Chapter 18

7 3 0
                                    

Chapter 18: Misunderstood

Alexa's POV

"Hi, Lex!" bati sakin nila Reign pagkadating ko at nginitian ko lang sila

nakatingin naman ako kay Brix na naglalaro sa cp. maya maya lang ay napatingin na rin siya saakin

ngumisi siya at umiling iling

Tsk. lagot ka sakin mamaya

"Luh sya! bat ka nakatingin kay Brix?!" usal ni Keithleen na napaka-lakas kaya napatingin ang lahat

laking mata ko naman siyang tinignan at napatingin rin sa napawing ngiti ni Reign

d>>_________<<b

Aish! issue!

"Gago, wag kang ma-issue!" Sabi ko kay Keith at nginiwian niya lang ako. napatingin naman ako kay Reign, at nagpilit siya ng ngiti

sus, selos naman agad 'to

bat kasi di pa siya umamin kay Brix 'e.

"Ma-issue lang 'yan si Keith! wala akong Crush don," bulong ko sakanya

"Ha? O-okay lang naman kung magka-crush ka sakanya ah, m-magkaibigan lang naman kami.."

hay nako jusko

inang Brix kasi 'to, pin-friendzone si Reign.

ang sabi pa nga ni Reign ay may Gf si Brix nung nagsimula niya itong magustuhan. edi ouch diba

napaka-manhid naman kasi ng mokong na 'to

"Luh, Eksenadora!" pambabara ni Keith kay Reign at nginiwian siya nito

"Di ko Crush 'yon! ang panget panget kaya non, tas Siraulo pa!" sabi ko

"Ha? Panget ba si Brix?" si Yanna at napalingon kaming tatlo sakanya at sabay sabay na bumuntong hininga

"Panget naman talaga." sabi ko

"Grabe ka Lex!" natatawang usal ni Reign

"Asus! grabe makapanlait! kala mo naman gwapo yung Crush," si Keith

"Wala naman kasi akong Crush,"

pagkasabi ko non ay nahagip ng paningin ko si Lucas na nakatingin saakin

dO________Ob

tinitingin tingin nito?

kinunutan ko siya ng noo

nagiwas naman siya ng tingin matapos yun

baliw

********

Kinalabit ko si Brix na naglalaro

"Aish! Ano ba!" reklamo niya dahil naglalaro sila ng ML

Kinonyatan ko siya at muntik pang mahulog ang Cp niya, kaya napalingon na siya

Kunot noo niya akong hinarap na may halong inis

"sa likod ng building," usal ko

hindi ko na siya hinintay pang sumagot at nauna na

Hindi rin naman kami napansin ng mga kalaro niya dahil busy sila.

At Subukan niya lang talagang hindi sumunod at mababalian siya ng buto

********

Limang minuto na ang lumipas bago siya makarating, muntik ko pa nga masapak sa tagal niya 'e.

I Hate My Crush (My Crush Series #03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon