Kabanata 1

3.2K 132 23
                                    

Warning: this chapter contains blood, death and inappropriate words that may triggered some readers. If you are uncomfortable please skip this chapter. Readers discretion is advised.

Kabanata 1

Death

"Akkie! Nakipag away ka na naman!"

Iyan ang maririnig sa bahay ng Reyes Family. Malakas na boses ng kuya ni Akkie. Kitang kita ang disappointment sa mata nito na malaman nakipag away na naman ang bunsong kapatid na babae.

Ngunit ang babaeng pinapagalitan ay pwerte lamang na nakaupo sa sofa habang nanonood ng palabas sa telebisyon. Nag papapak ng popcorn na nasa loob ng clear na glassbowl, cheese flavor.

Lumapit si Akkio sa kapatid na babae at dinampot ang remote ng tv sabay tayo sa harapan nito. Napasimangot naman na tumingala ito sa kanyang kuya ngunit ng mapansin na bad mood ito ay agad na nag peace sign ang babaita.

"Hehe, kuya bakit?" tanong ni Akkie sa kuya niyang galit na galit na nakatingin sakanya.

"Anong bakit? Alam mo bang pinatawag ako ng principal mo sa school niyo dahil nakipag away ka na naman ulit! ULIT?!"

Napakamot naman sa ulo niya si Akkie dahil sa sigaw ng kuya niya. Mukhang alam niya na this time ay galit na galit talaga ang kuya niya kaya sumeryoso siya.

"Akkie, ilang beses ko bang sasabihin saiyo na 'wag na 'wag na akong makakarinig na nakikipag away ka! Pa salamat nalang talaga tayo at may utang na loob ang principal ng school niyo sa atin kaya hindi ka mapatalsik-talsik sa school na iyon!"

"Kuya, hindi ko naman kasalanan eh." Sabi ni Akkie.

"Kahit pa! Ikaw ang tinuturo nila," nanggagalaiti na ani ni Akkio. Salubong na salubong ang makapal na kilay nito at kunot ang noo habang masama ang tingin sa kapatid na dahilan ng stress niya.

Napabuntohininga na lamang si Akkie at saka tumayo at niyakap ang kapatid.

"Alright, sorry na kuya. I swear sila ang nauna." Ani ni Akkie, "please 'wag kana magalit, hmm? Dali na kuya kong gwapo," panlalambing pa nito.

Napailing na lamang si Akkio. Alam niya naman na wala siyang laban pag nanlambing na ang kapatid. Instead pinitik niya ito ng mahina sa noo. Napa igik naman si Akkie sa ginawa ng kapatid saka sumimangot. Napatawa bahagya si Akkio sa itsura ng kapatid.

"Oh, siya oo na. Basta Akkie ito ang tandaan mo sa oras na makarinig ako ulit ng reklamo tungkol sayo ay talagang ipapatapon kita sa Canada, naiintindihan mo?" ang babala ng kapatid kay Akkie.

"Yes kuya!" saludo pa ni Akkie. Syempre ayaw niya na mapadala sa Canada. Mas gusto niya rito sa pilipinas kahit mga tarantado ang mga kaklase niya, mas gusto niya rito dahil nandito ang mga kaibigan at ka close niya. At saka titigil rin talaga siya sa pakikipag away, pwera nalang kung may mambwiset ulit sakanya. Dadalhin niya nalang sa labas para hindi makarating sa kuya niya.

Napailing ulit si Akkio, "oh siya aalis na ako. I still have work to do. Magkita nalang tayo mamaya at dinner, ha." Paalam ni Akkio. Tumango naman si Akkie dahil alam naman niya kung gaano ka busy ang kanyang kuya. Ito kase ang nag mamanage ng kumpanya nila matapos nito grumaduate, ang kanyang ama't in kase ay nasa abroad at nag babakasyon at nais na i-enjoy ang pagtravel around the world.

'Akala mo mga teenager eh.'

"See you later, sis! I love you!" pahabol ng kuya niya ng makalabas ito ng mansyon nila. Sumakay ito sa kotse at pinaharurot ito papunta sa kompanya nila.

Nang makaalis ang kuya ay bigla namang nakatanggap si Akkie ng text sa nagngangalang Shina,

Shina:
Lead, may gig daw. Dito sa 2nd district.

Nang mabasa iyun ay agad na nag bihis si Akkie at lumabas ng kanilang bahay. Ni lock niya rin ito at agaran na umalis. Wala silang katulong dahil ang tugon ng magulang nila ay nais nila na matuto na tumayo sa mga sariling paa ang anak. Gusto nila na maging independent sila. Kaya nga parehas sila na magaling na magluto ng kuya Akkio niya. They take culinary lesson because of their parents. Even musical lesson, ganoon sila kamahal ng parents nila. Gusto maging talented sila.

Nakadating si Akkie sa 2nd district. Nag motor siya papunta roon. Ang kaso ay kailangan niya pang tumawid para makapunta sa bar na pagp-perporman nila dahil walang parking space roon at nasa kabila pa.

Kaya't nag aabang siya na tumawid, nang mapansin niya na wala ng kotse ay agad siyang naglakad. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nag ring ang cellphone niya, na agad niya naman na kinuha para sagutin. Nang sasagutin niya na sana ito ay isang malakas na busina ang nagpalingon sakanya.

Nagraragasanag truck ang nasa kanyang harapan. Hindi makagalaw ng tuluyan si Akkie at tila na tulos sa kinatatayuan. Namalayan niya nalang ang malakas na impact na tumama sa kanyang katawan.

Nanlambot ang kanyang katawan, nanlalabo ang kanyang mata at hindi siya makagalaw. Ramdam niya na madami ang mga tao na nakapaligid sakanya. Rinig niya ang mga boses nito pati ng kanyang mga kabanda.

"Tumawag kayo ng ambulansiya!"

"Leader, 'wag ka pipikit! Paparating na ang tulong!"

"Nako, kawawa naman!"

"Ambulansiya, ano ba!"

Sa nanghihina na katawan ay napaisip si Akkie.

'Ito na siguro ang katapusan ko. Sorry kuya.'

At nandilim na ang lahat.

👑👑👑

Sa kabilang banda, sa mundo ng mahika may isang babae ang naglalakad habang suot ang isang magarbo at nagniningning na kasuotan. Nangangapal rin kanyang mukha sa kolorete na suot. Ngunit mababakas ang galak sakanyang mukha.

'Sa wakas ay makikipagkita na saakin si Prinsipe Laurel,' sambit ng dalaga sakanyang isipan. Ngiting ngiti habang naglalakad sa gubat papunta sa lugar na pakikipagkitaan niya sa Prinsipe na iniibig. Bitbit niya ang liham na nakita niya sa kanyang kwarto na natitiyak niya na galing sa Prinsepe dahil na 'rin sa nakalagay ang ngalan nito roon.

Ngunit ng makarating ay napansin niya na dulo na pala ito ng gubat. Isang bangin, na muntikan na siya mahulog. Napalingon si Prinsesa Akkira sa kanyang likuran ng may marinig na tawanan. Doon ay nakita niya si Darasha at ang dalawa pang kasama nito na sina Kanna at Marina. Tila hinihintay ang pag dating niya. Isang patibong na likha nila.

"Grabe, ganyan ka ba talaga ka hibang Akkira? Naloko ka ng isang liham?" ang natatawang sambit ni Darasha sakanya.

Napaatras siya ng lumapit ito sakanya. Sina Kanna at Marina naman ay masama ang tingin sakanya habang nasa likuran ito ni Darasha.

"Ano ang ibig mong sabihin, Darasha?" nalilitong tanong niya rito. Ngunit ang babae ay tumawa lamang.

"Hindi ka ba nagtataka? Kung bakit dito mismo sa gubat makikipag kita si Laurel. Ay hindi nga pala si Laurel, ako pala. Hindi mo man lang napansin? Napakahibang mo naman, Akkira."

Lumapit pa ng tuluyan si Darasha at dinuro sa noo si Akkira, umatras naman ang dalaga ngunit muntik na siya mahulog kaya't napahinto siya. Kitang kita niya kung gaano kalalim ang bangin.

Napalingon ulit si Akkira kay Darasha ng magsalita ito.

"Ito ang tatandaan mo Akkira, ako ang mahal ni Laurel at ako lang. Hindi ang katulad mo na mahina, malandi at walang mahika!" sigaw ni Darasha at tinulak siya bangin.

Napasigaw si Akkira sa gulat, ngunit sa bilis ng pangyayari ay ang huli niya lamang na natandaan ay ang nakangisi na mukha ni Darasha habang nahuhulog siya.

TING!

Note: kung mapapasin niyo ay nag iba ang pagkamatay ni Akkira iyun ay dahil gusto ko ma match siya sa concept na naiisip ko.

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now