Chapter 2

254 12 0
                                    

"SERIES about best friend?" gilalas na gilalas na ulit ni Faye habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanyang publisher at editor. Parang biglang nagkatotoo ang kabang naramdaman niya ng sabihin sa kanya ni Jane, ang sekretarya ng HVR, na ibig siyang makausap ng publisher niyang si Sir Vincent dela Torre at Ma'm Lorraine Crisanto. Sa lahat kasi ng topic ng romance na pinakaiiwasan niya ay ang istorya tungkol sa matalik na kaibigan.

Nakatingin siya sa kanyang mga boss kaya naman hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagsasalubong ng kilay ni Sir Vincent na nakaupo sa kabisera ng isang malaking mesa na kasya ang ang labing anim na katao at ang pagngiti naman ni Ma'am Lorraine na nasa harap lang niya dahil tatlo lang naman sila sa conference room na iyon. Hindi niya tuloy malaman kung napapantastikuhan ito sa kanya o natatawa sa pagkataranta niya. Well, talagang hindi siya kumportable sa project na ibinibigay nito sa kanya dahil pagkabanggit pa lamang ni Sir Vincent sa katagang best friend, si Diamond Bernabe na agad ang pumasok sa kanyang utak.

"Ang dami-dami mo nang nagagawang istorya pero wala pa kong nababasa tungkol sa best friend," wika ng ni Ma'm Lorraine. Tulad ng dati, abot tenga ang pagkakangiti nito. Smiling face kasi ang editor niyang ito kaya naman mas ginaganahan siya sa pagsusulat lalo na't alagi siya nitong ini-encourage na mapaganda pa ang kanyang trabaho. "Bakit nga ba?"

"It's taboo," wala sa loob niyang sabi. Hindi niya kasi talaga ma-imagine na magiging more than best friends sila ni Diamond.

"Taboo?" gilalas na bulalas ni Sir Vincent. Nanlalaki pa ang mga mata nito ng sabihin iyon saka napa-staight nang upo. Parang hindi nito mapaniwalaan ang kanyang sinabi. "Paanong magiging bawal ang relasyon ng mag-best friends kung hindi naman sila magkadugo?"

"Dahil masyado na nilang kilala ang isa't isa. Kung mai-in love sila, paano na ang pinagsamahan nilang binuo ng ilang dekada kapag hindi nagtagumpay ang kanilang relasyon? Siguradong masisira lang," naiinis niyang sabi kaya parang gusto niyang magpapadyak para lang mabago ang isip ng kanyang boss na ibigay sa kanya ang proyekto na 'yon.

"May best friend ka ba?" biglang tanong ng kanyang publisher.

Mabilis ang pagsagot niya. "Si Diamond Bernabe."

"Diamond? Lalaki?" Ang editor naman niya ang nagsalita.

Hindi na niya nagawang salubungin ang tingin ni Ma'm Lorraine nang salubungin niya ito ng tingin. Mas lumawak pa kasi ang pagkakangiti nito sa kanya na para bang nauunawaan nito ang kanyang nararamdaman.

"So, you're in love with your best friend?" diretsahang tanong sa kanya ni Sir Vincent.

Nanlaki ng husto ang mga mata niya sa tanong nito. Masyado niya iyong ikinabigla kaya ilang sandali rin siyang natulala. Pakiramdam niya'y pansamantalang tumigil ang pag-ikot ng mundo pero nang maka-recover siya'y buong panggigilalas niyang sinabi ang katagang, "No."

"Very well..." Nakangiting sabi ng kanyang big boss.

Sa hitsura ng kanyang Sir Vincent, parang lalo siyang kinabahan. Alam niyang may kung anong naglalaro sa isipan nito. Sa isang dekada niyang pagiging manunulat sa publication nito'y masasabi niyang kilalang-kilala na niya ito kahit na bihira naman silang magkita. Marahil, dahil sa quarterly meeting nila at may mga pagkakataon din na kapag kumukuha siya ng tseke ay nakakasalubong niya ito ay nakakakuwentuhan kaya't kahit paano ay alam na niya ang bawat ekspresyon nito Dahilan kaya mas kinakabahan siya.

"Iba na ho ang topic ko?"

"Stick to best friend series. I'm sure na mas mapapaganda mo ang iyong story,"

My Best Friend, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon