A/N: Ito ang aking unang beses na kakatha ng mga ganitong kwento kaya inyo sanang pagpasensyahan kung may mga kaunting error. Kung isa ka sa mga nagbabasa nito, maraming salamat sa suporta!
—
Ang aliwalas ng kalangitan na tila kaysarap pagmasdan habang naglalakad sa malinis na lansangan. Mararamdaman mo ang kapayapaan dahil tanging ingay lamang mula sa mga insekto ang mauulinigan. Napakayapa. Napakatahimik. Walang ingay ng sasakyan na maaaring sumira sa iyong pagmumuni-muni na sinasabayan ng tanawing magdadala saiyo sa kapayapaan. Ang unti-unting pagsakop ng kadiliman ng buwan sa liwanag na nagmumula sa araw. Sa mga ganitong pagkakataon talaga masarap bigyan ang sarili ng oras upang sa panandaliang panahon ay makatakas muna kahit saglit mula sa mga iniisip.
"Sandali, ano iyon? Parang may naririnig akong hikbi mula sa madilim na bahagi ng lugar na ito," tanong ko sa aking sarili habang unti-unting dinadaluyan ng kuryosidad ang aking pag-iisip.
Tiningnan ko ang aking relo upang tingnan kung anong oras na.
"Ala sais pa lang naman pala, hindi pa naman siguro ako mauubusan ng pagkain doon, mabuti pa ay tingnan ko muna ito," wika ko habang binabagtas ang daan papunta sa madilim na bahagi. Ginamit ko ang gabay ng hikbi na aking naririnig upang ito'y madali kong makita. Hindi ko na nilabas ang aking selpon upang sana gamitin na pang-ilaw dahil baka ito'y maubusan agad ng baterya. Isa pa, may kaunting liwanag naman na nanggagaling mula sa buwan. Sanay na rin naman ako sa kadiliman dahil simula ng aking pagsilang, ito na ang nagsilbing tahanan ko. Hindi rin naman ako natatakot kung ito man ay multo o ano. Wala na akong kinatatakutan.
Sa ginawa kong pagbagtas ay dinala ako sa lugar na may tulay at sa ilalim nito ay may ilog na maraming nagsasabing ito raw ay may sumpa. Marami na raw kasi ang dito ay tumalon upang tuluyang tapusin ang sariling buhay.
"Ano ang ginagawa mo rito, Miss?," tanong ko ng aking makita na isa siyang babae dahil sa mukha nito at sa mahaba niyang buhok.
"Gabi na Miss, masyadong delikado para sa isang babaeng katulad mo ang mamalagi sa ganitong klaseng lugar."
"Miss—," naputol ang sunod kong sasabihin dahil sa biglang pagsigaw niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit.
"Ano ka ba?! Bulag ka ba?! Ha?! Kaya nga ako pumunta rito para mag-isa at ng walang gumambala sa gagawin ko rito! Kaya kung maaari lang Mister, umalis ka na!" Umiiyak na wika niya sa akin at mararamdaman mo rin dito ang galit.
"Pero Miss—"
"Umalis ka na!" Bago ko pa man muling isatinig ang nais kong sabihin ay sumigaw ulit ito at pilit akong pinapaalis.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi ang dahilan kung bakit ka nandito." Mahinahon kong tugon at hindi pinansin ang mga sinabi niya.
"Gusto ko ng mamatay! Nakakasawa ng mabuhay! Paulit-ulit na lang ang nangyayari sa akin. Nakakapagod." Ang bawat salita niyang sinasabi ay may diin kaya talagang mararamdaman mo ang hirap na kaniyang dinaranas.
"Kailan ba naging kasagutan ang pagpapakamatay, Miss? Kapag namatay ka, hindi doon matatapos ang hirap mo na dinaranas. Ito ay maiipasa mo lamang sa mga maiiwan mong mahal sa buhay, kaya mas mabuting iyong tuldukan ang paghihirap habang nabubuhay. Huwag tapusin ang buhay kung ayaw mong ang iyong paghihirap ay tumagal habang buhay," tugon ko sa kanya habang pilit kinumbinsi na huwag ituloy ang binabalak.
"Tss, wala kang alam Mister sa pinagdadaanan ko. Wala. Hindi mo alam kung gaano kapait ang ipinaranas ng mundo sa akin. Wala kang ideya kaya wala kang karapatan sabihin iyan ngayon sa akin. Marahil napakasarap ng buhay mo ngayon kaya mo nasasabi ang bagay na iyan. " Walang emosyon niyang wika sa akin na para bang sinasabing siya ay desidido na sa gagawin. Napatawa na lang ako sa isip dahil sa huling sinabi niya. Wala siyang alam.
"Umalis ka na lang Mister, iwan mo na ako rito at kalimutan ang tagpong ito. Pakiusap. Ito na lang ang naiisip kong paraan para tuluyan na akong makalaya sa ginawang bilangguang ito ng mundo sa akin." Unti-unti siyang naglakad habang sinasabi ito palapit sa tulay at isang maling hakbang niya, siya'y tuluyang mahuhulog sa ilog.
"Oren, ito ang pangalan ko. Pakiusap Miss, huwag mong ituloy. Miss—," nanlaki ang aking mga mata dahil sa biglang paglingon niya sa akin at nagpakawala ito ng isang ngiti at tuluyang tumalon sa ilog.
"MISS!!!!" Sinubukan kong abutin ang kamay niya upang sana ito'y sagipin, subalit na hulì ako. Nahulì na naman ako. Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, may namatay na naman muli at wala akong nagawa para pigilan sila gamit ang mga paniniwala ko.
Napaupo na lamang ako habang nakatingin sa lugar kung saan tumalon ang babaeng tinalo ng problema at tuluyang winakasan ang sariling buhay.
BINABASA MO ANG
Hopes Beyond Words
General Fiction"Hindi ko gusto ang ideya na may mga kaibigan o kakilala akong tao na mas pinipiling tapusin ang sariling buhay at tuluyan na lamang sumuko sa nasimulang laban. Ang mas nakakalungkot pa rito ay wala akong magawa man lang upang sila ay mapigilan na g...