Chapter 10

172 8 0
                                    


PARANG may granadang sumabog sa kanyang harapan nang sabihin sa kanya ni Diamond na, "Nalaglag ang anak natin."

Gusto niyang umiyak nang mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Wala ngang anumang katagang lumabas sa kanyang labi gayung gustung-gusto na niyang itanong kung ano ba ang nangyari Ayaw niyang isipin na nagpabaya siya Lahat ng bilin sa kanya ng OB-Gyne niya ay sinunod niya. Uminom siya ng kanyang vitamins, natutulog siya nang maaga, kumakain ng tama at hindi siya nagpapa-stress

Hindi nga ba?

Kahit kasi anong gawin niya ay hindi niya magawang kalimutan ang gamot na itinurok sa kanya ng peking doctor. Naisip niya kasing baka makasama iyon sa kanyang ipinagbubuntis. Iyon nga lang, natatakot siyang sabihin kay Diamond ang ginawa niya dahil baka isipin nitong ayaw niyang magkaanak sila.

"Nalusaw ang baby natin."

"Ano?" gilalas niyang sabi. Hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ni Diamond. Ni hindi nga niya matandaan kung paanong sumakit ang kanyang uson para maging dahilan ng pagkakalaglag ng kanilang anak. Sa isang saglit ay gusto niyang isipin na nagbibiro lang ang kanyang asawa ngunit nang haplusin niya ang kanyang sinapupunan ay wala na ang umbok doon kaya't hindi niya napigilan ang mapahagulgol.

"Kahit anong iyak ang gawin mo, hindi mo na maibabalik pa ang buhay ng ating anak. Nilason mo siya kaya nawala siya sa atin," anitong matalim na matalim ang tingin sa kanya. Sa halip nga na nakikita niya sa mga mata nito ay parang gustong pilipitin ang lanyang leeg.

"Diamond, I'm sorry..."

"Hindi na maibabalik ng sorry mo ang buhay na nawala!" bulyaw nito sa kanya "Tapusin na natin ito, Faye."

"Ano?" mangha niyang sabi. Kahit alam na alam niya ang gusto nitong sabihin, parang nahihirapan siyang tanggapin.

"Maghiwalay na tayo!" sigaw nito sa kanya

"Anak lang naman ang dahilan kaya kita pinakasalan. Kung hindi kita nabuntis, hindi ako magkakamaling pakasalan ka. Hindi kita mahal. Best friend lang ang turing ko sa'yo. Nagkataon lang na nag-sex tayo at inakala kong habambuhay ang pagkabaliw ko sa'yo pero wala na akong gana. Hindi na kita gusto. Pati na ang agkakaibigan natin ay tinatapos ko na. Paglabas mo sa ospital na ito, hindi mo na rin ako makikita kailanman," mariing sabi nito na talagang nagpadurog sa kanyang puso

Ah, talagang gusto na niyang mamatay.

My Best Friend, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon