Czarina's POV
"good morning" bati ko kila mama at sa pinsan ko na si Luis
"good morning din insan" bati rin sakin ni Luis
"Oh gising kana pala Czarina, luto na yung umagahan kumain kana at para makapagbihis kana unang araw mo sa nilipatan mong school ngayon" sabi ni Mama sakin
Natapos nakong kumain at naligo nako habang nagbibihis ako ng uniform ko di ko mapigilang mag isip na paano ang magiging buhay ko sa school na nilipatan ko. Dahil 'di ako sanay na makipag interact sa ibang tao unless kinausap ako at importante ang sasabihin. Hindi ko kase feel na makipag usap at makipagkaibigan parang feel ko kasi na istorbo lang yun at yayain ka lang kung saan saan eh mas gusto ko mag stay sa bahay at mag aral lang. Boring man buhay ko pero wala dun ako nasanay eh sa tahimik na buhay kung saan sarili ko lang ang iniisip ko at wala ng iba bukod sa pamliya ko.
Nagpaalam na nga ako at pumasok na pero nakarating na ko sa school lahat lahat di ko parin matigilan na isipin kung paano ako makikisama sa iba. At kung minamalas ka nga naman naliligaw ata ako at hindi ko na alam kung saang lupalop ng school 'to, bakit ba di ko naisip magtanong sa guard sa gate haist.Wala nakong choice kailangan ko nang magtanong sa mga taong nakakasalubong ko at baka malate pako.
"ahm, hi po pwede po magtanong?"mahiya hiya kong tanong sa babae na nakasalubong ko
"ahmmm yes ano yun? Bago ka lang ba ditto?"Tanong niya rin sakin
"Opo, hinahanap ko kase yung room ko pero mukhang naligaw ata ako hindi ko kase natanong sa guard kanina" sagot ko
"Ahh mukha nga tiyaka ngayon lang kita nakita dito eh btw anong grade at section mo ba?"
"10-B po"sagot ko na agad para makapasok nako
"Oh ikaw pala yung sinasabing transferee ng adviser namin, classmate pala kita tamang tama sabay na tayo at malapit na rin time ng pasukan btw i'm Margaux and you?" pagpapakilala niya sakin
"C—Czarina " medyo pautal utal kong sagot dahil nahihiya ako
"Nice meeting you Czarina, so shall we go?"
"Sige"
Nakarating na kami sa room at biglang sumigaw si Margaux
"Guys! Ito yung transferee na sinasabi ni Ma'am satin, siya si Czarina" pagpapakilala niya sakin sa mga classmate namin
"Hi, Czarina Welcome sa section B" bati nila sakin
Nagulat ako kase binati nila ako at pinaupo ako sa bakanteng upuan kung saan katabi ko si Margaux at maya't maya pa ay may biglang lumapit kay Margaux na dalawang babae na mukhang kakapasok lang kaibigan niya ata 'to.
"Margaux nandito ka na pala" rinig kong sabi nung dalawang babae na bagong pasok lang
"ah oo kakarating ko lang rin, ay si Czarina pala siya yung transferee na sinasabi ni Ma'am Dela Paz, Czarina sila si Sabrina and Xyleigh mga kaibigan ko "pagpapakilala ni Margaux sakin sa mga kaibigan niya
"Hi Sabrina and Xyleigh nice to meet you"bati ko sa kanila
"Nice to meet you too Czarina Sab nalang tawag mo saken and Lei nalang kay Xyleigh" sabay pakikipagkamay sakin ni Sab and Lei
Hindi rin nagtagal ay dumating na ang adviser namin Homeroom daw ngayon kaya free time kami at agad rin ako napansin ni Ms. Dela Paz pero hindi na niya ako pinag introduce dahil alam naman na daw pala ng mga classmate namin name ko kaya nakahinga rin ako ng maluwag nung nalaman ko yun.
"Czarina sabay ka na saming tatlo mamaya mag lunch ok lang ba?"aya sakin ni Lei
"Oo nga sabay kana samin"gatong naman ni Sab sa sinabi ni Lei
Hindi pa ako nakakapagdesisyon ay bumulong na sakin si Margaux
"Wag kana mahiya kami na bagong kaibigan mo dito tiyaka mababait yan di lang halata"bulong sakin ni Margaux
"Sige sabay na ako salamat sa pag yaya"sagot ko sa kanila
"My pleasure, tiyaka ano kaba wala yun kaibigan ka na namin kaya wag kana mahiya na sumama sa amin you are always welcome Czarina diba girls?" tanong ni Sab kila Margaux
"Oo naman" sabay nilang pagsagot ni Margaux
Last subject na bago mag launch at napagdesisyunan ng teacher namin sa Science na magkaroon ng reportings pero by group naman ito at kada group ay 4 ang miyembro pero kami na daw bahala pumili kung sino gusto naming ka group.Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung kanino ako gu grupo dahil bago lang ako dito kahit na kilala ko naman na sila Margaux di ko parin masadya na sumama sa kanila dahil baka kumpleto na sila.
"Ito ang magkakagrupo Sabrina Ferell, Xyleigh Smith, Margaux Lewis and Czarina Devlin kayo ang group 1 dahil kayo ang unang nagpasa, mamaya pumunta kayo sa faculty room ng science para malaman niyo ang topic na irereport niyo by next week ganun rin ang mga ibang group"sabi sa amin ng teacher namin sa science
Natapos ng sabihin ni ma'am kung sino sino ang magkakagrupo at saktong nag bell na rin para sa hudyat na Lunch na
"Tara na guys Czarina Let's go mag usap usap narin tayo kung ano mga magiging toka ng bawat isa sa atin" yaya ni Margaux
Naglalunch na kami at nagsisimula na ring mag usap usap napag desisyunan naming lahat na si Margaux na ang mag silbing leader dahil nga madalas daw siya ang leader sa mga groupings at siya na magdedesisiyon ng mga toka na gagawin namin.
"Ako na bahala na mag sama sama ng mga gagawin niyo send niyo nalang sakin sa google or messenger basta lahat tayo mag sesearch about dun sa topic na ibibigay ni maam at aaralin na rin natin yung mga masesearch natin kasi for sure na may mga sipsip na magtatanong niyan after natin magreport HAHAHA just kidding, ayun nga about naman kung paano tayo gagawa at kung saan duon tayo sa bahay ng isa sa atin gagawa,kanya kanya tayo ng gawa pero sama sama para kung may need ng help madali lang natin matutulungan ang isat isa kung gusto niyo magdala ng laptop just bring it kung ayaw niyo at gusto ng cellphone nalang gamitin at magsulat nalang ok lang din ako naman na kase bahala gumawa ng powerpoint and if may suggestion na kayo sabihin niyo na para yung the rest na pagpaplanuhan nalang is pag alam na natin ang topic, At ikaw Lei alam kong magrereklamo ka kase ang haba ng sinabi ko HAHAHA para isang explanation nalang at plano nalang gagawin natin " sabi ni Margaux samin
"Hoy bakit di ko naman sinabi na may reklamo ako ah ang tahimik ko nakikinig dito HAHAHA ewan ko sayo" sabi ni Lei kay Margaux habang humahagalpak ng tawa
"so any suggestion?"tanong ni Margaux samin
"Sa bahay niyo nalang tayo Margaux pero tanungin muna natin si Czarina if pwede ba siya"suggestion ni Sab
"Ah ako? Sige papaalam ako kay Mama mamaya pag uwi pero kalian ba tayo mag sstart?"tanong ko
"Baka bukas ng uwian para di na tayo abutin ng weekends kung sakali gusto mo hatid kanamin mamaya? Sabay ipapaalam ka na rin namin sakin naman sasabay yung dalawang panget diyan eh HAHAHA sagot na nila gas ng kotse ko" sabi ni Margaux
"ahmmm sige ok lang ba?, nakakahiya eh kung hahatid niyo pa ako" sagot ko kay Margaux
"Oo naman ganyan na magiging routine natin every uwian is hahatid tayo nila Margaux tiyaka nung driver nila na si Kuya Kulas "sabi ni Sab
"Ok sige" pag payag ko sa gusto nila wala naman na ako magagawa nakakahiya naman kung tatanggi pa ako

YOU ARE READING
Fangirl Dreams
FanfictionShe is a girl who always study her always routine was sleep, school, eat and study she really dont want to use social media, she known as a lonely girl before but one day she meet a friend who always use some social media and really loves to hangout...