KABANATA 17- Voices in my mind

139 12 0
                                    


“Threy!” tawag ko sa lalaking nakatalikod. Hindi ko man nakikita ang kanyang mukha ay sigurado akong siya iyon. Ngunit hindi parin siya lumilingon.

“Threy!” tawag kong muli rito. Gusto ko itong habulin ngunit hindi ako makagalaw. Tila nakapako ang mga paa ko sa sahig. Naiyak ako dahil doon.

Pakiramdam ko ay parang binibiyak ang puso ko. Gusto kong makita ang mukha niya. Gusto ko siyang mayakap. Napahugot ako ng malalim na paghinga nang maramdaman ko na tila nauubos na ang hangin sa baga ko.

“Threy!” sigaw kong muli nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.

Naramdaman ko ang pag-init ng kaliwang pisngi ko, hindi dahil sa luha kundi dahil sa sakit na parang may sumampal dito. Nagising ako ng tuluyan ng muli akong sampalin sa parehong pisngi.

Nanlalabo man ang mga mata. Ay nakita kong nakaupo ako sa isang malamig na bakal na upuan at nakatali ang mga binti at kamay ko. Ang pantali ay tulad ng isang mahigpit na sinturon na nakadikit na sa aking inuupuan. Napangiwi ako, hindi lang ang sakit ng pisngi ko, kundi nang sumagi sa isip ko ang sinapit ni Mildred.

Nanghihina parin ako at ng bahagyang luminaw ang aking paningin ay nakita ko ang isang madilim na silid, may isang taong papaalis na ng silid na ito. Ang tanging liwanag ay nanggagaling mula sa isang ilaw sa kisame. Bahagya man akong nahihilo ay pinilit kong magpumiglas. Naubusan nalang ako ng lakas ay hindi parin ito natatanggal.

“PAKAWALAN NIYO AKOO!” Halos magasgas ang lalamunan ko sa pagsigaw.

“Parang awa niyo na pakawalan niyo na ako!” Humahagulgol na sabi ko. Nalalasahan ko na ang pinaghalong uhog at luha. Namamaos na rin ang boses ko kakasigaw ngunit tila walang nakakarinig sa akin.

Makaraan ang ilang minuto ay bumukas ang isang pintuan. Pumasok mula rito ang dalawang nakasuot ng laboratory gown, ang isa ay may tulak-tulak na stainless steel na medical table. Hindi ko makita ang mga nakalagay roon dahil madilim. Lumapit ang isa sa akin. Kinuha niya mula sa dala nilang table ang isang injection. Tinusok niya ito sa isang maliit na botelya at dumaloy papasok rito ang isang asul na likido. Nilukob ng takot ang buong pagkatao ko.

“A-nong gagawin niyo sa akin?!” nahihintakutang sigaw ko habang patuloy na nagpupumiglas sa kinauupuan ko.

“Parang awa niyo na itigil niyo 'to!” Umiiyak na sabi ko. Ngunit parang wala lang silang naririnig. Itinaas pa nito ang hawak na injection at pinitik-pitik iyon.

“Pakiusap…,” pagmamakaawa ko na mas mahina na ngayon habang patuloy na nagpupumiglas. Nang papalapit na ang injection ay lalo kong nais na makatakas mula sa kinalalagyan.

“Wag niyong i-ituloy… Please….” Nanginginig na ang buong katawan ko di ko na alintana ang sakit sa katawan na dulot ng pagpupumiglas at mas lalo pa akong nagpumilit na makaalis.

Hinawakan ako ng isa para mabawasan kahit paano ang paggalaw ko. Napangiwi ako sa kirot ng may maramdamang maliit na bagay na tumusok sa kamay ko, ang injection. Unti-unting naubos ang laman niyon.
Bumukas muli ang pinto, lumabas dito ang balingkinitan at mataas na pigura ng isang lalaki. Huminto ito sa harapan ko.

Mahaba ang buhok nito at may mga puting buhok narin. Kahit may katandaan ay maganda ang tindig nito. May awtoridad sa kanyang pagtayo at ang mga tingin ay tila babalatan ka ng buhay. Malinis ang kanyang mukha at walang balbas. Matangkad ito at naka suot ng brown na suit. Ngumiti ito sa akin.

“Kinagagalak kitang makita, My Lady….” Nakangisi itong yumuko.

“S-sino ka?! Anong k-kailangan mo sa akin?!” sigaw ko rito. Nagliliyab ang mga mata sa galit na tiningnan ko siya.

Loving the Monster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon