Enough

4 2 0
                                    

Nakayukong pumasok si Pauline sa gate ng campus. Nagmadali siyang naglakad sa malawak na field papunta sa kanyang classroom.

" classmate! " biglang may sumigaw sa di kalayuan.

Nang lumingon si Pauline ay nasa gilid na niya ito.

"Tara sabay tayo"  nakangiting imbita ng isang babae. Nakabraid ang pigtail niyang buhok at halamang alagang-alaga siya dahil sa maaliwalas niyang mukha.

Tumingin si Pauline sa likod niya para masigurong siya talaga ang kinakausap.

" Ako nga pala si Fregelyn, ikaw anong pangalan mo?"

" Pauline"

"Hi Pauline. Mula ngayon friends na tayo ha." Ngumiti na naman siya ng napakatamis.

Pauline's POV

Napangiti ako sa sinabi ni Fregelyn.

"Friends......" bulong ko sa sarili

"ayan ngumiti ka na rin, kahapon kasi iyak ka ng iyak. Buti naman okay ka na ngayon"

Nagulat ako kasi napansin niya. Kaso ayoko ng pag-usapan pa yung nangyari kahapon kaya tumango nalang ako.

Pagkapasok namin sa klase ay sakto ring pumasok yung adviser atath teacher namin. Hindi ako tumingin sa kanya dahil hiyang-hiya pa ako sa nangyari kahapon at ayoko din na makit na naman Yun.

"Good morning class" bati niya

"Good morning ma'am"
tumayo kami at sabay-sabay  bumati pabalik.

"okay, everyone sit down and get your math book"

Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang kulay orange na math book.

"Turn your books to page 8"

"Bakit wala?"  Pabulong kong sabi.

Pabalik-balik kong tiningnan kung meron, pero wala talaga.

"Ms. de Guzman, do you have any problem?"

grabe naman to si ma'am pabulong na nga Yun narinig niya pa rin.

"Ma'am, yung libro ko po kasi......"
Nagdadalawang isip ako kung sa sabihin ko ba o hindi.

".... naiwan ko sa bahay"

"Naiwan o sa bahay because?" Tanong ni ma'am habang Naka taas na naman ang kilay

"nakalimutan ko po dalhin" napayuko ako

"hay naku... " irita niyang saad.
"share with your seatmate."

Napatingin ako sa seatmate ko.

Inilapag niya ang math book sa gitna ng desk namin. Halatang napilitan siya dahil sa iritadong mukha niya.

Inayos ko ang pagkakalagay ng libro nang bigla niya akong pinigilan.

"Huwag mo nga hawakan ang libro ko" inis niyang sabi .

"sorry" Sabi ko nalang para di na madagdagan pa ang pagkainis niya.

"now, everyone should read it aloud. 1,2,3 start" anunsyo ni ma'am.

At sabay-sabay kaming nagbasa.

Nang matapos kaming magbasa, may biglang nagtapon ng papel sa ulo ko.

Kinuha ko ang crumpled paper at binasa

'Hoy taba ampanget mo'

Tumingin sa likod para matukoy kung sino nagtapon. Kaso busy ang lahat sa pakikinig sa lesson ni ma'am.  Kaya nilagay ko nalang agad sa bag ko at nakinig sa diskusyon.

" That's all for today. Goodbye class"
Pamamaalam ni ma'am.

"Goodbye and thank you ma'am" sabay na naman naming paalam pabalik.


Habang naghihintay ang mga estudyante sa susunod nilang klase pinagtripan ng mga lalaki sa likod ni Pauline na hilain ang buhok niya. At nang lumingon si Pauline ay nagkunwari silang nagsusulat.

Hinawakan ulit ng isa ang nakataling buhok ni Pauline

" That's enough" pigil ng isang lalaki.

Napantig ang  tenga ni Pauline sa pamilyar na boses 

" Rexton?"


AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon