CHAPTER 6

1 1 0
                                    

Chapter 6:
Robots

Nakaupo ako ngayon sa harap nya at sya naman ay nasa harapan ko at sinusuri akong mabuti.

Kada gagalaw o tatayo ako ay nakakatanggap ako ng mga masasamang tingin kaya hindi na ko nagtatangka pang gumalaw.
Steady lang ako sa harapan nya.

Kulang na lang maglaro kami dito ng Pinoy Henyo.

"I repeat. Who are you?" mariin nyang tanong at ramdam mo ang pagkaseryoso nya. May inilabas din syang isang iPad pero nagulat ako nang makita kong may nakalutang na kulay green at mga kung ano anong words.

It's a hologram.

Para akong nasa isang shooting at ako ang bida sa palabas na isang secret agent na may mission pero nakidnap ako ng isang gwapong lalaki at tinatanong tungkol kung sino ako at ang pakay ko dito sa lugar na ito.

Napailing iling na lang ako sa mga kalokohan na naisip ko kaya napatingin sya sa 'kin at nangunot ang noo.

"I'm Francheska Romero. Do I have to tell you what my life is?" Tinaasan ko sya ng kilay.

Nagtipa sya sa kanyang iPad at nakita ko ang pangalan ko sa hologram at may nakalagay pa sa tabi neto na parang code.

Ayoko na nga um-acting baka nasa deadnote na nya ang pangalan ko.

"Bakit nakalagay pangalan ko dyan?" takhang tanong ko pero patuloy pa din sya sa pagtipa na hindi ko naman maintindihan.

"Ang alam ko wala naman akong ginagawang masama, ah? and I'm not trespassing. Ikaw ang nagpapasok sa 'kin sa bahay mo, remember?"

"Sapilitan nga lang," mahina ko pang sabi para hindi nya marinig.

"What are you doing here?" seryoso nyang tanong na parang hindi nya narinig ang mga sinabi at tanong ko sa kanya.

Kaya siguro nando'n ang pangalan ko ay listahan nya 'yon ng mga taong bumibisita sa kanya o pumapasok sa bahay nya.

Mukha kasi syang walang pamilya, magulang o kaibigan.

"Bakit muna nasa iPad mo ang pangalan ko?"

"It's prohibited and you don't want to know." Nakakatakot talaga sya magsalita idagdag mo pa ang mga malalamig nyang titig.

"Prohibited my foot," I rolled my eyes.

"Now answer me," aniya at nakatingin pa din sya sa 'kin ng seryoso.

Kung kanina para akong nasa shooting, ngayon ay feeling ko nasa isang police station na ako at iniinterview ng isang pulis.

"Honestly speaking," bumuntong hininga muna ako bago magpatuloy. "I don't know kung paano ako nakakapunta dito. Ang natatandaan ko lang ay kapag pumapasok ako sa kwarto na puno ng mga haystack na animo'y isang barn at kapag lumabas ako sa bintana is nagugulat na lang ako na nasa isa na kong gubat."

"Hindi ko alam na may magic pala ang bintanang 'yon," natawa ako pero nang makita ko sya na seryoso ay nagseryoso din ako.

"Nga pala, kapag nakakalabas ako dito ay wala akong naaalala tapos kapag nandito na ko I mean sa gubat ay naalala ko na ang lahat," nahihiya ko pang sabi. Hindi na ko makatingin sa kanya ng deretso.

"Ikaw naman ang magpakilala," Dumekwatro ako ng upo at sumandal sa sofa.

Feel at home.

Bago pa sya makasagot ay nakarinig ako ng pag doorbell.
May bisita sya ng ganitong oras? It's 1:00 midnight. Unbelievable.

May pinindot syang remote at bigla na lang may narinig akong boses na nagsalita.

"Mr. Ferrer, pinapatawag ho kayo ng mahal na prinsesa." Nangunot ang noo ko.

Prinsesa?

"Sino daw?" Lumingon ako sa kanya pero nakita ko sya na tumayo na kaya't tumayo na din ako.

"Don't tell me pupuntahan mo 'yon ng ganitong oras?" naguguluhan kong tanong pero nakatanggap lang ako ng mga matatalim na tingin mula sa kanya.

I smell something fishy.

"Don't you ever leave this house, understood?" Bumalik na naman sya sa pagkaseryoso kaya natameme na naman ako.

Tumango ako bago sumagot, "Understood." Bumalik ako sa pagkakaupo sa sofa at wala syang paalam na umalis.

Napaka bastos talaga. Tsk tsk.

Sinundan ko sya ng tingin at nakita kong lumabas na sya ng gate at may kasamang robot.

What the---

Uso ba sa lugar na 'to ang robot? Pero kanina nung nagsalita 'yon ay para syang tao.

Nakita ko sya na sumakay sa isang motor at nang paandarin nya ay bigla syang nawala sa paningin ko. Napakabilis naman ng motor na 'yon. Nawala na din ang robot.

Lumabas ako ng gate at sinundan kung saang daan sila pumunta.

Ilang minuto akong naglakad at narating ko ang isang bayan.

Hindi ito isang ordinaryong bayan. Eto yata ang pinaka sentro.

Kahit ala una na ng madaling araw ay madami pa ring mga tao or should I say robots na tao ang naglalakad at pagala gala sa gitna ng daan.

Tumingala ako. Madami akong nakikita na stars sa langit, mga nagliliparan na eroplano kaya nangunot ang noo ko. Hindi talaga normal ang lugar na 'to. Una, may mga robots, pangalawa may mga kakaibang bagay, pangatlo bakit madaming eroplano dito? At mangilan ngilan lang ang makikita mong kauri mong tao. Hindi ka pa sigurado kung tao nga ba sila o isa ring robot.

Tinagilid ko ang ulo ko pero pumunta ako sa gilid kung saan nandoon ang mga taong robots na nagtitinda.

Sa totoo lang ay sa malayuan kung titignan mo sila ay mukha silang ordinaryong tao pero sa malapitan masasabi mong hindi sila tao dahil ang ulo nila ay may tahi at ang nasa likod ng ulo nila ay may metal na nakakonekta sa kanilang leeg.

Masaya kong hinahawakan ang mga kakaibang bagay na makita ko pero hindi naman nila ako sinisita. Feeling ko nasa palabas talaga ako at nasa Star Wars.
Inabutan ako ng isang ale este isang matandang babae na robot ng isang lantern. Kunot noong tumingin ako sa kanya.

"Ano hong gagawin ko rito?" Bakas sa mukha ko ang nasisiyahan na animo'y isang batang binigyan ng ale ng candy. May itinuro syang ilog kaya napatingin ako roon.

Madaming mga lanterns ang nandoon siguro doon ko dadalhin 'to.

I'm so excited!

Pumunta ako sa ilog at inilapag ko ang hawak kong lantern at hinayaan kong tangayin ito ng agos.

Abot langit ang ngiti ko nang makita ko ang lantern ko na nasa malayo na. Umaatras pa ko para makita ko kung nasaan na ang lantern na 'yon pero nagulat ako nang may humawak sa kamay ko at hinila ako patabi at may
mabilis na humarurot na motor.

Kulang na lang ay lumabas ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang humawak sa kamay ko.

Hindi ko alam na sa kalaki laki netong lugar na 'to ay makikita nya ako dito at wala sa bahay nya.

Napalunok na lang ako habang sinasalo ang mga nakakamatay nyang titig.

"What are you doing here? Didn't I tell you that you should not leave that house?" Napapikit ako dahil sa pagtaas ng tono ng boses nya. Hawak nya pa rin ang kamay ko.

"S-sorry."

"Hindi mo ba alam na muntik ka na masagasaan?" Napatingin ako sa kanya at ilang segundong nakatitig sa kanya. First time ko syang marinig na magsalita ng tagalog. Akala ko isa syang foreigner at marunong lang umintindi ng salitang tagalog.

"Seryoso?" wala sa sariling tanong ko.

Nakita ko na lang ang aking sarili na nakasakay sa isang motor. Eto ang motor nyang napakabilis.

Bababa na sana ako pero biglang umandar at nawalan ako ng balanse pero buti na lang at iniharang nya ang kamay nya para hindi ako matuluyan na mahulog. Nakalagay na ang kamay nya sa gilid ng beywang ko.

Nang mapagtanto ko kung ano ang itsura namin lalo na ako ay mabilis akong umayos ng upo at kumapit sa balikat nya para hindi ako mahulog.

A Man In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon