Hi guys! I hope you're enjoying this story of mine. huhu but sadly malapit na tayo sa dulo *pout/. Pero kahit gano'n another story will bloom the title is.....
I'll reveal it at the epilogue of this story. I hope you enjoy! Mwah.
CHAPTER 18
TINAPIK ni Viale ang balikat ko dahilan upang mabalik ako sa realidad.
I frowned. "What?" tanong ko habang nakatingin sakaniya.
Tumawa siya ng mahina at ginulo ang buhok ko. "What are you thinking huh? No let me replace it, who are you thinking at?" he asked while smiling like an idiot to me.
"Crush?! Wala naman akong crush!" ani ko at napaatras pa ng ilang hakbang sakaniya.
Lalong lumawak ang pagkakangisi niya. "Wala akong sinabing crush, tinanong ko lang kung sinong iniisip mo. Now I got you, may crush ka nga." aniya at tumawa.
Nag-init ang pisngi ko at hindi ko alam ang sasabihin. Paniguradong namumula na ako sa hiya ngayon.
"Cat got your tongue huh." pang-aasar pa niya.
Inirapan ko siya at binatukan bago iniba ang usapan.
"So magkakilala kayo ni Kimjaze? And uh paano ka nakapag-stay sa klase namin kahapon eh hindi ka naman taga rito." mahabang pang-uusisa ko.
Ngumiti siya saakin at sinabayan akong maglakad habang siya ay patalikod.
"Yup magkakilala kami ni Kimjaze, and nakapag-stay ako sa room niyo kasi simula kahapon kaklase mo na ako." aniya at muling umayos n paglalakad.
Nangunot ang noo ko. "Huh paano? Akala ko ba napadpad ka lang sa lugar na 'to dahil sa pinsan mo? Eh bakit parang nag-stay kana rito for good?" sunod-sunod kong tanong.
"Dahil may ipinakiusap saakin ang pinsan ko. And i can't say no to him." 'yun lang ang sinabi n'ya dahil tuluyan na naming narating ang room.
Nang maka-upo ako sa sarili kong silya ay napatingin muli ako sa sulat na iniwan ni Jino. Hanggang ngayon hindi ko pa rin naibibigay sakaniya...
Papansinin niya na kaya ako mamaya? Maybe I should try than to overthink. Walang magagawa kung mag-ooverthing lang ako dapat kumilos rin ako. take a risk kumbaga.
Napaigtad ako sa gulat ng may sumigaw sa tainga ko. "Hi Jairess!" hindi ko alam kung sadya niya ba o sobrang tinis lang talaga ng boses niya.
Pilit akong ngumiti. "Hi." maikling bati ko at nag-iwas ng tingin kay Kayle.
Her make-up is different from the yesterday. Or maybe it was just her style?
HABANG nagkaklase ay pinagmamasdan ko ang bawat galaw ni Kayle. At ngayon ko lng naririalize na ang ilan sa ikinikilos niya ay siyang kilos ng kakilala ko.
Lalo na, lalo na ang hindi maitagong balat sa panga niya. Iisang tao lang ang kilala kong may balat sa panga ngunit nais itong itago ng husto.
"Sir?"
Nagulat ako ng magtaas ng kamay si Nell.
"Yes?" Sir keite asked.
"May I go to the cr?" she asked.
Tumango kaagad si Sir at siya naman ay nagsimula ng maglakad paalis. This is my time.
Pinalipas ko ang dalawang minuto bago nagpaalam na tutungo rin sa cr. Dali-dali kong tinungo ang banyo ng mga babae at nadatnan roon ang tahimik na lumuluhang si Nelly.
BINABASA MO ANG
It All Started in RPW (Published Under LLP)
Novela Juvenil"Those I love yous were just lies. And hell, I'm having a good time playing with you. But I think that's enough I can't keep pretending that I love you too." -K/Jace Montefalco. -- There is a 16 yrs old girl, Jairess. Who entered RPW for...