KABANATA 4- It's a Yes

202 16 0
                                    


Natatanaw ko na ang dikit-dikit na bahay sa 'di kalayuan sakay ng bike ko. Ang masalimuot na amoy ng kanal kung saan dumadaan ang maruming tubig galing sa lababo at banyo ng mga taga-rito ang masiglang sumalubong sa aking ilong. Nasigurado kong malapit na ako nang makita ang mga batang gala sa kalsada na walang mga saplot na pang-ibaba o kaya naman ay pantaas.

Humiling ako ng ilang araw para pag-isipan ang offer ni Sir Aurelius. Hindi biro ang pagpapa-kasal. Lalo't kung sa asungot na si Threy ka mapupunta. Kung maka-react siya parang may nakakahawang sakit naman ako. Kung ayaw niya, tingin niya ba ay gusto ko rin ito?

Hindi ko man aminin may kung ano sa aking nalulungkot sa tuwing nire-reject niya ako… pero malamang ang ego ko lang iyon.

Napapadyak ako sa preno nang marinig ko ang pangalan ko. Kahit hindi ko lingunin ay kilala ko kung kanino galing ang boses na iyon.

“Emilia! Kahapon pa kita inaabangan!” Napabuntong hininga ako ng malalim… ang palingkerang boses ni Aling Baby. Pekeng ngiti na lamang ang ginanti ko rito. Malamang ay sisingilin ako nito sa tatlong buwan kong utang sa renta. 

Naibayad ko kasi ang pera para sa renta rin sa puntod ni Mama, kung hindi ay malamang naka-sako na ang buto niya kahalo ang iba pang mga kalansay na wala ng nag-aasikaso. Kung hindi naging maganda ang naging buhay ni Mama nung buhay pa siya, kahit man lang sana maging komportable ang mga labi niya.

“Aling Baby….” Nahinto ako ng bigla nitong buksan ang hawak na pamaypay at ipaypay ito sa nagmamantika niyang mukha. Kagat-labi kong pinagmasdan ang nakalahad niyang palad at ibinalik iyon sa mukha niya papunta sa buhok niyang may suot pang pink na pangkulot.

“W-wala pa po akong maipamba-bayad---” Nagitla ako ng muli kong marinig ang pagpalatak niya.

“Aba'y hindi naman na pupwede 'yan Emilia gan'yan din ang sinabi mo nung nakaraan at nakaraang nakaraan pa paulit-ulit nalang kailangan ko rin naman ng pera---”

“Hep!” awat ko sa tuloy-tuloy nitong salita. Nagparamdam na naman ang pagpintig ng sintido ko, hindi pa nakatulong na kumakalam narin ang sikmura ko.

“Magbabayad din naman po ako, gipit lang ako sa ngayon.…” Nagpapaawa akong tumingin sa kanya pero umarko lang ang kaliwa nitong kilay at mas lalo pang binilisan ang pagpaypay.

“Limang araw. Limang araw na lang ang ibibigay kong palugit sa'yo. Pagsumapit na ang biyernes at wala ka paring naiaabot. Wala ka na dapat sa apartment,” mataray na sabi niya. Hindi na ako nito hinintay maka-sagot pa at tumalikod na agad.

Kung akala mo makapag-palugit ay solo ko lang ang apartment na iyon. Unang araw ko palang doon ay marami na akong nakitang roommate na mga daga, ipis at butiki. Akala ko nga nasa zoo ako no'n.

Sa tapat ng pinto ng apartment ko ay ang pabalik-balik na naglalakad na si Karyo. Hindi ito mapakali at panay ang tingin sa cellphone niya.

Hinugot ko ang cellphone ko sa beltbag at nadismaya nang makitang patay na ito.

Hindi pa ako nakala-lapit kay Karyo ay nakita na ako nito. Nanlalaki ang mga mata sa gulat na nilapitan niya ako. Pagkaraa'y hinawakan ako sa magkabilang balikat at sinipat ang buo kong katawan.

“Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Anong nangyari? Bakit ngayon kalang? Saan ka nagpunta---” Napasapo ako sa noo ko.

“Masakit ang ulo mo? May humampas ba d'yan---”

“Ayos lang ako. 'Wag kang mag-alala…,” sabi ko rito para kumalma ito sandali.

“Nagdeliver lang ako. Bakit?” Nag-dikit ang mga kilay nito tila ba hindi kumbinsido sa sinabi ko.

Loving the Monster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon