Traydor

1 2 0
                                    

Sa pagbabalik ni Pauline sa paaralan ay dumiretso na agad siya sa loob ng classroom na kung saan ay pinaupo  agad siya ng kanyang guro sa bakanteng silya. Pagkatapos masigurong nakaupo na ang kanyang bagong estudyante ay pinagpatuloy  niya ang kanyang nadistorbong diskusyon.

Nang makaupo na si Pauline ay nanlumo siya sa mga bulungan at tawanan patungkol sa nangyaring biglaan niyang pagtakbo sa labas kanina.

Hindi niya maiwasang maisip muli ang  mga nangyari.
______________
Flashback:

'Umuwi na kami ni papa dahil hiyang- hiya na siya sa pag habol ko sa kanya nung makita ko siya na papalabas na sa gate ng campus. At dahil malapit lang ang bahay namin sa eskwelahan mabilis kaming nakarating sa bahay.  Pinaupo niya ako at pumunta siya sandali sa kwarto at may kinuhang kung ano.

"Papasok ka o hindi?" - tanong ni papa habang hawak ang noo at sinusubukang pakalmahin ang sarili niya.

"Pa huwag po..."- pagmamakaawa ko nang makita ko  kung ano ang kinuha niya sa kwarto.

At dahil sa tatlong salitang 'yon hindi na niya napigilan pa ang galit niya. Ang pinaka ayaw pa naman niya ay sabihan siya ng ibang tao kung ano ang dapat niyang gawin at hindi dapat  niyang gawin. Ipinulupot niya ang kanang sinturon sa kanyang kamao at napaiyak na lamang ako.

"Papasok ka ba o hindi?! SAGOT!" - ulit niyang tanong na ngayo'y pasinghal na, sabay wasiwas ng kanyang sinturon.

"P-papasok na p-po a-ako pa " - pautal-utal at hikbi kong sagot.

Hindi pa siya nakontento at paulit-ulit pa niya akong pinagpapalo hanggang sa humupa na ang galit niya.'
----------
Pauline's POV

"Ms. de Guzman" napabalikawas ako sa aking kinauupuan at biglang napatayo.

"sinturong mahapdi"
"Ha?" "yes po ma'am, tama po opo"

Hagalpak na tawanan ang umalingawngaw sa loob ng silid.

"What nonsense are you talking about? I said go to the board and identify the time that is shown in the clock"-sabi niya habang naka taas ang kaliwang kilay.

Pagpunta ko sa harap may mga pictures ng pare-parehong hugis at kulay na mga orasan. Ang pinagkaiba lang ay ang puwesto ng mga maliliit at matataas na linya sa gitna.

Kinuha ko ang chalk at sinubukang may maisulat, pero sa kasamaang palad wala akong alam tungkol sa orasan o kung paano magbasa ng oras.

Matagal-tagal din akong nakatayo sa harap, kunyari nag-iisip kung anong isasagot. Nung nainip na yung malditang teacher namin, dun pa niya ako pinabalik sa upuan.

Babalik na sana ako sa upuan ko nung bigla siyang nagsalita.

"Napaka-walang alam naman nitong batang 'to, oras na nga lang di pa masagutan."- reklamo niya.

Napabuntong hininga na lamang ako. 

Mula ngayon mag-aaral na ako ng mabuti. Oo, Tama Tama dapat Lang dahil mahal ang tuition dito.

Babalik na sana talaga ako ng tuluyan sa upuan ko ng may nagsalita na naman.

" eewww bobo"

Para akong tinapunan nang sobrang malamig na tubig.

"HAHAHAHAHAHHA ano ba yan walang alam"

Napako ako sa kinatatayuan ko.

"Huy umalis ka na nga diyan"

Tama na. Hindi ko na alam kung paano huminga.

"Sayang yung oras uy alam mo yun"

" pfft kalaking tao pero ang liit-liit naman ng utak pffffft"

Tama na please lang.

Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko.
Pero ano nga bang magagawa ko? Isa laban sa nakararami. Sobrang lugi ako.
'Yung teacher na nga mismo ang nagpasimula, ano pang laban ko?

Wala. Walang-wala.

Kung kanina kinaya ko pa ang mga bulong-bulungan at mga tawanan, ngayon hindi na talaga. Pagpapahiya na' to.

Sobra na.

Nagsimula na namang lumabo ang mga mata ko. Lintek na mga luha 'to, walang planong maubos.

Sa puntong ito napaisip ako, napaka-weak ko pala noh?

Kahit maling-mali na ang ginawa nila, wala akong ibang ginawa kundi tumunganga, tumunganga at tanggapin lahat ng pinagsasabi nila. Hindi ko man lang sinubukan na depensahan sarili ko. Walang kwenta.

Di ko na alam kung anong iisipin ko. O Kung ano ang gagawin ko.

Huwag nalang kayo akong pumasok?
Hindi pwede, papaluin na naman ako ni papa sa bahay at baka sa susunod mapatay na niya talaga ako.

"haha" - kunyari  natatawa din ako sa kabobohan ko.

Dali-dali akong bumalik sa upuan at mahigpit na tinakpan ang bibig ko. Yumuko ako at nagkunwaring may kinukuha sa bag at marahas na pinunasan ang mga traydor na luhang nagbabantang tumulo.

AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon