KABANATA 11- Always

162 14 3
                                    

“Where do you think is that from?” I gave Match Emilia's phone and looked around his room inside the agency. This is where he stays as far as I know, with his computers and inventions. I bet this person doesn’t even have a life in the outside world.

Kahapon ay naka-tanggap si Emilia ng mensahe mula sa unknown number at pinagbabantaan no'n ang buhay ko. Mas nag-aalala ‘ko para sa kapakanan ni Emilia higit sa lahat.

That woman. She's making me feel things, that are strange to me, and I hate myself for not even complaining.

“It is from a disposable phone. I can't get that much information aside from that, he's near your company when he sent this,” sabi ni Match pagkatapos kabitan ng kung ano-anong wire ang cellphone at magdudutdot sa computer niya.

I took the phone from him and tightened my grip on it. My blood's boiling at the thought of the Ardiente being near to Emilia.

I wanted revenge so badly, and I will do it whatever the cost might be, but that was before, that was when I haven’t yet met that woman.

Now, I am even more scared of her being in danger than not having my revenge done.

I too, like Match and the rest, don't have a life aside from this work. For me, revenge is my bloodline and what was keeping me alive. But now, I have another reason to live, that is to protect the only person dear to me.

“Do you feel threatened because of this?” I looked at him emotionlessly. He chuckled at the sight of it.

“Don't fucking tell me you're actually scared for that woman?!” Namamanghang sabi niya. “That's trouble man!”

Tinalikuran ko na siya at umuwi na sa bahay. Para pagka-gising ni Emilia kahit hindi ko man siya masabayan sa almusal ay masabayan ko siya sa pagpasok. Isa pa siguradong naroon na naman si Irene at baka kung ano pa ang sabihin niya kay Emilia. Kahit na sa tuwing nakikita ko silang dalawa ay maayos naman ang pakikitungo nila sa isa't-isa pero hindi mawala-wala ang tensyon sa pagitan nila.

Ilang araw nalang din naman. Ang pangako ni Irene ay babalik na siya ng Paris at titigilan na niya kami ng asawa ko.

“Wait Supremo!” tawag ni Match sa akin. Naiirita ko itong nilingon. “Wren, asked for help in his mission.” I sighed and walked back to him. I'll just tell Emilia to rest. Afterall, she needed that.

...
Nakaupo ako ngayon sa garden kasama si Mildred. Ang bilin ni Threy ay magpahinga muna ako at huwag munang pumasok. Kaya't ito'y nakikipag-chikahan ako kay Mildred. Kinuwento niya ang kung anong ginawa niya sa tsaa ni Irene kahapon.

Kaya naman pala panay ang sakit ng tiyan ni Irene ay nilagyan ni Mildred ng laxative ang tsaang ininom niya. Ang sabi niya ay hindi naman ikamamatay iyon ni Irene pero pinagsabihan ko parin siya na huwag ng uulitin iyon.

“Emilia, puwede ko bang itanong kung nasaan ang mga magulang mo? Hindi ko pa kasi sila nakitang dumalaw rito….”

Umiling ako sa kanya. “Wala na ang mama ko tapos yung papa ko naman may sarili ng pamilya.” 

Nakita ko ang paglungkot ng mukha niya kaya nginitian ko siya. “Sorry,” paghingi niya ng tawad.

“Ikaw ba?” Pag-iiba ko sa usapan.

“Tatlong taon ko na silang hindi nakikita. Ang alam nila nasa ibang bansa ako eh,” natatawang sabi ni Mildred. Kunot-noo ko itong nilingon.

“Na-scam kasi ako ng agency na inapplyan ko. Kinuha lang ang pera namin pagkatapos naglaho na. Wala akong mukhang ihaharap sa magulang ko. Akala nila maiaahon ko na sila sa hirap, magsasaka ang tatay ko pero sa panahon ngayon mas yumayaman ang mga kapitalista. Nahihiya ako kasi yung perang ginamit ko pinagbentahan iyon ng sinasakang lupa ni tatay….” Tinapik ko ang likod niya para ipahiwatig ang simpatya ko sa kanya pero lalo lang siyang napahaguhol dahil dito. Agad ko siyang niyakap at hindi ko na sinubukang pakalmahin pa siya. Hinayaan ko na lang siyang umiyak.

Loving the Monster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon