Chapter 9

189 8 0
                                    

TULAD nga ng ipinangako ni Diamond, kapag nabuntis siya ay hinding-hindi siya nito pababayaan Na agad siyang pakakasalan at 'yun nga ang nangyari. Animo ito si Flash na tinupad ang panindigan siya habambuhay. Siya na ngayon si Faye Solomon Bernabe.

"Sana ay nandito kayo," wika ni Faye habang nakatitig sa puntod ng kanyang mga magulang.

"Umasa ho kayong hindi ko pababayaan ang mag-ina ko Habambuhay ko silang mamahalin," wika naman ni Diamond habang hawak ang kanyang kamay. Pagkaraan ay mariing pinisil iyon na ara bang sinasabi na paniwalaan niya ang salita nito

"Thank you," nagawa niyang sabihin kahit ang gusto talaga niyang ibulalas ay mahal kita.At nang salubungin niya ang mga mata ni Diamond ay hindi maipagkakaila roon ang kalungkutan. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng guilt. Pakiramdam niya kasi'y lungkot ang nakikita niya sa mga mata nito'y dahil nakakulong na ito sa kanya habambuhay

Oo nga't madalas nitong sabihin na kapag siya'y nabuntis ay paninindigan siya at tinupad naman nito iyon. masaya siyang makasama ang lalaking pinakamamahal niya habambuhay, kaya lang, sapat na ba talaga iyon kung hindi naman siya nito kayang mahalin pabalik? Sa kaisipang iyon ay parang gusto niyang sakalin ang kanyang sarili Ilang oras pa lang mula ng ikasal sila sa huwes pero iniisip na niyang maghihiwalay sila

It will never happen, gusto niyang sabihin sa sarili. At tiyak niyang hindi rin iyon hahayaang mangyai ni Diamond, Saka, sanay na sanay na silang magkasama mula pa sa kanilang pagkabata kaya't hindi kataka-taka kung i-extend pa nila ang pagsasamang iyon habambuhay.

Akala nila ni Diamond ang mga tao sa aligid nila ang magugulat dahil sa biglaan nilang pagpaakasal. Hinsi nila akalain na mas magigitla pa sila ni Diamond dahil sa pagasok nila sa compound ay nakita nila doon ang pamilya ni Diamond -- ang mga magulang at kapatid nito

"Anong ginagawa ninyo rito?" gulat na tanong ni Diamond.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Diamond. Kahit naman kasi matalik na magkaibigan sila ni Diamond, dama niyang hindi siya gusto ng ina at kapatid nito, Siguro'y naniniwala ang mga ito na hindi sinusunod ni Diamond ang mga ito dahil sa kanya.

"Para namang sa tono ng pananalita mo'y hindi ka natutuwang makita kami," masama ang loob na sabi ni Cecile Bernabe. Kahit na nasa singkuwenta anyos na ito ay mukha a ring batang tingnan dahil maganda at palaayos ito. Iyon nga lang, hindi maipagkakaila sa mukha ay kilos nito ang katarayan.

"Hindi ka na pala sa inuupahan natin nakatira," wika naman ni Michelle -- ang nakatatandang kapatid ni Diamond

"Huwag mong sabihin na nagtitipid ka na," sarkastikong wika ni Romualdo -- ang ama no Diamond.

Gusto sana niyang magsalita para ipagtanggol si Diamond sa sarili nitong ama pero pinigilan siya ng asawa. Pinisil kasi nito ang kanyang palad na hawak pa rin nito. "Walang dahilan para magtipid ako. Matagumpay ang negosyong pinasok ko at may resort din akong pagmamay-ari na maganda rin ang kita. Kung tatanungin ninyo kung bakit ako dito sa bahay ni Faye nakatira, simply because we're married"

"Mag-asawa na kayo?" hindi makapaniwalang bulalas ng tatlo.

Nagkapalitan sila ng sulyap ni Diamond. Sa hitsura kasi ng mga ito ay para siyang inagsakluban ng langit at lupa. Hindi makapaniwala o sa mas tamang salita, ayaw tanggapin.

"And she's pregnant," wika pa ni Diamond sa tonong nagmamalaki.

"SO, bago pa man kayo ikasal ay nagsama muna kayo ng bunso kong kapatid. Ano 'yun, trial and error?" tanong sa kanya ni Michelle bago pa man siya nakaharang palabas ng silid.

My Best Friend, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon