Chapter 13

8 3 0
                                    

Chapter 13: Movie

Alexa's POV

d>>______<<b

"ang tanga tanga mo kasi 'e!" sigaw ko kay Lucas nang umalis si Chelsea

"Bakit ako na naman?!"

"ikaw naman talaga! ang bobo mo, bat nasa tenga mo yung Cellphone!"

kumunot ang noo niya

"eh diba sabi mo tawagan kita?"

d>>________<<b

napahilamos ako ng mukha dahil sa inis

"Ewan ko sayo! sayang lang laway ko kakapaliwanag sa kabobohan mo!"

"Tsk. paano na ngayon yan? wala na si Chelsea,"

"aba ewan ko sayo, bahala ka sa buhay mo. ito na ang huli—"

"Hoy!" dinuro niya ko "Hindi ka pa bayad ah! hindi pa nga kami nakakapag-usap ni Chelsea, tas aayaw ka na agad?"

"eh napaka-tanga mo naman kasi! at nakakabadtrip na!"

"Pwede ba tigilan mo ang kakatawag sakin ng tanga, hindi ako tanga ha!"

"eh ano lang? bobo tarantado gago kulang kulang—"

"Ano ba 'yan! napaka-ingay niyo naman!" natigilan ako ng sinatahin ako ng Staff

nag tinginan naman kami ng masama ni Bakla

wag mo akong titignan ng ganyan, baka magka-black eye ka na naman ng wala sa oras

bumuntong hininga ako at inayos na ang gamit ko at tumayo

"Oh, san ka pupunta?" tanong ni Lucas at napatayo rin siya

tamad akong humarap sakanya

"Pake mo ba?"

"Sabihin mo nalang!"

"Tsk. manonood ng sine, sayang kaya 'tong ticket namin." sagot ko at natahimik naman siya

tumalikod na lang ako at hindi na siya hinintay pang magsalita

*********

bumili lang ako ng isang popcorn at tubig at tsaka na ako pumasok

hindi pa naman nagsi-simula ang movie, pero marami na ring tao

marami atang manonood ngayon dahil ngayon ang first show

umupo na ako at tangina naman may mag-jowa pa talaga sa harapan ko

"i miss you,"

"mas miss kita,"

nagha-harutan pa, kingina.

pero bakit parang pamilyar yung boses ng lalaki?

Aish, impossible. ano namang gagawin nun dito, wala naman yung pera at mas gusto pa nun maglaro ng Cod kasama mga Tropa niya kesa manood ng Sine.

nang pumatay na ang ilaw ay may umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko, kaya agad akong napalingon

dO_________Ob

"Kingina—"

gulat rin siyang napaharap saakin

"S-Shh, the movie's starting!" pigil niya saakin at tumutok na sa Screen

hanep, nanood din at sakin pa talaga tumabi

lakas ng amats amp

"Ano 'tong pakulo mo ha?" bulong ko sakanya.

I Hate My Crush (My Crush Series #03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon