Chapter 9:
Fiesta"Suki! Halika na rito!" Napatingin ako sa aleng nasa gilid at tinatawag nya si lola Adelaida.
Inayos ko ang hawak kong bayong at naglakad na kami ni lola papunta sa kanya."Kumusta?" ani ng aleng nagtitinda habang papalapit kami sa kanya.
"Eto payat at sexy pa din!" Nagpameywang pa si Lola Adelaida na parang kasali sya sa isang pageant at nagtawanan sila.
Lola Adelaida is a tall woman, has a tanned skin, at payat. Hindi naman sya ganoong sobrang payat kumbaga sakto lang at malayong malayo sya sa kanyang edad. Kapag makikita mo sya ay aakalain mong nasa 50's pa lang sya pero ang totoo ay nasa 60+ na sya. Mukha din syang hindi tumatanda.
Walang pinagbago sa mukha at katawan nya."Ano handa natin, Mare?" Lumipat naman kami sa kabilang tindahan.
"Gusto ng apo ko ang malalaking hipon, alimasag at letchon," sagot ni Lola.
"Aba, Hija, napaka bata mo pa para mahigh blood." Nagtawanan kaming tatlo at namili na si lola ng mga malalaking hipon.
Sumama ako kay lola para mamalengke para may pang handa kami mamaya.
Ilang tindahan pa ang pinuntahan namin at napaka ingay dito sa palengke. Sigaw dito sigaw doon ng mga paninda nila at napaka dami ring tao dahil fiesta at naghahanda rin sila para sa kanilang kakainin.
Ilang minuto pa ang tinagal namin dito at nagpasya na kaming umuwi ni Lola.
"Pinakyaw nyo na ba ang lahat ng
paninda do'n sa palengke at bang tagal nyo?" Nakapameywang na sabi ni Ava pagpasok namin sa bahay. Kung umasta sya parang mas matanda sya sa amin pero she's just a 5 years old.Inilagay ko na ang pinamalengke namin sa lamesa at isa isa itong nilabas.
"Ano ang binili mo, Laida?" tanong ni Lola Fe at kagagaling nya lang sa itaas.
"Ano pa nga ba? Syempre yung gusto ni Cheska," natatawang sabi ni lola at napailing iling na lang si lola Fe.
"Ma!" Napalingon ako sa pinto ng kusina at nakita ko si tita Melanie. Ang panganay na anak ni lola Adelaida.
Natulala ako sa kanya at parang nakakita ng multo."Anong oras kayo dumating?" Niyakap ni Lola Adelaida ang anak nya at gano'n din si Tita.
"Kanina lang at dumiretso agad kami dito. Ni hindi na nga kami kumain sa labas para matikman namin ang luto mo, eh." natatawang sagot ni Tita Melanie at lumapit sya sa 'kin.
"Aba! Dalaga ka na ha," nakangiti nyang sabi at niyakap ako.
"Kumusta tita?"
"Mabuti naman," aniya at pinagkatitigan ako. "Dati kinakarga pa kita at ako ang nagbabantay sayo kapag nag da-date ang papa at mama mo pero ngayon mas matangkad ka pa sa 'kin." Ngumiti lang ako at nakita ko sa likod nya ang isang matandang lalaki, isang babae na sa tingin ko ay mas bata sa akin at ang isang lalaki na parang mas matanda pa sa 'kin.
"Sya nga pala, Ma," Napabaling si lola kay tita, "Meet my husband." Itinuro nya ang matandang lalaki. Sa tingin ko ay ilang taon ang tanda ng asawa nya sa kanya.
"Hello," magalang na tugon nito.
"Hi!" masiglang bati naman ni lola Adelaida
"Are you hungry?" tanong pa ni lola at umiling naman ang asawa ni Tita.
"Meet my son and daughter," Itininuro naman ni tita ang isang babae at lalaki na katabi ng kanyang asawa.
Ngumiti ang mga ito sa'min at magalang na binati kami gaya ng kanilang Tatay.
"Let's go outside. Not here," Naunang lumabas si lola Adelaida at sumunod naman kami.
"Hi," Napatingin ako sa babae. Papalabas pa lang kami sa pinto. Kaming tatlo ang nahuli lumabas.
"Hello," Nakangiti kong bati.
"What's your name?" aniya at kumapit sa braso ko.
"I'm Francheska. Cheska for short. How 'bout you?" Tumingin ako sa kanya nang hawiin nya ang buhok nya.
"I'm Sydney," she giggled, "and he is Jacob." Tumaas taas naman ang kilay nya.
"Nice meeting you Sydney and Jacob." Bumaling ako sa lalaking kapatid ni Sydney na katabi ko at ngumiti lang sya.
Parang mahihimatay yata ako sa ngiti nya. He's wearing a blue plain t-shirt covered with his white jacket with matching denim pants, He's tall at hanggang baba nya lang ako, maayos ang buhok and he's also have a dimple at sa simpleng ngiti nya lang ay dumudungaw na ang mga ito.
Hindi din makakawala sa paningin ko ang blue eyes na meron sya kagaya sa kanyang ama. Medyo may kaputian din sya knowing na sa ibang bansa sila nakatira.
"Nice meeting you too, Ches." Nangunot ang noo ko dahil sa tinawag nya sa 'kin.
Tumigil ako sa paglakad at gano'n din silang magkapatid.Tinagilid ko ang ulo ko bago magsalita, "Don't tell me you are, Jac?" Nang unti unti syang ngumiti at lumabas na naman ang magaganda nyang dimple ay sinunggaban ko sya ng yakap.
Isa lang ang tumatawag sa 'kin ng Ches at that's him."Oh God, I miss you." Pinitik ko ang taenga nya na agad namang namula dahil maputi sya.
"I did not miss you," he chuckled at inakbayan ako at naupo na kami sa sofa.
"Weh 'di nga? Maniwala sayo." Dumekwatro ako ng upo. "Etong panget na 'to."
"Totoo and I'm not panget,"
Sinimangutan nya 'ko.
Kulang na lang ay lumabas ang mga mata ko."Woah," I chuckled.
Kelan pa sya natutong mag salita ng tagalog?
"Yeah. I understand you now at hindi mo na ako maloloko," aniya pa kaya lalo akong tumawa ng pagak at hindi alintana ang mga matang nakatingin sa akin.
"Kailan sya natutong mag salita ng tagalog, Tita?" Bumaling ako kay tita Melanie and she's just
shrugged her shoulder.Naalala ko pa dati na tinatawag ko syang panget, payat at higante pero malayong malayo na sya dati at nangungunot lang ang noo nya at tumatawa sa pinagsasasabi ko. I'm just a 10 years old back then. I guess.
Dito kasi ako nagbakasyon ng ilang buwan at sya lang ang kalaro ko kasi kapag lalabas ako ng bahay ay may mga maliliit na bata ang tumatawag sa 'kin at sasabihin nila na 'Ate may crush sayo 'tong kasama ko!' sabay takbo kaya simula non ay hindi na ko naghahanap ng kalaro sa labas at ang lagi ko lang na kinukulit ay si Jac which is Jacob now at kahit na mas matanda sya sa 'kin ng tatlong taon ay nakikipag laro pa din sya sa 'kin noon.
"Did you know each other?" naguguluhan na tanong ni Sydney.
"Yes," Her lips curled downward na parang inaasar kami.
Hindi nga ako nagkamali dahil tinutusok tusok nya ang tagiliran ko at may mga sinusupling na mga ngiti sa mga labi.
I guess she's just 14 years old pero at dahil matangkad din sya ay mukhang 16 years old na sya.
She's slim, have a blonde long straight hair, blue eyes, mala gatas din ang kutis katulad sa daddy nya at sa kuya nya. Para syang manika at napaka jolly.
Magugulat ka na lang sa kanya na nagagawa ka na nyang asarin at kumapit sa braso mo kahit na ngayon pa lang ang una nyong pagkikita.
"Stop it." Hinampas ni Jacob ang kamay ng kapatid nya na tumutusok sa tagiliran ko pero mas lalo lang ngumiti ng malaki si Sydney at umusod sya palayo sa'min ng kuya nya.
Anong problema nya?
"What's your problem?" kunot noong tanong ko pero tumingin lang sya sa 'kin ng may malaking ngiti.
"Nothing," aniya at itinaas ang isa nyang kamay na katapat lang sa kanyang dibdib at gumawa ng mga alon. Lalong nangunot ang noo ko dahil sa ginawa nya.
She's weird.
BINABASA MO ANG
A Man In My Dreams
ФэнтезиPanaginip ay isa lamang panaginip sa nakararami subalit kung ang panaginip mo ay pilit kang ginugulo sa realidad dapat ka bang mabahala? kiligin o matakot? Francheska Romero, ang babaeng pilit kalimutan ang nangyari sa panaginip nya pero hindi mak...