Prologue
Isang babae ang masayang naninirahan sa sariling mundo. Mahal siya ng kuya niya at nang kanyang mga magulang. Mayaman, maganda ngunit basag ulo. Ayaw sa lalaki at self proclaimed handsome kahit na hindi naman. Matalino at mabait pero masama sa masama sa kanya. Suki ng guidance nila dahil bentang benta sa pakikipagbuno sa mga kaklase niya. Leader siya ng banda pero sekretong gang pala. Siya si Akkie Reniel Reyes, ngunit anong mangyayari kung bigla na lamang siya mapunta sa isang mundo na hindi niya kilala at worst ay ma r-reincarnate sa katawan ng isang weak, bitchesa, desperada at walang alam na prinsesa? Makakaya niya kaya ang mga haharapin niya? Oh, susuko rin siya at tatanggapin ang kapalaran niya?
Isang babae ang tinaguriang desperada, mahina, walang alam at higit sa lahat ay malandi ayon sa sabi ng iba ang namatay dahil sa pagkahulog sa bangin. Siya si Prinsesa Akkira Monthero, ngunit paanong ang inaakala niyang mapa payapa na siya at makakaderitso ng langit ay mapupunta siya sa isang lugar na wala siyang kaalam-alam at bukod rito ay may misyon siya na kailangang gampanan? Makakaya niya kaya ito kung siya ay tinaguriang mahina sa dating mundo?
Dalawang magkaibang babae ngunit parehas na tila pinaglaruan ng tadhana. Malaman kaya nila ang katotohanan sa likod ng kanilang pagkaka REINCARNATED?
YOU ARE READING
REINCARNATED
Teen FictionReincarnated #1 It all started when the basag ulo Akkie reincarnated as the mahinang Akkira.