1st day of class

8 2 0
                                    

" Okay class settle down, today you have a new classmate." saad ng magtuturo sa buong klase.

Ang silid-aralan na kanina'y parang may piyesta, ngayon ay nababalot ng nakabibinging katahimikan. Natulala ang lahat at tila ba ay naguguluhan. Isang linggo na mula nang sila ay pumasok sa paaralan, pero bakit may bago at ngayon lang naisipan pumasok? Diba parang ang daya naman kung ganun?

Nabaling ang kanilang atensyon sa babaeng nakatayo sa labas. Nakayuko ito at mahigpit ang hawak sa pintuan. Sa likod niya ay isang lalaking kung titingnan ng mabuti ay ang kanyang ama. Habang sinisigurado niyang mahigpit ang kanyang hawak sa pintuan, ang kanyang ama naman ay sapilitan siyang tinutulak papasok sa silid-aralan.

Pauline's POV

Nagmadali akong umikot para walang makakita sa nakakahiyang pagmumukha ko at hinarap si papa.

"Pa, uwi na tayo ayoko na dito" mangiyak-iyak kong tugon.

"Anong uwi?Hindi ka pa nga nakakapasok uuwi ka na?" sabi ni Papa na nanglilisik ang mga mata.

" Papasok ka o papasok ka?" tanong ni papa habang may banta sa bawat pagbigkas niya.

Sa puntong ito, sobrang takot na takot na ako pero kahit na parang maiihi na ako sa takot, mas gusto ko pa rin umuwi kaysa sa manatili dito kasama ang mga di ko kilalang mga nilalang. Paano kung kainin nila ako isa-isa? Huyyyyy di pwede yun napakamalaman ko pa naman tapos paano kung lutuin nila akosa sarili kong mantika, naku po napakarami ko pa namang taba.

Umayos ka self please Lang, seryoso to wag kang ano.

Gusto kong sabihin kay papa kung bakit takot akong pumasok. Gusto kong ipaliwanag na ramdam na ramdam ko kung paano nila ako tingnan. Sa paraan pa lang ng pagtitig nila parang sinasabi na nilang umalis ako dito ngayon na dahil ang isang katulad ko ay hindi nababagay sa Lugar na 'to.

Pero kahit gusto kong malaman ni papa, alam kong hindi niya ako pakikinggan. Kahit isang beses hindi sila nakinig, kung anong gusto nila dapat yun ang masusunod. Kaya hindi na dapat ako mag-abala pa.

Bakit ba napaka big deal ng pag-aaral? Gusto ko nalang maging pusa para wala akong ibang gagawin kundi mag-meow meow. Haaaaay.

Dahil wala na akong ibang mapagpipilian, pumasok na ako sa classroom. Hinawakan ni ma'am ang dalawa kong balikat at pinapunta sa harap.

"Sige iha,  state your name and your motto in life "

Nanlaki ang mga mata ko at para akong aatakihin sa puso dahil sa gulat. Sandaleeeeee! 'di naman ako na inform na may pa quiz-bee agad sa first day of class. Hindi ko naman alam na dapat pala pang Ms. Universe yung self introduction. Hala pano to? mabuti sana kung pangalan lang sapat na-
Ayy wait, ano nga pangalan ko?????

Sa sobrang kaba, napatingin ako sa may pintuan, umaasang nandun pa si papa. Pero shet memeng wala na siya dun. Napuno ng panic ang buong sistema ko, at di ko na namalayang napatakbo na ako palabas.

AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon