CHAPTER 1

8 2 0
                                    

Chapter 1:
Vacation

 
The weather is nice. The breeze was cold not until the thunder echoed my room. 

Sumimangot ako nang umalingawngaw na naman ang kulog sa aking silid as I sip in my coffee. Should I go to sleep or pack my things? this is the perfect spot to be dream of him and not to travel. 

Lumapit ako sa bintana at isinarado ito. I wonder kung ilang buhay na naman ang kikitilin ng bagyong ito. Maybe, cause of landslide. Maybe, cause by the slippery road or maybe cause of  lightnings. 

Isang malakas na katok ang umagaw sa kalagitnaan ng pag-iisip ko. Si Mama na dala dala na ang maleta ko at ibang bagay na kailangan kong gamitin sa pagbabakasyon sa probinsya.  

Bago pa ko makapagsalita ay biglang pumasok si Ethel na may hawak ng mga damit ko galing sa sampayan. 

"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na mag-impake ka na? hinihintay ka na ng mga lola mo doon," sermon ni Mama habang inilalagay ang mga damit ko sa maleta at sya namang pag ngisi ng magaling kong kaibigan. 

"Did you tell her?" Pinanlisikan ko siya ng mata.

"Yes, what's wrong with that? kung hindi ko sasabihin ay hindi ka mag-iimpake ng mga gamit mo at hanggang sa matapos ang bakasyon ay puro tulog ang gagawin mo na walang kasiguraduhan kung magpapakita nga ba siya sa panaginip mo," may panunutya nyang sabi. 

Pinanliitan ko siya ng mata at bago ko pa man mahagis ang unan ko sa kanya ay nagsalita si Mama.

"Hanggang ngayon ba naman ay naniniwala ka na totoo 'yang panaginip mo?" tanong niya.
 
"Umaasa siyang magpapakita sa kanya ang lalaking 'yon sa kanya, Tita," singit naman ni Ethel.

"Anong masama doon? hindi ba kayo nacu-curious kung sino ang lalaki sa panaginip niyo? kahit na hindi ko masyadong naaalala ang itsura nya gusto ko pa din siya makita." 

"Pagpasyensahan nyo na tita at masyado lang siya na-addict sa kakapanood ng mga drama," Iiling iling na saad ni Ethel.

Hindi ko talaga malaman kung bakit hindi nila ako maintindihan, siguro hindi sila nananaginip na ibang lalaki at tanging ang mga kilala lang nilang lalaki ang napapaginipan nila.  

But mine is different dahil totoong gwapo ang lalaki sa panaginip ko and I know I will find him because he gave me his name but the only problem is I don't know where to start searching him or should I wait? 

How long should I wait for him? 

Maybe 2 months? 4 months? 1 year? 10 years? or it will not going to happen. 

Scared. That's what I'm feeling right now. I don't want to lose someone who gives me joy, comfort and excitement like he did. 

 Umalis ako sa bahay ng hapon at dahil sa naabutan ako ng rush hour ay ilang oras akong nakipaglaban sa oras.
 
Nang umusad na ang trapiko ay mabilis akong nagmaneho at sumisingit sa mga sasakyan. Dinala ko ang sasakyan ko ng hindi alam ng parents ko dahil nakakapagod ang mag commute.

Ilang oras akong nagmaneho at tumigil para magpahinga ng saglit. Inabot na ko ng gabi hindi pa rin ako nakakarating sa Leyte. 

I open my windshield wipers dahil umuulan na ulit. Kung kelan malapit ko nang marating ang bahay nila lola saka umulan. Hay buhay.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag na nakalagay sa passenger seat at tinawagan si lola para hindi na ako sunduin pa sa kanto.

"Hello, Lola? Malapit na po ako," saad ko nang sagutin n'ya ang tawag.

"Sige. Nasa kanto na ako at mag ingat ka sa pagdrive hija at madulas ang daan dahil umuulan," rinig ko sa kabilang linya ang pagbahing nya.

"Lola, umuwi na po kayo dahil malamig at umuulan pa ng malakas. I-text nyo na lang po ako kung anong kulay ng gate at ano'ng katapat nyong bahay baka magkasakit pa kayo nang  dahil sa 'kin."

"Kanina pa ko nakatayo rito ngayon pa ba ako uuwi at malapit ka na naman?" Napabuntong hininga na lang ako ng lumakas pa ang buhos ng ulan.

"La, umuwi ka na ngayon na. Sobrang lakas na ng ulan baka mapaano na po kayo," galit na sabi ko at ibinaba ko na ang tawag at dali dali kong tinext sila tita para pauwiin si lola.

Mabilis kong tinapakan ang preno nang biglang may sumulpot sa harapan.

Madilim ang kalsada, umuulan, malakas pa ang hangin at ako lang ang mag isang nasa daan kaya komportable akong nagdri-drive at hindi ko alam na may mababangga akong tao.

Hindi ko masyadong maulinagan kung ano ang nangyari sa kanya at tanging puting t-shirt lang ang nakita ko at nakasakay sya sa motor.

Tutulungan ko na sana siya na iangat ang natumba niyang motor at alalayan dahil nakita ko din na may dugo sa ulo n'ya pero wala akong ginawa kundi tumunganga lang sa kanya habang sumasakay sa kanyang motor at iniinda ang sakit na natamo dahil sa pagbangga ko sa kanya.

Bababa sana ako sa kotse para humingi ng tawad at dalhin sya sa hospital pero sumakay na siya sa kanyang motor. Nakita ko si lola na nakatayo pa din sa kanto at parang hindi n'ya alam kung ano ang nangyari. 

 Tinignan ko ang lalaking nabangga ko pero hindi ko na sya nakita. 

 Ang bilis nya naman magpatakbo ng motor at umuulan pa tapos nabangga ko pa sya.

 Hindi ko alam ang gagawin ko first time ko lang na may mabangga sa buong buhay ko pero mukhang ayos naman siya kasi mabilis syang nakabangon at mabilis na umalis kasama ng motor nya.

Ilang minutong nakahinto ang kotse ko sa gitna ng daan at hindi ako makapaniwala sa nangyari.

Kakasuhan niya kaya ako? Makukulong ba ako sa salang murder? Pero isa 'yong aksidente at hindi n'ya naman nakita mukha ko at isa pa, buhay pa naman sya kaya hindi 'yon murder dahil hindi ko naman sya napatay.

Natauhan ako nang makita ko si tita na inaalalayan si Lola Adelaida pabalik sa kanilang bahay.

Binuhay ko na ulit ang makina at nagmaneho na parang walang nangyari. Sinundan ko na lang sila tita mula sa malayo para makarating sa bahay nila.

A Man In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon