Kabanata 3
Memories
Mga iyakan ang bumungad kay Akkio ng makarating siya sa hospital na kinalalagkagan ng kapatid matapos na makaabot sakanya ang balita tungol sa nangyari rito. Kahit na may meeting siya mula sa mga importanteng kleyente ay agad siyang umalis roon at nag tungo sa hospital.
Hindi na halos matandaan ni Akkio kung paano siya nakarating sa hospital. At ng mapunta sa kwarto ng kapatid na kinalalagayan ay tila nanghina ang kanyang katawan at napaluhod siya.
Kita niya kase ang nakaka awa na sinapit ng kapatid. Marami ang nakadikit na aparato sa katawan nito. May benda sa ulo. Napaluha sa Akkio sa nakita.
"Kuya,"
Lumingon si Akkio sa tumawag sakanya at doon ay nakita niya ang kabanda ng kanyang kapatid. Bakas ang luha sa mga mukha nila.
Lumapit sakanya ang isang babae na basang basa ng luha ang mata.
"Sorry po! Kung hindi ko siguro sinabi na may gig kami ay hindi ito mangyayari kay Akkie," iyak na sabi nito. Nilapitan rin ito ng isa pa babae at inalo ito. Namamaga ang mata at mukhang kakaiyak lang rin.
Si Akkio naman ay mas napaiyak ngunit hindi siya nagalit sa babae dahil alam niya na wala itong kasalanan sa nangyari. Kinuha naman ni Akkio ang telepeno tinawagan ang lawyer nila para magsampa ng kaso sa nakabangga sa kapatid niya.
👑👑👑
Sa kabilang banda naman sa mundo na pinag reincarnatan ni Akkie ay alalang-alala sakanya ang hari at reyna na nag sasabing magulang raw niya. Panay ang tanong ng mga ito sa doktor na nag aasikaso sakanya kung mababalik ba ang kanyang mga alaala.
Dahil sa sumasakit na 'rin ang ulo ni Akkie sa patuloy na. pag iingay nila ay naisipan niyang magtanong sakanila. Gusto niya malaman kung paanong namatay ang totoong may ari ng katawan na kanyang kinalalagkan. At papaanong siya ang pumalit sa tao na 'yun.
"Ano po ang nangyari saakin, Ama at Ina?" tanong niya sa mga ito. Tinawag niya sa Ama at Ina ang dalawa dahil na 'rin sa napansin niya na very malalim ang tagalog na ginagamit ng mga ito.
Natigil ang pagtatanong ng hari at reyna sa doktor at binalingan siya. Doon ay malungkot na tumitig sakanya ang reyna habang ang hari ay umiwas ng tingin habang kuyom ang kamao nito.
'Bakit kaya ganito ang reaksiyon nila?'
Lumapit sakanya ang reyna at umupo sa higaan. Hinawakan nito ang kamay niya saka malungkot siya nito na tiningnan.
"Anak, ang rason kung bakit nasa ganito kana na posisyon ay dahil ikaw ay nagpatiwakal dahil na 'rin sa labis na paninibugho mo kay prinsesa darasha dahil siya ay nobya ng sinisinta mong si laurel." Sagot nito sakanya na labis na nagpagulat sakanya.
'Grabe naman ang babae na 'to nagpakamatay lang dahil sa lalaki. Swerte ng lalaki ha, pinag aagawan. Ako kaya kelan pag aagawan ng mga chicks?' sa isip isip ni Akkie.
"Kung hindi dahil kay prinsesa darasha ay hindi naman malalaman na nagpatiwakal ka. Nahanap ka raw ng mga ito ng minsan silang magpunta sa gubat. Nakita ka daw nilang tumalon sa bangin." Dugtong pa nito. Sa sinabing iyun ng reyna ay may kung anong kutob na naramdaman si Akkie.
Tila ba ay may pinapahiwatig ang katawan niya o rather ng dating may ari ng katawan sakanya.
Napahawak rin sa ulo bigla si Akkie ng kumirot dahilan para mataranta ang reyna at hari. Ang doktor naman ay pinayuhan ang dalawa na iwan muna siya upang makapagpahinga dahil kakagising niya lang mula sa isang trahedya.
Nang makaalis ang mga ito ay sinubukan na tumayo ni Akkie. Nang mapansin niya na okay naman na at nakakatayo siya dumiretso siya sa isang pinto na sa tingin niya ay iyun ang bathroom ng kwarto.
Nang makapasok ay namangha siya. Malawak ang loob nito. May bathtub at salamin sa loob. Kumikintab ang mga mwebles na tila ba gawa ito sa mga mamahaling bato. Agad na lumapit si Akkie sa isang salamin upang tingnan ang kanyang repleksyon. Doon at nakita niya ang mukha ng may ari ng katawan.
Kutis porselana ito. Mapula ang labi nito na hugis puso, matangos ang maliit na ilong, natural na namumula ang mga pisngi, may dimple sa magkabilang pisnge na sa tuwing nagsasalita ay lumilitaw ito, ang kulay ng mata ay pinaghalong berde at ginto. Perpekto rin ang hugis ng kilay, sa mukha ay hugis puso. Samantalang ang buhok naman ay kulay kayumanggi.
Manghang mangha si Akkie sa nakita.
"Grabe naman ang ganda nito. Kung nasa mundo lang namin 'to baka sikat na 'to at baka ako pa ang pomorma sakanya. Ang ganda niya," ani ni Akkie, "ay ako na pala."
Napahawak si baba niya si Akkie at saka nagsalita, "bakit kaya nagpakamatay ang may ari ng katawan na ito? Dahil lang sa isang lalaki? Hays, samantalang mahal na mahal siya ng magulang ay sa sayangin niya lang buhay niya sa mukha namang walang kwenta na lalaki. At saka baka nga mas pogi naman ako roon."
Tumango tango pang ani ni Akkie. Sinasang ayonan ang sariling kalokohan na sinabi. Nang bigla na lamang kumirot ang kanyang ulo. Doon ay isa isang nagsi pasokan ang memorya ng dating may ari ng katawan. Pinakita nito ang totoong nangyari sa likod ng pagmatay nito.
Matapos ipakita o maalala ni Akkie ang memorya na 'yun ay madilim ang mukha na napatingin siya sa sariling repleksiyon.
"'Yun pala, 'yun pala ang dahilan. Kaya pala kakaiba ang naramdaman ko ng sabihin ng reyna na ang nakatagpo sa katawan na 'to ay 'yung darasha. Kaya pala dahil ito ang pumatay sa may ari ng katawan na 'to. Hah! Mukhang kaya ako narito ay para ipaghiganti ang taong may ari nito. Ang ipaghiganti si prinsesa Akkira." sambit ni Akkie. Matapos non ay binago niya agad ang reaksyon ng mukha at lumabas ng silid palikuran.
Ngunit ng paglabas niya ay nagulat siya ng tumambad sakanya ang dalawang lalaki na magkamukhang magkamukha ngunit magkaiba ang kulay ng mga buhok. Ang isa ay berde samantalang ang isa ay bughaw.
Nag salita ang isa sakanila.
"Gising na pala ang desperada." Galit na sambit ng bughaw ang buhok.
Kumunot ang noo ni Akkie.
'Sino na naman ang mga 'to?'
Desh: hi, good evening readers. As I promise I update everyday na or every night. Here's an update. Btw, any thoughts regarding sa new edited ver? Comment your thoughts po! Thank you, don't forget to vote rin!
YOU ARE READING
REINCARNATED
Teen FictionReincarnated #1 It all started when the basag ulo Akkie reincarnated as the mahinang Akkira.