Kabanata 4

2K 115 16
                                    

Kabanata 4

Two trolls

"Gising na pala ang despereda."

Isang malalim at matigas na boses ang bumungad kay Akkie paglabas niya. Doon ay nakita niya ang dalawang lalaki. Ang isa ay nakaupo sa sofa habang ang isa ay nakasandal sa dingding malapit sa kama.

Ang nagsalita kanina ay blue ang buhok na lalaki, siya 'yong nakaupo sa sofa ng kwarto ni Akkie. Habang green naman ang buhok ng nakasandal sa dingding.

Kumunot ang noo ng dalaga sa nasaksihan at narinig.

'Sino ba ang mga mukhang trolls na 'to?'

Sa isip ni Akkie. Medyo napangiwi siya dahil na 'rin sa hindi mapagkakailang ang naiisip niya sa dalawang binatang nabungaran ay trolls dahil sa mga kukay ng buhok nito.

"Sino kayo?" agad na tanong ni Akkie.

Kumunot ang noo ng dalawang binata sa tinuran niya. Ngunit agad rin siyang sinamaan ng tingin na kinabigla ni Akkie.

'Siraulo ba sila? Pabago-bago ng emosyon. Mga bipolar!'

Lumapit si Akkie sa dalawa at nagsalita ang dalawang binata, "Tigilan mo ang pagpapanggap na walang maalala. Ito ba ang paraan mo para makakuha ng atensyon? Ha? Akkira?" salita ng green ang buhok na binata. Matalim ang boses nito at tila galit na galit.

Si Akkie naman ay takang taka sa asal ng dalawa. Ni hindi niya nga ito kilala pero kung umasta ay tila may ginawa siyang malaking kasalanan sa dalawa.

'Akkira? 'Yun ba ang pangalan ng may-ari ng katawan na 'to?'

"Anong sinasabi niyo na nagpapanggap ako? At teka sino ba kayo? Ang kakapal ng pagmumukha niyong magalit saakin eh inaano ko ba kayo. Mga mukhang trolls na 'to!" galit na pabalik na saan ni Akkie. Sunod sunod ang kanyang lintanya dahil na rin sa labis na inis sa dalawang binatang bigla na lamang sumulpot sa kanyang harapan.

Kumunot naman ang noo ng dalawang binata sa sinabi ni Akkie. Magsasalita pa sana ang isa sakanila ng bumukas ang pinto at pumasok ang hari at reyna.

Agad na nilapitan siya ng reyna at tiningnan ang dalawang lalaki na nasa harapan. Ngumiti ang mga ito saka bumaling kay Akkie.

"Andito na pala ang iyong mga kapatid, Akkira. Mukhang binisita kana nila."

Napakunot ang noo Akkira sa tinuran ng Reyna. Saka niya tiningnan ang dalawang mukhang trolls na nasa kanyang harapan.

"Kapatid!?" gulat niyang ani.

'Kapatid ko? Ang mga mukhang trolls na iyan? No way in a high way I would accept that.' Sa isipan ni Akkie.

"Oo anak. Sila ang mga kuya mo. Kambal sila. Iyang bughaw ang buhok ay si Akkiro at ang berde naman ang buhok ay si Kirro. Sila ang mga kuya mo." Ngiti pa ng Reyna habang pinapakilala ang dalawa kay Akkira. Iyung dalawang kambal naman na sina Akkiro at Kirro ay nakangiwi na tila ayaw na ipakilala sila sakanya.

'Mga siraulo, akala mo naman gusto ko sila makilala eh. Neknek nila, ayaw ko sa mga maattitude na trolls.'

"Tsk, bakit mo kami pinapakilala sakanya, Ina? Mukha naman na nagpapanggap lamang iyan para kumuha ng atensiyo." Ang galit na ani ni Akkiro. Salubong na salubong ang kilay nito sa galit.

'Mag buhol sana kilay mo!' sigaw sa isipan ni Akkie.

"Tama si Akkiro, Ina. Maaaring nagpapanggap lamang siya. Huwag niyo siya paniwalaan." Saad naman ni Kirro.

Gulat ang Reyna sa tinuran ng dalawang anak na lalaki. Sa kung bakit tila pinagpipilitan nila na nagpapanggap lamang si Akkira (Akkie) na nawawalan ng alaala.

Magsasalita na sana ito upang ipagtanggol ang anak na dalaga ng maunahan ang Reyna ni Akkira.

"Bakit nga ako magpapanggap na walang memory? And the hell are you saying!? Nag papapansin ako saiyo? Sainyo? Sino ba kayo? Artista ba kayo? Influencial people? Ang angas naman pala ng karakas niyo! Wala akong pake sainyo dalawa! Mga mukhang trolls!" sigaw ni Akkie sa galit na galit na boses. Ang mga tao naman na nakapaligid sakanya at natameme sa tinuran niya.

Iisa lang ang naiisip nila at 'yun ay, 'anong lengwaheng sinasaad niya? Ang prinsesa Akkira ba talaga 'to?'

Note: sorry for the lateeeee update. Busy kase po since nagpapractice for graduation rites, song and recital huhu TT, sorry mga babies ko!! Don't worry matapos lang mga 'to I would really be active here.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now