Chapter 1

11 2 2
                                    

Chapter 1: Fired

Alexa's POV

"Oh, bakit nakasimangot ka dyan?" tanong ni Sammie pagkatapos kong kunin ang bayad ng customer.

Andito kami ngayon sa Milktea Shop ng tita niya, nagpa-part time kaming dalawa.

Malapit na kasi kaming gumraduate. Grade 11 na kami next sy, kaya need ko talaga mag-part time.

"si Alexander naman kasi!" iritado kong aniya habang nagpre-prepare kami ng milktea

"Oh, anyare sa kapatid mo?"

"Tinataboy na kasi siya ng Pamilya nung jowa niya, tas ayaw pang lumayo! At ang mas nakakainis pa ay kaaway namin yung pamilya nung jowa niyang yon!"

hindi naman na nakasagot si Sammie at hindi na kami nakapag-kwentuhan pa dahil may dumating na Bagong customer

"Good Afternoon Sir, Welcome to—"

"Walang good sa afternoon." matabang niyang usal at kunot noong nakatingin sa menu

dO_________Ob

Aba, tarantado

Siniko siya nung isa niyang kasama at tinignan niya lang naman ito ng matalim

Nagpilit nalang ako ng ngiti. punyeta tong lalaking 'to ah!

Napansin ko rin na pinagtitinginan silang apat ng mga babae dito sa loob. anong meron?

Sinabi ko kay Sammie na siya nalang ang kumuha ng Order nila, dahil nababanas ako dito sa lalaking 'to.

Pagtapos nilang umorder ay nag-cr na muna ako at kila Sammie ko na muna pinagawa ang order nila.

Hay, mabuti nalang talaga at marunong akong magtimpi, kundi nasapak ko na 'to

nakakabanas yung lalaking yun kanina ah! h'wag niyang sabayin na badtrip ako ngayon!

Pagkatapos kong mag-cr ay bumalik na ako kila Sammie at Bigla naman siyang bumulong saakin

"Uy, ang gwapo naman ng mga yon!"

Umirap ako

"Maganda hanap ko,"

kukunin ko na sana ang order ng customer nang mapansin ko ang dalawa na naga-agawan sa tray ng milktea

"Hoy, anong ginagawa niyo dyan?" kunot noo kong tanong sakanila

"A-ah, hehe, ako na kasi ang magbibigay nito sa Costumer, ang kulit nito ni Marie!"

Parang mga tanga 'to, nagaagawan pa sa pagse-serve. baka matapon pa yan, jusko!

Nilagpasan ko nalang sila at kinuha ang isang tray na may lamang apat na Milktea.

Lumingon ako sa apat na lalaki na pinagtitinginan ng mga babae

wala pa yung order nila at nagkatinginan pa kami nung walang modong lalaki kanina.

Bumuntong hininga ako at sinulyapan ang iba kong kasamahan. may kanya kanya silang ginagawa at yung dalawa kanina ay nagaagawan parin. hay nako

"Wala pa ba yung order namin?" sigaw nung lalaki kanina at napalingon ako

"A-ah, hehe, malapit na po Sir!" usal ni Marie at na ngayon ay nagaagawan parin silang dalawa. Kaming tatlo lang ata ang nakarinig nun dahil kanya kanya ang ginagawa ng iba, pati na rin si Sammie.

I Hate My Crush (My Crush Series #03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon