CHAPTER 5

1 1 0
                                    

Chapter 5:
Door

Binilisan ko pa ang pagtakbo ko dahil pinagtitinginan ako ng mga tao.

It's already 7:00 am and here I am jogging. Walang masyadong dumadaan na sasakyan kaya malaya akong nakakatakbo.

Ngayon lang ba sila nakakita ng babae na nagjo-jogging ng gantong oras? Tama naman ang suot ko, hindi rin naman ako nagjo-jogging sa gitna ng daan dahil nandito lang ako sa gilid.

I wore a black leggings and blue crop top na ginagamit sa page-excerise at itinali ko din ang buhok ko at isinasayaw yon habang tumatakbo ako.

Hininaan ko ang volume ng music at binagalan ko na ang pagtakbo ko.

Nakarating ako sa bayan at makikita mo ang mga samo't saring mga makukulay na banderitas na inaayos ng mga kalalakihan.

Malapit na pala ang Fiesta. Ilang araw nalang at Fiesta na rito sa Leyte.

Nakihalo ako sa mga mamamayan na nag aayos ng kanilang paninda, inaayos ang mga banderitas, at mga taong naglalakad sa gitna ng daan at ang iba naman ay tumitingin sa mga paninda.

Ang saya pala dito kapag Fiesta. Doon sa Maynila puno lang ang daan ng mga paninda, eh. Walang banderitas, walang nagtatawanan na mga mamamayan at nagtutulungan sa pagdekorasyon ng bayan.

Napabaling ang paningin ko sa harap ng Munisipyo at dinudumog ang lugar na yon ng mga reporters kaya doon ako pumunta para malaman kung anong meron.

Aga agang chismis.

Nakisiksik din ako sa mga tao na nandoon. Nakita ko ang masayang Mayor at magalak nyang sinasagot ang mga tanong sa kanya ng mga reporters.

I wonder if he is plastic or not.

"Ano po ang ganap dito sa Baranggay?" tanong ng isang maliit na babae at halos matulak na sya.

"Madami. May mga paligsahan, pageant, sayawan, kantahan at syempre hindi mawawala ang kainan." Nagtawanan ang mga reporters dahil sa huling sinabi ng kanilang Mayor.

"May boodle fight po bang mangyayari, Mayor?" Tanong ng isang matabang lalaki. Isa lang syang mamamayan at hindi reporter.

"Syempre meron!" Nagtawanan na naman sila.

"Mawalang galang na po Mayor sinabi nyo po nung nakaraang taon na ang papalit na Mayor dito sa Leyte ay ang anak nyo. Willing po ba sya na mamahala bilang isang Mayor?" tanong ng isang babae na nasa unahan kaya natigil ang tawanan at napabaling ang atensyon naming lahat.

May anak ang Mayor?

"Oo naman. He is currently on States," Ngumiti ng napaka laki ang Mayor kaya nagpalakpakan ang mga tao na nakapalibot sa kanya.

"Kelan po ang balik ng inyong anak Mr. Mayor?" Hinawi na ng mga security guard ang mga reporters na gusto pang interview-hin ang Mayor at sumakay ang Mayor sa isang magandang kotse at umalis na.

Parang napagsakluban ng langit at lupa ang mga reporters na nandito kasi hindi lahat ay nasagot ng kanilang Mayor.

Umalis na ko roon at bumalik sa bahay nila Lola Adelaida.

NANG sumapit ang tanghalian ay nandito na kaming lahat sa hapag at nagkwekwentuhan.

"Malapit na ang fiesta Lola, ah." tumingin ako kay Lola Adelaida. "Anong handa nyo?"

"Ano gusto mong handa?" Balik na tanong nya sa 'kin.

"Letchon!" mabilis na sagot ko at nagtawanan silang lahat.

Anong nakakatawa sa letchon?

"Letchon, Hipon saka malalaking alimango," Tinaas taas ko pa ang dalawa kong kilay.

A Man In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon