CHAPTER 22

60 4 0
                                    

CHAPTER 22

MATAPOS kong gawin ang mga palihim na bulong sa'kin ni Viale ay patulak niya akong isinakay sa van at mabilis na isinara ang pinto.

Tumingin siya sa'kin na tila ba humihingi ng tawad dahil sa mga pinaggagawa niya kanina.

"I'm sorry Jai, that's the only way para maniwala s'ya sa'kin na kakampi niya ako." aniya at binuhay ang makina.

Nagpalinga-linga s'ya at tila ba nakahinga ng maluwag lalo na ng may nagtext sakan'ya.

"Gotcha." bulong niya at nakangiting ipinakita sa'kin ang cellphone.

"Bring her to the rest house, we'll be there in hour. We'll just fix something."

"Si Sam? Inutusan ka niyang gawin 'to sa'kin?" naguguluhang tanong ko matapos mabasa ang mensahe.

"Yup, and finally nakuha ko na rin ang tiwala niya. Sabi niya kung totoo raw na kakampi niya ako kidnapin kita at saktan." sagot niya habang busy sa pagmamaneho.

"Pero paano? I thought s'ya na ang kinakampihan mo? Pinagtanggol mo pa nga s'ya noong nakaraan." naguguluhang sabi ko.

"Look, simula no'ng nangyari 'yung insedenteng tinulak mo raw siya sa sunog sinundan ko na siya. Doon ko rin nalaman na hindi siya si Kayle at nagkikita sila no'ng lalaking pinukpok ko sa ulo." aniya bago iniliko ang van.

"So, lahat 'yon palabas mo lang?" tanong ko ng unti-unti kong maintindihan ang mga pinagsasabi niya.

"Yup, and I found something crazy. As in sobrang hirap paniwalaan." sabi niya halata sa tono nang pananalita na maging siya ay hindi makapaniwala.

"Care to tell me, what is it?" sabi ko habang titig na titig sakan'ya.

Bumaling siya ng tingin sa'kin saglit at ngumisi. "They're not relatives." aniya na tila ba yumanig sa buong pagkatao ko.

Hindi sila magkaano-ano? Kung gano'n bakit 'yon ang pakilala nila kay Mommy? Mag.... Mag-ano ba talaga sila?

"Kung gano'n hindi totoong mag-ama sila? Pero paano?" gulong-gulo na sabi ko at napahawak sa sariling ulo.

Pakiramdam ko mababaliw ako sa mga nalalaman ko. Una 'yung kay Mr. M ngayon 'yung about kala Sam?

"Mag-oh damn tumatawag na sila!" tarantang aniya at hindi alam kung sasagutin ba ang tawag o ano.

"Jairess, act again ok? You need to act that you hate me that much and you want to escape, got it?" hinihingal na aniya matapos magsalita ng walang hintuan.

Sunod-sunod akong tumango at inihanda ang sarili sa pag-arte. Kaya ko 'to, para kay Mommy. Para matapos na lahat ng 'to..

Huminga ako ng malaim at pumikit saglit hanggang sa narinig kong sinagot na ni Viale ang tawag.

"Sino 'yan?! Pakawalan mo na ako Viale... Please wala naman akong ginawang masama sa'yo 'di ba? Bakit kailangang kampihan mo sila?" ani ko at nagsimula ng mangilid ang mga luha ko, kailangan ko ito para maramdaman ng demonyita na totoo ang takot ko.

"Tumahimik ka nga! Yes, kanina pa siya sigaw ng sigaw." aniya.

Kung hindi ko siguro kilala si Viale kahit papaano ay iisipin kong masama siyang tao. Ang mga mata niya kasi na kanina lang ay masuyo kung tumingin ay biglang naging matalim.

Ni-loud speaker ni Viale ang tawag na tila ba iniutos ni Sammy.

"Oh, Jairess is begging? That's new..." aniya at tumawa ng tila ba demonyo. "Beg more pity Jairess, baka sakaling pakawalan ka ni Viale, 'yun nga lang wala ng buhay." huling aniya at humagalpak ng tawa bago tuluyang pinutol ang tawag.

It All Started in RPW (Published Under LLP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon