Paalam

2 2 0
                                    

-Flashback-

Pauwi na ako sakay sa motor ng sundo ko. Mga ilang oras din akong naghintay sa loob ng school dahil hindi pwedeng kung sino-sino lang ang susundo sa amin, dapat may valid ID at may authorization letter ang mga sundo ng bawat estudyante para siguradong related ang tagasundo at susunduin at for safety purposes na rin. 

Nung ilang metro palang ang layo namin ay may tumawag sa akin.

"Hoyyyyyy Palwaaaaaaaa" sigaw ng kaklase kong patpatin habang nasa motor din siya ng sundo niya

wala akong oras sa pang-aasar niya kaya doon ako tumingin sa kabila kung saan di ko makikita pagmumukha niya.

" Palwa, oy oy oyyyyyyyy Palwaaaa" 

Anggaleng talagang mang-asar ng isang 'to. Dahil mabait ako at ayaw kong para siyang asong tahol ng tahol ....

" ano???" tanong ko 

" Wala lang HAAHAHAHAHA"  tawang tawa siya sa di malamang dahilan

letse 'tong mokong na 'to,  may patawag-tawag pang nalalaman tapos wala lang naman pala

" Rexton, tigilan mo na nga yang pag-rurugby mo" seryoso kong sabi

" HAHAHAAHAHAHA"  tawa niya ulit na may pahawak-hawak pa sa tiyan niya. 

Hindi ko maiwasan mapatitig sa kanya. Ang maamo niyang mukha, ang katamtamang kapal niyang mga kilay, ang mga mata niyang kumikintab sa ganda, ang matangos niyang ilong at ang mga ngiti niyang nakakahawa.

Biglang huminto ang lahat

Literal na huminto ang lahat

napatingin ako sa harap. Red light.

Tiningnan ko ulit si Rexton. At dahil sa biglang paghinto, muntikan na siyang mahulog sa motor

" Pfft"  omagass yung pagmumukha niya parang naghiwalay ang kaluluwa at katawan niya sa takot 

 sinubukan ko pigilan tawa ko pero ...

"HAHAHAAHAHAHAHAHA"  ...ayun ayaw niya papigil

 tiningnan ko si Rexton habang kinurot niya  ang pisngi niya at kinapa-kapa ang sarili niya

 " Muntikan na akong mamatay hooo "  saad niya habang hawak ang dibdib 

"HAHAHAAHAHAHAHAHA" sumasakit na tiyan ko kakatawa sa baliw na 

'to

 Sumama tingin niya sa'kin, kaya itinikom ko bibig ko at sinubukang tumigil sa pagtawa.

Tumaas ang gilid ng labi niya at sumigaw nang napakalakas

" TABAAAAAAAA!!!" sigaw niya 

" PATPATIN!!!" gigil kong sigaw pabalik

Biglang umandar ang sinasakyan namin 

 "Aghhh"  Napasigaw kami sa gulat

buti nalang at nakahawak ako sa bewang ni kuya driver, kung hindi nakuuuu, magmu-mumukha tala akong tubol na pagulong-gulong.

Mukhang natuto na rin siya at nakahawak nang mahigpit sa sundo niya.

" HAHAHHAHHAHAHAHA" sabay naming tawa

" Taba"

" Patpat"

"Lechon"

" kalansay"

walang humpay naming tawa at  pang-aasar namin sa isa't -isa.

Natapos nang mag stoplight at dumiretso na ang motor na sinasakyan ni Rexton at kami naman ay lumiko.

Lumingon ako ulit para tingnan kung saan na siya pero malayo-layo na sila at likod nalang niya ang nakikita ko.

Di ko mapigilan na ma-replay sa isip ang mga nangyari kanina at muling matawa

" Pau, wala na yung crush mo tigil-tigilan mo na yang pagtawa mo "  biglang sabi ni kuya Ebon, trabahador namin slash sundo ko ngayon.

" Luh, sinong sabi crush ko yung baliw na yon?" pagdedepensa ko

" Aysus, kunyari pa tong batang to" 

" Hindi nga kuya, pramis" paninigurado ko

" Sige, sige kunyare naniniwala ako"

" hays" 

Kinabukasan , madaling araw akong gumising at for the first time ay maaga akong pumunta  sa school at pangiti-ngiti. Sa di malamang dahilan pumasok agad ko sa classroom at hinanap si Rexton. kaso mukhang nasobrahan ako ng aga at wala pa siya.

Kaso natapos nalang ang last subject ay wala parin siya. 

Hanggang sa pag-graduate namin hindi ko na siya ulit nakita. 

Hindi ko naiwasang manghinayang, di man lang kami nakapagpaalam.


-End of flashback-

---------------------------------

"Sup, Palwa" Makahulugan niyang sabi na may ngiti sa mga labi

"Paano...... Anong....... Bakit....." andami kong gustong itanong pero di ko alam kung saan magsisimula.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon