panahon ngayon kaya naman nagbabakasakali akong maligo."nakasimangot na wika nito.
"Wala akong balak pero kung gusto mo,sasamahan kita."nagliwanag ang mukha niya sa narinig at masayang tumugon.
"Talaga?!"umiling naman ako ng bahagya dahil sa maling tingin niya sa sinabi ko.
"Sasamahan lang kitang pumuntang dagat pero hindi maligo."nagbalik ang busangot niyang mukha.
"Kung hindi ka maliligo,hindi narin ako maliligo!"nagkibit balikat na lang ako sa kaniya at inaya siyang lumabas na ng silid.
"Saan kayo tutungo,anak?"tanong ni nanay ng makitang lumabas kami ni Talya.
"Sa dalampasigan lang po,nay.Uuwi rin po kami bago maghapunan."tumango naman ito kung kaya't lumayag na kami ni Talya.Marami kaming napag-usapan sa pagpunta namin sa tabing dagat kasama na roon ang mga alaala namin noong kami ay munting paslit pa lamang.
"Natatandaan mo ba noong nadapa ka dahil sa katangahan mo,Astrid?"sinamaan ko siya ng tingin ngunit humalakhak lamang siya sa akin.
"Grabe!Sa tuwing naa-alala ko ang bagay na iyon ay natatawa na lang ako.Bakit ka ba naman kase tatakbo ng matulin at ilang segundo lamang ay madadapa?Ang malala pa ay katapat mo pa ang putikan!Bwahahahahhaha!Mabuti na lang at hindi sumakto sa mukha mo!"tawang tawang ani niya sa akin na ikinangiti ko na lamang bagamat gano'n ang kinalabasan.
"Hinahabol kase ako aso kaya ako tumakbo.Epal ang asong iyon eh!Mabuti na lang ngayon at hindi na ito pagala-gala ngayon."
"Mukhang natakot sa ginawa ni Yaden kaya ganon!"napalitan ng lungkot ang mga mata ni Talya matapos niyang sabihin iyon.
Sa pagkaka-alam ko kase ay pinagbabato ni
Yaden ang aso at binulyawan matapos kong madapa dahil dito.Nagalit pa nga si Yaden sa may ari ng aso ng makitang nasa gilid lamang pala ito at tatawa-tawa pa dahil sa sinapit ko."Siguro nga."namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Talya ngunit nanumbalik din ang sigla matapos naming mapuntahan ang aming destinasyon,ang tabing dagat o dalampasigan.
"Mangunguha ba ulit tayo ng mga talaba at kabibe tulad ng dati?"nankangiting tanong niya sa akin na sinang-ayunan ko naman.Medyo mataas na ang tubig sapagkat hapon na ngayon ngunit meron parin namang mga talabang makikita bagamat kokonti na lamang.