Chapter 4

6 1 0
                                        

LUIS DEVLIN'S POV

4 na araw na ang lumipas simula nung makita ko si Margaux. Nakita ko na siya noon pero pinakilala lang kami sa isat isa ng barkada ko.

FLASHBACK:

"Pare kilala mo ba yung babae na kausap ng mama mo?" tanong ko sa barkada ko

"Ah oo pinsan ko yun si Margaux, Bakit type mo? halika ipapakilala kita"sagot niya sakin

"Hindi HAHAH bawal ba magtanong curious lang ako"

"Margaux sandal hintayin mo 'ko" narinig kong sigaw ng barkada kosa pinsan niya

"Bakit pinsan?" tanong ni Margaux sa barkada ko

"Ito nga pala si Luis Devlin barkada ko" narinig kong sabi ng barkada ko

"Margaux Lewis nice to meet you" bati niya sa akin sabay abot ng kamay

Pagkatapos nun agad na siyang umalis pero siyempre nagpaalam naman siya ang rude naman siguro kung aalis siya bigla after makipagkamay .

END OF FLASHBACK:

Pag uwi ko nung araw na nakilala ko si Margaux ay agad ko ng hinanap siya sa FB pati narin sa IG. Naglakas loob narin ako ano i-add friend siya tiyaka i-follow.

Pero aminin ko man o hindi sa sarili ko alam kong nagkakagusto nako sa kanya. Mabilis man siguro pero ayun yung naramdaman ko lalo na nung nagsimula na kaming mag usap dalawa.

Hindi ko pa nga masabi sa pinsan ko na may nagugustuhan na ako lalo na nung nalaman ko na kaibigan niya pala si Margaux. Hindi ko rin alam kung sasabihin ko ba lalo na't hindi ko naman alam kung ganun rin nararamdaman ni Margaux sakin.

Napatigil ako sa pakikipag usap sa sarili ko ng kumatok sa kwarto ko si Czarina.

"Luis tara dun tayo sa garden may binili akong ice cream tiyaka chips tiyaka masarpa hangin sa labas" aya sakin ni Czarina

"Sige, sunod ako"

Ano kaya nakain nun at nanlibre ng ice cream? Well minsan lang yun kaya hindi ko na dapat siya pag antayin.

"Czarina! Ano nakain mo at nanlibre ka at nagyaya kapa dito sa garden" sigaw ko sa kanya pagdating ko sa garden

"Ayaw mo ba? Akin nalang 'to lahat HAHAHA"

"May sinabi ba akong ayaw ko? Wala naman so akin nayan HAHAHA" pambabara ko rin sa kanya

"Kamusta? Hindi na tayo masyadong nagsasama ah"tanong sakin ni Czarina

"Ok naman, medyo busy lang kasi nag te-training for the Basketball tournament sa school, ikaw?"

"Ok lang din, masaya ako kasi nagkaroon ako ng mga kaibigan sa school because of Margaux"

"Ah eh kung ganon bakit tila may iniisip ka? May problema if meron just tell me i'm willing to listen" sabi ko sa kanya ng may malapad na ngiti sa mukha ko

"Sa palagay mo yung saya na nararamdaman ko ngayon sa kanila mag didire- diretso na? I mean yung till the end sila parin kaibigan ko"

"Alam mo insan, hindi natin masasabi kung ano yung mangyayari sa mga dadating pang mga araw. Maaring dumating parin yung point na malulungkot ka, magagalit, magtatampo ka na sila mismo ang dahilan pero mas lamang ang saya na mararamdaman mo na sila rin ang dahilan. Bakit ano ba bumagabag sayo? Wala ka bang tiwala sa kanila?"

"I trust them a lot insan, pero di parin mawala sa sarili ko na mag doubt about sa kanila because of my past"

"Sa totoo lang Czarina ok lang mag doubt ka pero huwag kang dadating sa point na dahil lang sa mga naiisip mong mangyayari eh masira kayo lalo na't nagsisimula palang kayo. Czarina nakikita ko sa mga mata mo yung tunay na sayang nararamdaman mo sa tuwing kasama mo sila. Hindi porket palpak yung past eh ganun din mangyayari sa present magtiwala ka lang sa kanila pati sa sarili mo."

Fangirl DreamsWhere stories live. Discover now