Czarina's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang hinihintay sila Sab tiyaka Lei bigla kaming nawalan ng pasok dahil daw may important meeting daw mga teacher so susunduin nalang daw nila ako dito sa bahay dahil first time ko lang daw pupunta kila Margaux at hindi ko pa alam ang daan.
Buti nga pumayag si Mama na makasama ako para naman daw yun sa reportings kaya ok lang naman daw tiyaka natutuwa nga siya na may mga kaibigan na nga daw ako agad. Maya maya pa ay kumatok si Luis na pinsan ko sa kwarto ko.
"Czarina baba ka na nandyan na mga kaibigan mo "sabi niya pag bukas ko ng pinto
"ok sabihin mo pababa nako, teka bat ganyan mukha mo? Tila ka nalugi" tanong ko sa kanya
Kibit balikat lang sinagot niya sakin tiyaka naglakad pababa ng kwarto.
Problema nun? Kanina lang nag aasaran lang kami tas biglang nabadtrip ang Bipolar talaga nung unggoy na yun
"Sorry medyo natagalan ako sa pagbaba chineck ko pa kasi kung kumpleto na dala kong gamit"sabi ko kaagad sa kanila pagbaba ko
"No worries so let's go na ?" aya ni Sab sakin
"Sige tara na"
"Btw asan si Tita? magpapaalam lang sana kami ni Sab" tanong ni Lei
"ah pumasok na sa trabaho"
"Ok. sayang di kami nakapag paalam "
"Luis una na kami hatid nalang namin si Czarina after" pagpapaalam ni Sab
Tumango naman si Luis bilang sagot.
Ang suplado naman nito
"Hoy! Unggoy na suplado alis nako bye" sigaw ko kay Luis tiyaka dali dali nakong lumabas ng bahay
Habang nasa biyahe kami may nadaanan kaming bilihan ng pizza kaya napagdesisyunan nilang bumili para may meryenda daw kami habang gumagawa ng report.
"Czarina anong gusto mo?" tanong ni Lei
"Anything na gusto niyo tiyaka ako na magbabayad" sabi ko sa kanila
"Ako na ako naman nakaisip eh " Pagpupumilit ni Lei
"Ako na first time ko kayong ililibre kaya pagbigyan niyo nako HAHAHA" pag iinsist ko
At sa pagpupumilit ni Lei ako pa rin naman nanalo kaya ako na bumili ng pizza dalawang flavors na binili ko isang pepperoni and ham and cheese.
Pagdating namin kila Margaux ay agad kami nitong sinalubong ng yakap at agad na niyaya sa kwarto niya para makapag simula na rin sa gagawin naming report.
"Guys tara break muna"sabi ni Margaux
"wait kunin ko lang sa baba yung pizza"presinta ni Sabrina
"Samahan na kita Sab" sabi ko kay Sab at agad nakong sumunod
"Czarina dalin mo na 'to dun sa taas kukuha lang ako ng inumin" umakyat nako sa taas gaya ng sinabi ni Sab
"Oh Czarina nasaan na si Sab?"tanong ni Lei
"Kumuha lang ng inumin natin"
Habang nag mememeryenda kami nag kukwentuhan kaming apat.
"Czarina alam mo ba napapansin ko na hindi kana ganun kailang or nahihiya samin" sabi ni Margaux sakin habang nakangiti
"Oo nga pero that's good ha natutuwa ako na nasasanay ka na sa amin" sabi ni Lei
"Thank you kung ganon pero mahihiya pa ba ako? Eh kaibigan ko na kayo"
"aww!! Thank you Czarina" sabay yakap nila saking tatlo
"Bukas nalang natin ituloy paggawa ng report marami naman na tayong nasearch kaya na nating tapusin yan bukas. Mag movie marathon nalang tayo bonding narin natin with Czarina" suggestion ni Margaux
"Well that's not a bad idea" sabi ni Lei
"Im in, ikaw Czarina?" sabi rin ni Sab
"Syempre mag jojoin na ako nandito narin naman tayo eh "pag sang ayon ko sa gusto nila
Pumili sila ng Korean Movie pero may subtitle naman so maiitindihan mo parin naman mga sinasabi ng mga Actor/Actress.
Maganda yung movie kasi hindi lang sa relationship ng mga bida nag fofocus kundi pati na rin sa relationship nila sa mga barkada nila. Nakarelate rin ako pagdating dun sa part na nakilala niya mga kaibigan niya kasi parang ganun rin ako.
Natapos na nga yung pinapanood namin at nagyaya na silang umuwi dahil pagabi na. Si Margaux na daw maghahatid sakin kasi may bibilhin din naman siya sa may convenience store sa kanto namin at si Lei ay sinundo nalang ng Parents niya dahil may family dinner naman sila at si Sab naman ay dadaan pa daw sa bahay ng pinsan niya.
Nasa daan na kami ni Margaux nang mag chat sila Lei at Sab sa gc
LEI: Guys ingat sa pag uwi :)
SAB: See you tom.
Napangiti ako ng mabasa ko yun
"Czarina ang lapad ng ngiti natin ah HAHAHA" sabi ni Margaux sakin
"Ah wala nag enjoy lang ako tiyaka natuwa lang ako sa chat nila Sab"sagot ko ng nakangiti
"Czarina I just want to say thank you kasi you let us to be friends with you, akala ko mahihirapan ako or kami kasi tingin namin na ayaw mo maki halubilo sa iba pero mali pala kami HAHAHA"
"Ano ka ba! Wala yun ako nga dapat magpasalamat sa inyo kasi binago niyo yung tahimik kong buhay from being loner to friendly"
"Oh nandito na tayo, hindi na ako baba ah pakibati nalang ako kay Tita tiyaka sa pinsan mo and BTW ok lang ba kung dito natin ituloy paggawa ng report? May mga bisita sila Daddy eh "
"Ok lang sabihan ko nalang si Mama, Salamat sa paghatid ingat, See you tomorrow" at kumaway nako ng umandar na yung sasakyan
AUTHOR'S NOTE:
Always wear your face mask
Stay safe readers
ps. If you have some question about my story feel free to comment pero about lang dapat sa mga napost ko na na chapter thankie....
YOU ARE READING
Fangirl Dreams
FanfictionShe is a girl who always study her always routine was sleep, school, eat and study she really dont want to use social media, she known as a lonely girl before but one day she meet a friend who always use some social media and really loves to hangout...