Chapter 20

9 3 0
                                    

Chapter 20: Gaze

Alexa's POV

dO__________Ob

d>>_________<<b

Gulat siyang nakatingin saakin at ngayon ay nakatingin na sa pajama ko, kaya napatingin na rin ako don

Aish! Yung Spiderman na pajama pa ni Xander yung Suot kooo!!

kaya agad kong sinarado ang pinto sa kahihiyan

Kingina naman kasi, anong ginagawa nyan dito ang aga aga!

"Alexa—" tawag niya

"Ano bang ginagawa mo ditong bakla ka ha?!" sigaw ko kahit nasa likod lang naman siya ng pinto

"Yung Banana Milk—"

Kingina yun lang pala

"Yun lang tas ang aga aga mo dito?! Puro ka Banana, kaya mukha kang unggoy eh!" sigaw ko pa uli at tumakbo na papuntang Cr para maghilamos at palit ng damit

Wala pa kong toothbrush toothbrush, at baka may muta at panis na laway pa ko!! may bago na namang pangaasar sakin yung baklang yan, kingina talaga!!!

********

pagkatapos kong magbihis ay andoon pa rin si Lucas sa Pinto, at naabutan kong nakabusangot

"Ang tagal mo naman!" angal niya

"Teka nga, bat ba pumunta ka pa rito para lang sa Banana Milk na yan ha?!" sabi ko ng nakapamewang. nagiwas naman siya ng tingin

"Napadaan lang ako para kay Chelsea..k-kaya sinabay ko na yung Banana Milk."

bumuntong hininga ako

"Hintayin mo 'ko, tatawagin ko kapatid ko. Doon ka na muna sa Sala, baka may makita pa sayo dito—" di ko natapos ang sasabihin ko ng magsalubong ang tingin namin ng kapatid ko

"Oh, ayan na pala!" sabi ko at napatingin sakanya si Lucas

bigla namang nanlaki ang mata ng kapatid ko, na ipinagtakha ko

Nyare dito?

napatingin ako kay Lucas na seryoso lang nakatingin sakanya

"Kapatid mo siya?" tanong ni Lucas

"Oo," sagot ko at bumaling sa kapatid "At ikaw! kunin mo yung Banana Milk, siya yung bibili na sinasabi ko sayo.." bilin ko sakanya pero tulala pa rin siya kay Lucas

kumunot ang noo ko

"Hoy!" sigaw ko sa kapatid kaya napabaling siya saakin

"Bat ganyan ka makatingin sakanya? Bakla yan—"

"Alexa!" angal agad ni Lucas

"Tsk. dalian mo na nga, Alexander! para makaalis na 'tong baklang 'to dito!" tinignan pa muna niya ako saglit bago sumunod

Ano kayang nangyayari dito sa kapatid ko, hay. type pa ata si Lucas, grabe makatingin! aish!nandidiri ako!

***********

"Ate, Boyfriend mo ba yun?" tanong ni Xander nang sundan ko siya

dO__________Ob

"ANO?! SIRAULO KA BA?!" sigaw ko at natahimik naman siya

"Eh ano mo siya?" napabuntong hininga nalang ako

"Kaklase ko lang siya, okay! tsaka Ex yun ni Chelsea—" natigilan ako nang gulat siyang mapatingin saakin at nakaawang pa ang bibig

I Hate My Crush (My Crush Series #03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon