CHAPTER 3

117 11 14
                                    

Chapter 3

Nagising ako matapos maalipungatan. Umaga na pala. Halos nakatulugan ko na ang pag-iyak kagabi. Pagkatapos kasing sabihin 'yon ni Jace ay naglog-out na s'ya.

Napabuntong hininga ako ng makita ang sarili sa salamin. Shocks mukha akong zombie dahil sa pamamaga ng mata ko.

Agad na akong kumilos para maligo at mag-ayos. Honestly, hindi ko alam kung hanggang ngayon galit si Mom.

Nang matapos ko nang gawin ang mga gagawin ko ay bumaba na ako dala ang bag upang mag-agahan.

"Can we talk?" bungad saakin ni Mom ng makita ako sa hapag.

"Opo." sagot ko.

Tumayo s'ya at naglakad kaya sumunod ako. Narating namin ang hardin ng aming bahay bago s'ya pumihit paharap sa'kin.

"Bakit ginawa mo 'yon? Jai hindi kita gan'yan pinalaki 'diba?" tila nakikiusap na aniya.

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin hindi ko s'ya kayang tignan na para bang nagmamakaawa.

"Mom hindi ko naman ginawa 'yun eh. Ginawang basahan ni Sam ang kahuli-hulihang damit na binigay ni Dad. She even say na sakan'ya na ang kwarto ko kaya tumakbo ako tapos no'ng naabutan n'ya ako sinabunutan n'ya ako kaya naitulak ko s'ya. Mom—" hindi ko natapos ang sasabihin ng bumuntong hininga s'ya.

"Jai please, show some respect. Kung ano man 'yung nagawa ni Sam intindihin mo nalang. Ayokong masira kami ni Tito Samuel mo dahil sa hindi n'yo pagkakaintindihan ni Sam." sabi ni Mom.

Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. Kahit pa nga ang sama ng loob ko. Wala eh ayokong mahirapan si Mom.

"Okay, Sorry Mom." sabi ko.

She smiled at me and hug me.

"Mm, eat now may pasok ka pa. Love you." sabi n'ya at kinurot ang pisngi ko.

Ngumiti na ako ng malapad at magka-akbay kaming bumalik sa hapagkainan.

Pansin ko man ang masamang tingin ni Sam saakin habang kumakain ay hindi ko na pinansin. I don't have a choice.

Mabilis kong tinapos ang pagkain at nagpaalaam na kay Mommy.

"Tara na po Kuya." sabi ko sa driver ng makita s'ya.

Tumango si Kuya bago pumasok sa kotse ng makapasok ako.

Mabilis ang naging biyahe lalo na at lutang ako. Andami-dami ko na namang iniisip.

Nang makarating kami sa UOB University of Bonifacio. Ay mabilis akong bumaba ng kotse, walang paa-paalam.

Hanggang sa nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad sa hallway mag-isa. Nagulat ako ng may biglang umakbay saakin akma ko na itong sisikuhin ng marinig ko ang pamilyar nitong boses.

"Yo Jai, lalim ng iniisip ah." sabi ni Jino.

"Gano'n talaga pag maganda." biro ko.

Narinig ko ang malakas n'yang pagtawa pumalo-palo pa sa kan'yang hita kaya napahinto ako sa paglakad.

"Oh bakit? Totoo naman ah?" sabi ko at pilit pinatataray ang aking itsura.

"Saang banda 'yung ganda mo?" pang aasar n'ya.

"Duh nasa dugo namin ang pagiging maganda kaya wag ka." ani ko at inungusan s'ya.

Muli s'yang tumawa bago sumagot.

"Bakit gano'n? Nasa dugo mo lang hindi umabot hanggang mukha." aniya at nagtatakbo na.

"Mamaya ka sa'kin!" sigaw ko.

It All Started in RPW (Published Under LLP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon